Chapter 7
-----
"Hoy Kal! Teka nga! Mag-usap tayo!"
Iritado kong hinila si Kal nang makarating kami sa harap ng hotel na titigilan muna namin habang nandito kami sa isla. Bago pa makapasok ay hirap na hirap na hinila ko si Kal papunta sa may gilid. Napansin ko pa iyong ngisi ni Demi na hanggang ngayon ay hindi naaalis sa mukha niya. As in kanina pa iyan! Simula pagkasakay namin ni Kal ay naka-ngisi na sa akin iyang si Demi! Pinagti-tripan ako!
"Tsk." Napaungot si Kal nang masakal siya nong bag na nakasabit sa leeg niya. Doon ko kasi siya hinigit. "Ano ba 'yon?"
Huminga ako nang malalim. Okay Starr, eto na! Kaya mo 'yan!
"Hindi naman sa pagiging assumera pero sige kung gusto mo akong tawaging assumera bahala ka." Umpisa ko. Napakunot ang noo ni Kal, halatang walang ideya sa kung ano bang pinagsasasabi ko.
"Ano ba 'yon?" Tanong niya. Napapikit ako sa hiya.
Itanong mo na, Starr! It's now or never!
Bago pa ako takasan ng lakas ng loob ay pasigaw ko na siyang natanong.
"May gusto ka ba sa akin?" Ayan. Naitanong ko na!
Saglit na nanahimik si Kal habang titig na titig sa akin. Parang may hinahanap siyang kung ano sa mukha ko. Ilang segundo lang siyang nakatitig nang seryoso sa akin bago siya namulsa. Tumayo siya nang maayos, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"Pano mo naman nasabi 'yan?" Seryoso niyang tanong na para bang tungkol lang sa negosyo ang pinag-uusapan namin. Napabuntong hininga ako.
Alam kong dapat ngayon pa lang ay malinaw ko na ito sa kanya para hindi ako nangangapa sa future. Para rin alam ko kung saan ako lulugar sa buhay niya. Sa mga kilos kasi ni Kal ngayon, halos sigurado na akong mahuhulog ako sa kanya kapag nagpatuloy siyang ganyan sa akin na hindi naman malinaw sa akin ang intensyon niya. Mabuti na iyong nagkaliwanagan kami para kung sakali man, alam ko kung anong ibig sabihin ng mga kilos niya.
"Sa kilos mo. Sa paraan mo ng pakikitungo sa akin." Mahinang sagot ko. Napatungo na lang ako dahil sa sobrang hiya. Napatawa naman si Kal.
"Ganyan naman ako sa inyong mga babae, ah? Come on, Starr. You're overthinking." Sumeryoso bigla ang mukha ni Kal at nag-aalalang tumingin sa akin. "We will stay together for a long time that's why I'm treating you the same way I treat the other girls. Ayokong maramdaman mong iba ka sa amin."
Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Naiiyak na rin ako dahil punong puno ito ng sincerity.
"Pero hindi mo naman basta basta nilalapitan iyong iba para alalayan." Mahinang bulong ko na ikinatawa ulit ni Kal.
"Malamang, eh may mga ka-relasyon naman sila. Tingin mo kapag ginawa ko iyong mga ginagawa ko sa 'yo kay Miggy, matatahimik si Asher? Baka nga kung kay Demi ko iyon gawin ay sapakin ako ni T." Natawa kaming pareho dahil sa sinabi ni Kal. Nawala na lang bigla iyong awkward na tensyon sa paligid kanina. "Don't make things awkward between the two of us, Starr. Hayaan mo lang ako sa mga kilos ko at hahayaan kita sa 'yo. I would never limit your actions around us. Kung paano ka talaga, iyon totoong ikaw, iyon ang gusto kong ipakita mo sa amin."

BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
Hayran KurguHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...