Chapter 41
-----
"Ay, ang bongga naman pala." Tuwang tuwa na sabi ni Aling Delia habang kumakain kami ng agahan. Inabutan ko pa kasi na nagluluto si Aling Delia kanina kaya kahit kumain naman na ako sa condo ay sumalo pa rin ako. Hindi ko naman kayang palampasin iyong luto ni Aling Delia. "Parang official part na ka rin ng Verano family."
Mabilis na namula ang magkabila kong pisngi. Isa isa kong tiningnan ang mga kasama ko sa mesa. Si Aling Delia at Greg ay parehas na nakatingin sa akin at mukhang masaya sa mga nangyayari sa buhay ko and I felt immense gratitude to them for that. Si Lolo Ireneo naman ay patuloy lang sa pagkain ng agahan.
"Grabe naman po." Kunyari ay nahihiya kong sabi.
"Sus, kunyari ka pa." Mapang-asar na sabi ni Lolo Ireneo. Napairap na lang ako. I knew he meant well. Kasi ganyan lang naman talaga magsalita si Lolo pero mabait 'yan. "Kailan ang kasal?"
Mabilis na bumaling ako pabalik kay Lolo Ireneo dahil sa tanong niya. My eyes widened as my face flushed with fluster even more. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Lolo naman!" I whined, hiyang hiya na dahil kanina pa talaga ako nakakatanggap ng pang-aasar sa kanila. Kanina si Greg ay umakto pa na lalatagan ako ng carpet sa labas pagkababa ko ng kotse ni Kal.
Si Kal. Iyong boyfriend kong almost perfect na. Ang bagay lang na pumipigil kay Kal na maging perfect ay iyong katotohanan na no body is perfect. Pero aside that, halos lahat ng pwedeng hanapin sa isang lalake, nasa kanya na. Kahit kailan hindi ko makakalimutan na sobrang swerte ko na ako iyong minahal niya. And of course, hindi ko rin naman kakalimutan na mahal ko siya. Mahal ko siya kahit pa alisin lahat ng ideal tungkol sa kanya.
I love Kal as him, the flawed guy that he was.
I love Kal Verano the businessman, the son of two beautiful people, the Kal who was a brother to his friends.
I love all his side, no matter what the circumstance were.
"Tingnan mo, oh." Sabi ni Lolo Ireneo. It snapped me back to reality. "Iyan ba ang hindi pa papakasalan? Eh hindi pa nga nababanggit ang pangalan ng magiging groom ay natutulala na?"
Naihilamos ko sa aking mukha ang dalawa kong palad. Itinakip ko sa aking mukha ang mga palad ko pagkatapos.
Grabe! Nakakahiya! Bigla bigla na lang akong nag-daydream tungkol kay Kamahalan!
Damn, in love nga talaga ako.
Natapos ang agahan namin na puro lang sila pang-aasar sa akin. Hindi naman ako na-offend kasi siyempre, gusto ko rin naman iyong mga pang-aasar nila.
"Aling Delia, saan po kayo pupunta?" Tanong ko nang pagkatapos ligpitin ang mesa. Napansin ko kasing dinampot ni Greg ang susi ng kotse niya at lumabas. Nakapagpalit na rin ng damit si Aling Delia. Nakapang-alis na siya at may hawak pang malaking basket.
"Pupunta ako sa palengke, babae ka tumira ka lang sa condo nalimutan mo na kaagad ang routine ko." Umismid si Aling Delia, umirap sa akin pero halata namang nagpipigil lang na maiyak. "Baka kapag kasal na kayo ni Kal, pati kami dito a kalimutan mo na."
Ngumuso ako at nilapitan si Aling Delia bago ko siya niyakap. At this point, the two of us were already close enough. Sa lahat ng naitulong sa akin ni Aling Delia simula nong bumalik ako dito sa San Juan, hindi na ako talaga dapat mahiya pa na maging affectionate sa kanya. After all, deserve naman ni Aling Delia na lambingin minsan. Para ko na rin siyang nanay kaya pwede naman na sa akin manggaling ang lambing na deserve niya.
BINABASA MO ANG
EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]
FanfictionHe is Kal Verano. Princely; in every sense of the word. He has the best face there is. Biyaya siya sa mga kababaihan. He is everything that Starr Villaflor sees her ideal man to be. He is nice to her, offered her shelter when she badly needed it. Th...