Chapter 37
-----
"Sinasabi ko na nga ba, eh." Nakangising sabi ni Caryl, iyong may ari ng cafè na pinuntahan namin noon ni Kal. "May kakaiba talaga sa inyong dalawa ni Verano."
"I know, right!" Tili naman ni Marione. Nag-apir ang dalawa at parehong ngumisi sa akin.
"Ang daya!" Singit naman ni Euxas. She was pouting. "Kilala niyo na pala nang matagal si Starr. How come I only knew about her when I'm already here?!"
"Ewan ko rin ba kay Kal." Sabi ni Marione bago siya umirap. The three of them talked comfortably with each other. Naging kaklase pala kasi nila si Euxas nong first year college sila. Their communication ended when Euxas left the country after their first semester. "Napaka-arte pagdating dito kay Starr."
Nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang pagtambay ko dito sa cafè ni Marione kapag lunch break sa office dahil na rin lagi akong hinihila ni Euxas dito, sabik na sabik siya makipag-catch up sa mga kaibigan niya. Kaya si Caryl ay pumupunta rin dito madalas at iniiwan na iyong sarili niyang cafè para lang maki-tsismis. Mahilig rin kasi si Euxas sa mga abubot kaya gustong gusto niya dito. I can't say no to her. Naaalala ko kasi sa kanya sila Demi at Winter. Mga parang sabik sa tao parati.
Ganon ba talaga kapag pinanganak na mayaman? Talagang limited lang iyong mga pwedeng makilala? Feeling ko kasi kung hindi lang dahil sa mga tagapagmana ng Zero, hindi magkakaroon ng mga kaibigan sina Demi pati na rin itong si Euxas dahil na rin sa mga banta na nakukuha nila, eh. Marami rin silang koneksyon sa kung saan saan, they can almost do anything with just a snap of their fingers, kaya marami rin ang pwedeng manamantala sa kanila. And maybe that's explains why Demi was willing to go through tough lengths for her friends. Kasi wala naman siya masyadong kaibigan, kaya gusto niyang proktektahan iyong mga meron siya. She doesn't have much people to call her friend, that's why she cared for her friends too much.
Kung iisipin kong mabuti, mas okay na rin talaga na hindi ako ipinanganak na sobrang yaman. Wala man ako ng lahat ng luho na nakasanayan nila, meron naman akong normal na childhood; iyong tipong pati paggapang sa putikan naranasan ko. At naging sigurado naman ako na lahat ng tao sa paligid ko ay totoo sa akin, well maliban na lang doon sa mga kaibigan ni daddy na simula nang makuha sa akin ang pamamahala sa business namin noon ay halos kalimutan na ang presensya ko sa buhay nila.
Miss ko na yata si Demi. Parang mas dumadalas na siya iyong naiisip ko talaga. Hindi ko rin naman maiwasan kasi a huge part of me was really worried about her. Hindi na kasi talaga biro iyong ginagawa ni Timothy sa kanya. I made a mental note to visit her one of these days, kapag hindi na masyadong busy.
Hindi ko rin naman matanggihan sina Marione kasi sobrang excited nila para sa amin ni Kal. Paanong hindi, eh nagpustahan pala iyong dalawa if ilang months ang lilipas bago maging kami ni Kal. Napatanong na lang talaga ako kung mga kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to, eh.
Buong duration ng tanghalian namin ay puro tungkol sa amin ni Kal iyong topic. Nagtanong sila kung bakit hindi ko pa raw sinasagot si Kal. Kung bakit daw pinapatagal ko pa eh halos kami na rin naman daw.
Hindi ba automatic na 'yon? Hinahayaan ko na si Kal na maging sweet sa akin. Nagpapahalik na nga ako, eh. Para sa akin kasi, kami na.
"Ramdam niya naman na kami na." Naguguluhang sabi ko. "We act like a couple already. Dapat pa ba sabihin ko na sinasagot ko na siya?"
I mean... para kasi sa akin, kami na. Kaya naman kasi di ko na sinabi ka Kal kasi akala ko gets niya na.
"Hala!" Napapalatak si Caryl. "Dapat sabihin mo pa rin!"
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...