Chapter 45
-----
Namimintig ang noo ko nang magising ako sa loob ng isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Ilang sandali akong disoriented na hindi maalala kung ano bang nangyari na naging dahilan para sumakit nang sobra ang ulo ko. Ang tangi ko lang na nagawa ay bumangon, ni hindi ko maimulat ang mga mata ko kasi feeling ko kapag nagmulat ako lalong sasakit ang ulo ko.
I pressed hard on both my temples in a weak attempt to pacify the pain even just a little.
"You're awake." Sabi ng isang baritonong boses na ikinagulat ko. Mabilis na nagmulat ako ng mga mata na pinagsisihan ko rin dahil sobrang liwanag ng silid. Para akong tinapatan ng spot light direct sa mata.
I heard a manly chuckle and some shuffling and a sound of a chair being dragged near the bed. Pinilit ko ang sarili ko na magmulat ng mga mata sa takot na baka kung sino itong kasama ko sa kwarto. May kaunting takot ako na naramdaman dahil bigla ko na namang naalala si Mr. Kho.
Kahit hirap dahil sa sakit ng ulo ay nagmulat ako ng mga mata at ang nakangising si Devon ang unang nakita ko. He was leaning lazily on a chair, probably the one he dragged that heard earlier, grinning as he watch me suffer.
"Devon?" I blurted out in disbelief. "Anong ginagawa ko dito? Bakit ang sakit ng ulo ko and most importantly, bakit ka nandito?"
Bahagyang natawa si Devon sa mga tanong ko. Gusto ko siyang sampalin sa totoo lang kasi natatawa pa siya? Eh halos mamatay na ako dito?
"For someone who's nursing a headache, you sure have a lot of questions." Devon said amusedly. Sapakin ko 'to eh tingnan ko kung ma-amused pa siya sa akin. He pouted and sulked. He actually did! My goodness, kinilabutan ako! "Tapos tinanong mo na naman kung bakit ba ako nandito."
Kung wala lang akong nararamdaman na pamimintig sa noo ko ay baka nabato ko na 'tong si Devon ng lampshade sa ulo niyang bulok na utak yata ang laman.
"Alangan naman, di ba? Ano bang gusto mong itanong ko sa 'yo?" Mataray na tanong ko, mas diniinan ang paghagod sa gilid ng noo ko.
"I don't know." He shrugged. Nag-iwas siya ng tingin. "Maybe you should ask me about what I'm feeling. Ask me the reason why I took you. Siguro gusto ko na tanungin mo ako kung bakit ko ba 'to ginawa instead of asking me what kind of a devil I am because of what I did."
My head suddenly cleared. Parang biglang naalis ang pintig ng ulo ko dahil sa sinabi ni Devon. He sounded... hurt. Like he's tired and just wanted this to be over.
"Sige, itatanong ko ang mga 'yan sa 'yo, pero isang question pa." Mahinang sabi ko. Ibinalik ni Devon sa akin ang kanyang tingin, nakataas na ang kilay at naghahamon. "Bakit ako?"
Ilang segundo na nakatitig lang kami ni Devon sa isa't isa. I couldn't pull my stare off of him. Mayroon kasi akong nakikitang mga emosyon sa mga mata ni Devon na ngayon ko lang nakikita.
Mga emosyon na hindi ko akalain na ipapakita niya sa iba.
"I... somehow I feel that you'd listen." Nagbaba si Devon ng tingin sa kanyang magkasiklop na palad sa kanyang kandungan. "Among all the females I've came across, you're the most matured. You don't judge easily and... I don't know."
"Devon..."
Devon snapped his gaze back to me, his eyes now blazing with a different emotion, one far from the little vulnerability he expressed a second before.
"You're Kal's girlfriend. I can hold you as hostage." Halos gigil na sabi ni Devon. "I am tired playing this cat and mouse chase. It's time I use a bait to lure the runner in."
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...