Chapter 30

5.4K 213 202
                                    

Chapter 30

-----

"Oh, bakit nandito ka pa?" Nilingon ko si Kier na kakauwi lang galing kung saan. Nakasuot na siya ng dress shirt na naka-tuck in sa itim niyang denim pants. Ang gwapo niya tingnan lalo.

I mean, sa pamilya nina Kier, normal na yata iyong kahit anong isuot ay bagay. Kayang kaya kasi nilang dalhin. There's no doubt that Kier was really one of the most sought bachelors of the country.

Tipid na nginitian ko lang siya bago ko ibinalik ang tingin ko sa hawak kong iPad. Hindi ko naman masisisi si Kier kung bakit niya 'yan naitanong sa akin kasi pati ako nagtataka rin.

Bakit ba nandito pa rin ako sa estate? Well... Kal asked me to stay here. Nakakatawa nga kasi nong nalaman niya na may gusto sa akin si Kier, halos mag-tantrums siya every time na magpapa-alam ako sa kanya na pupunta ako dito. Tapos ngayon siya na iyong nagsabi sa akin na dito muna ako. He even helped me pack an overnight bag.

I don't even want to think much about it. Ayokong mag-isip ng negative, kahit pa iyon lang talaga halos ang mga pumapasok sa isip ko, pinipilit ko talaga na 'wag hayaan iyon na lunurin ang rational part ng isip ko.

Busy lang siya kaya niya ako sinabihan na dito muna. He doesn't want me to be left alone at home, kaya dito muna niya ako pinapatuloy sa estate.

Sige, lokohin ko pa sarili ko. Kunyari hindi ako nalilito kung bakit parang halos ayaw na akong pauwiin ni Kal sa condo.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naisip. Was he kicking me out?

No. Hindi niya naman 'yon gagawin, right?

I shook the negative thought out of my mind immediately. There was no way Kal would kick me out. That was insane.

"I'm staying here 'till Sunday." Tipid na sabi ko na ikinataas ng kilay ni Kier. Alam kong nahalata niya na ang bahagyang panginginig ng mga daliri kong pumipindot sa screen ng iPad kung saan ko inaayos iyong mga reports. Alam kong nagtataka siya at nagpapasalamat ako na hindi na siya nagtanong pa.

Alam ko kasing iiyak na naman ako kapag may nagtanong pa, eh. Ako iyong tipo ng tao na kapag may nakakasakit sa akin, kapag may nagtanong kung okay lang ba ako, hindi ako makakasagot at iiyak na lang. Ganoon ako kahina.

And there's no doubt that I was hurting. Bakit kasi ganito? Bakit ang gulo na naman yata?

Tinabihan ako ni Kier sa sofa at dahan dahan niyang inalis sa pagkakahawak ko iyong iPad. He then, engulfed me in his hold. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko maitanggi na gumaan ang pakiramdam ko.

"It's okay to cry, Starr." Bulong ni Kier habang hinahagod niya iyong braso ko. "If it ever gets hard, don't forget that it is always okay to cry."

Siguro dahil sa malambing na boses ni Kier o doon sa paraan ng paghagod niya sa braso ko na nakapagpagaan ng loob ko o iyong tipid na ngiti niya ang dahilan. Basta naiyak na lang ako bigla. Nabitawan ko iyong iPad at nahulog iyon sa sahig habang panay ang punas ko sa mga luha na sunod sunod na lang lumabas sa mga mata ko.

Maaga akong nakatulog dahil siguro sa pagod. Pagod kakaiyak. Ewan.

Ilang araw na ganoon iyong nangyayari. Susunduin ako ni Caspian, papasok ako sa opisina tapos ihahatid ako ni Caspian ulit sa estate. Pero hindi na ako umiiyak. Kasi wala namang dahilan. Totoo iyong naging masyadong busy si Kal. Kasi halos di talaga kami nagkikita. Minsan, maghapon siya sa conference room tapos minsan naman sa field. Hindi ako iyong isinasama niya kasi ipinadala ni Mr. Verano iyong secretary niya para i-monitor iyong performance ni Kal. Feeling niya nga raw, naghahanda na iyong ama niya na ipasa sa kanya iyong buong pamamahala sa kompanya nila.

Kaya tinigilan ko na iyong pago-overthink at pag-iyak nang walang dahilan.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon