Chapter 20

5.1K 203 34
                                    

Chapter 20

-----

Magdamag kaming gumawa ng instructional materials ni Mrs. Hernandez. Para sa dalawang subject din ang mga iyon kaya medyo natagalan kami. Pero sulit naman kasi binigyan niya rin ako ng mga inputs tungkol sa pagtuturo. Pakiramdam ko nag-practice teaching na rin ako. Kung umabot siguro ako sa ganoon ay ilang gabi rin siguro akong palaging puyat. Kinabukasan, puyat akong pumasok sa opisina. Inihatid muna ako doon nila Caspian bago sila pumasok sa school. Maganda talaga iyong ugali nila. Mas panatunayan ko iyon sa paraan ng pakikitungo ni Caspian sa mommy niya.

"Puyat ka yata?" Tanong ni Paul nang maabutan niya ako sa pantry ng fifth floor. Nagpunta ako dito para magtimpla ng kape. Nakapag-kape naman na ako doon sa mansyon nina Caspian kaso ay inaantok pa rin talaga ako. Hindi na ako sanay mag-puyat.

"Medyo. Madaling araw na kami natapos ni Mrs. Hernandez gawin iyong mga kailangan niya na panturo para ngayong araw, eh." Sabi ko bago ako humikab. Inabot ko iyong creamer at binuksan iyon para malagyan ko iyong kape ko.

"How was it?" Tumalikod sa akin si Paul para kumuha ng isang mug doon sa cup board. "Interacting with the big bosses, I mean."

"Okay naman. Hindi mahirap pakisamahan sila kasi puro mabubuting tao naman." Walang hesitasyon kong sabi habang hinahalo ko iyong kape. "Inalok pa nga ako ni Mrs. Hernandez na kung gusto ko raw na ipagpatuloy iyong pag-aaral ko ay tutulungan niya ako."

"Marami talagang benefits kapag close sa mga big boss, ano?" Singit ng isang boses na ikinalingon namin ni Paul sa may bungad ng pantry. Crossed arms na na nakatayo doon si Janette, iyong dating sekretarya ni Timothy na sinugod daw ni Demi kaya na-demote at inilipat dito sa kompanya nina Kal bilang HR manager. Hindi ako dumaan sa kanya noong na-hire ako dito kahit dapat ay sa kanya munang department dahil doon talaga dumadaan muna ang mga papel ng naga-apply. Pero dahil si Kal ang nagpasok sa akin dito ay diretso na ako kay Louise, kaya siguro maiinit iyong dugo sa akin ni Janette.

My lips were automatically pressed on a thin line. Pinaka-iniiwasan ko talaga dito iyong mga ganitong takbo ng usapan. Masakit kasi na marinig iyong version nila ng mga nangyayari. Kahit hindi naman totoo. Kahit alam ko naman kung ano talaga iyong mga tunay na nangyayari. May epekto pa rin.

Because in their twisted version of their reality, I was nothing but a mere gold digger. An unknown variable who, like a mushroom, sprang out of nowhere. The mysterious secretary with no background.

Iyon ako. Para sa mga taong hindi naman importante pero maraming nasasabi, iyon ako. They reduced me to my littlest form like I worth nothing. Lahat ng kaya kong gawin, hindi nila nakikita. Mas binibigyan nila ng pansin iyong mga bagay na hindi naman nila dapat pinapaki-alaman.

Sinusubukan ko namang 'wag pansinin at 'wag magpa-apekto pero ang hirap lang talaga. Parang kapag mas iniwasan mo, mas lalo kang hahabulin.

Hanga nga ako kay Miggy, eh. Nakayanan niya iyong hamakin siya ng buong bansa noon dahil sa paglabas ng katotohanan na anak siya ng isang senador sa labas. Sana kaya ko rin. Sana kasing tatag niya rin ako.

"I wouldn't call them benefits, Janette." Pilit ang ngiti na sabi ko. "Hindi naman ako charity case para ituring ang sarili ko na beneficiary ng mga mayayamang taong close sa akin."

Janette's smirk faltered a little. Hindi niya siguro inaasahan na papatulan ko ngayon iyong mga pasaring niya. Ilang beses na kasi akong nagbingi-bingihan kapag may nasasabi siyang hindi maganda sa akin. Ngayon lang ako sumagot, ngayon lang ako pumatol. Which I regretted in an instant. Alam kong dahil sumagot ako, mas gugustuhin lang ni Janette na patunayang tama siya. Idagdag pang ang bigat din talaga sa loob ko kapag may nakakasagutan ako na katulad nito. I was not made for confrontations. Si Demi ang magaling sa mga ganito. Hindi ako.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon