Chapter 34

5.1K 185 140
                                    

Chapter 34

-----

This was... weird.

Seryoso.

Umaga pa lang, di na ako hiniwalayan ni Euxas. Kapag nakaupo ako sa swivel chair ko, nakatayo siya sa likod at walang tigil sa pagkausap sa akin kahit di naman ako sumasagot.

Ni hindi ako magawang sagutin iyong mga tanong ni Kal kasi kapag kinausap niya ako automatic sisimangot si Euxas.

"Kapag kasal na kayo, you'll have your whole lives to talk. Ako, kaunti lang chance ko maka-bond si Starr! Kaya kung pwede? Manahimik ka lang diyan!" Pagtataray ni Euxas. Hindi pa siguro nila alam ni Kal na nakatayo na ako sa may pinto ng opisina kasi busy sila magkalmutan. Lumabas kasi ako kanina para makipag-coordinate kay Loiuse tungkol sa mga trabahong hindi ko nagawa.

"Shut up!" Pinitik ni Kal ang bibig ni Euxas. She gathered saliva in her mouth, almost ready to spit on Kal when he covered her lips with his both hands. "Mangdudura ka pa! Bastos ka talaga!"

Nagpumiglas si Euxas. Mahinang natawa ako, sapat lang para di nila ako mapansin.

Nakakatuwa kasi sila panoorin. Nakakaselos, oo. Kasi super close talaga sila. Kahit siguro magkatotoo iyong sinabi ni Euxas na ikasal kami ni Kal in the future, hindi ko pa rin mapapalitan si Euxas bilang pinaka-close na babae kay Kal.

Natatandaan ko pa na may nabasa ako noon kung saan na 'wag na 'wag magbo-boyfriend ng lalakeng may girl best friend kasi forever ka talagang may kahati. Laging merong ibang babae na mas nakakakilala sa mamahalin mo. Laging may option number two. Minsan, iyong mismong girlfriend pa ang nagiging second option.

It was a fact that I need to live by with if I'm in with Kal for the long run. Kasabay ng pagtanggap ko sa katotohanan na magkaibang magkaiba kami ng buhay na kinalakihan, ng uri ng pamilyang pinagmulan, ay ang pagtanggap na meron siyang matalik na kaibigan na habang buhay na magiging kahati ko sa puso niya.

"I wish she would marry me, Xas." Mahinang sabi ni Kal na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kanila. Ni hindi ko man lang napansin na natulala na pala ako sa kawalan. "Di ko alam gagawin ko sa buhay ko kapag nawala siya sa akin for good."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Uminit ang magkabila kong pisngi. May hindi mapigil na malaking ngiti ang nabuo sa labi ko.

With that, I concluded that it was okay if Kal has Euxas as his girl best friend. Sure, the of them have their special bond, but Kal and I have each others hearts.

Kung di pa ako lamang sa lagay na 'yon, ewan ko na.

I quietly closed the door. Feeling ko kasi hindi ko na dapat marinig iyong usapan nila. Kal's showing that kind of his vulnerability available to Euxas only. Kailangan ko lang maging patient enough at antayin na sa akin naman ipakita ni Kal iyong side niya na 'yon. Hindi naman ako nagmamadali sa ngayon. Kal would talk to me like that when he's ready the same way he should wait for me.

As Euxas have said, if ever Kal and I would really end up together, we have the rest of our lives to figure out each other.

Panghahawakan ko 'yon. Makukuntento na muna ako don.

After all, nagsisimula pa lanh naman kami ni Kal talaga.

Pagkabalik ko ay ganoon pa rin. Parang tuko pa rin si Euxas kung dumikit sa akin. Medyo di ako komportable nong una pero mabilis na nasanay rin ako. Hindi naman mahirap magustuhan iyong antics ni Euxas.

Ang ending, dalawa kami na pinalayas ni Kal sa opisina niya kasi nag-ingay na kami talaga ni Euxas. Nagreklamo na siya kasi di siya makapagtrabaho nang maayos.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon