Chapter 36

5.6K 209 90
                                    

Chapter 36

-----

Nagdesisyon kami ni Kal na sa penthouse na ng building magpalipas ng gabi para makapagusap kaming dalawa nang maayos. Nag-order siya ng pizza, assorted flavor buffalo wings at vegetable salad para dinner namin. He even opened wine for us.

Di naman necessary iyong wine, kaso si Kamahalan may pinapatunayan talaga sa buhay.

"Bakit ba magbubukas ka pa ng wine, eh dalawa lang naman tayong kakain?" Naainis kong tanong nang bumalik si Kal dito sa sala galing sa labas. Pinabuksan niya pa kasi sa MIB iyong wine, wala kasing corkscrew dito sa penthouse. "Tsaka mag-uusap pa tayo, baka malasing ako!"

Tiningnan ako ni Kal na para bang nae-eskandalo siya sa sinabi ko. Iyong nanlalaki ang mga mata niya sa gulat at kung saan ko ba kinuha iyong lakas ng loob ko para masabi ko 'yon. Iyong parang sa sobrang di siya makapaniwala na nasabi ko 'yon eh na-offend na siya.

Bwisit, ah.

"Ilusyunada ka. Nong nag-inuman nga tayo nong na-engage sina Asher at Miggy, nakakatatlong bote ka na ng beer di ka pa lasing." Tinulak ni Kal iyong noo ko palayo gamit iyong hintuturo niya, as if bata ako na sinasaway niya. "Imposibleng malasing ka sa simpleng wine. It doesn't even have much alcohol content."

Sinimangutan ko na lang si Kal at hindi na nakipagtalo pa. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na pabalik sa sala kung saan nakalagay sa glass table iyong mga pagkain na nasa paper bags pa. Mas mabuti pang ayusin ko na lang 'tong mga 'to at ilagay sa mga plato para makakain na kami.

I was about to pick up the paper bags when I felt Kal's chest hit my back. Pumaikot sa bewang ko iyong kaliwang kamay niya habang hawak niya pa rin sa kanan iyong bote ng wine.

"Come on, Reyna. 'Wag ka na mainis. I just..." Kal huffed, obviously frustrated. "I want to take you out. I want to go and feed you in a fine dining restaurant. I want to give you all the luxury you deserve." Binitawan ako ni Kal. Hinarap ko siya at pinagmasdan habang frustrated na frustrated siyang magpaliwanag sa akin. Cute. "And I know luxury isn't your thing, sobrang kuripot mo kaya. I don't want to impose on you. Ayokong ipilit sa 'yo iyon 'yong karangyaan hangga't hindi ka pa handa. Na magiging sa 'yo rin naman sa future. Kaya kahit mga ganitong maliliit na bagay na lang." Hinarap ako ni Kal nang tuluyan. "Pabayaan mo na ako. Let me serve you wine. Let me shower you with all that I have, let me treat you like the queen you are to me."

Nakagat ko iyong upper lip ko para magpigil ng ngiti. I even shielded my lips with my palm.

Ang hirap.

Ang hirap magpigil ng ngiti. Ang hirap pigilan iyong sarili ko na kiligin. Lalo pa at ganito ang itsura ni Kal. He's almost pouting like a chid, brows furrowed in frustration.

Huminga ako nang malalim habang nakatakip pa rin iyong kamay ko sa aking bibig para kalmahin iyong sarili ko.

"Oo na. Sige na, mag-wine na tayo." Sumusukong sabi ko. Alangan namang tanggihan ko?

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang halikan ako nang mabilis ni Kal sa lips.

"Thanks." Sabi ni Kal bago siya ngumisi at lumayo sa akin. Kinindatan niya ako bago siya tumalikod at naglakad papunta sa kusina.

Bakit everytime na hahalikan ako ni Kal, parang nagha-hang iyong utak ko? I mean, ang weird, eh! Normal ba 'yong reaksyon ko? Ako lang ba iyong ganito magulat kapag hinahalikan? Nakakaloka, ha!

Dapat talaga nag-boyfriend na ako dati para hindi ako ganito kawalang experience!

But on second thought, masaya ako dahil nararanasan ko 'tong mga first time ko kay Kal. Kasi kung iisipin, hindi siguro ako magiging ganito kasaya kung sa iba ko 'to naranasan noon.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon