Chapter 12

5.5K 203 108
                                    

Chapter 12

-----

Hindi na ako makikipag-asaran kay Kal! Hindi na talaga!

"Is my method working?" Naalala kong sabi niya. "Kasi sa panahon ngayon, mahirap ang buhay. Kapag ikaw ang naging asawa ko, libre na sa laba. Makakatipid ako." Isang inosenteng ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Di ba?"

Bwisit na bwisit ako! Kikiligin na sana ako, eh! Ang sama talaga nitong kamahalan na 'to!

"Ano at nakasimangot ka na naman?" Tanong ni Caspian sa akin. Tumabi siya sa akin dito sa sala. Inabot agad iyong remote at inilipat ng channel iyong t.v. Kakalipat niya pa lang ay isang nakakabinging tili na kaagad ang narinig namin.

"Jasper, stop!" Narinig naming sigaw ni Jareth mula sa kusina. "Mahuhulog ka!"

May narinig kaming lumagapak sa sahig at wala pang limang segundo ay tumatakbo na si Jasper papunta sa sala kung nasaan kami. Bigla nitong inihampas ang hawak na laruan sa t.v.

"Hey, hey! Kid! Stop!" Napatayo bigla si Caspian at agad binuhat si Jasper.

"Bakit mo kasi inilipat iyong channel, kuya?" Inis na tanong ni Jareth. Inilapag niya sa lamesa iyong dala niyang bowl ng cereal at bote ng apple juice.

"Wala namang nanonood, eh." Sabi ni Caspian. "Hindi naman nanonood 'tong si Starr nakatulala lang sa kawalan. I didn't know your son is watching."

Hindi na umimik si Jareth. Nilapitan niya si Caspian at kinuha dito si Jasper bago sila umupo sa bean bag na nasa sahig, si Jasper ay nasa gitna ng mga hita ng ama niya. Agad namang kinuha ni Jasper iyong kutsara at nagsimulang kumain.

Ilang araw nang ganyan si Jareth, matamlay at parating mukhang iiyak. Halata na iyong mga eye bags niya. Iyon ay dahil nawawala pa rin si Asher. Tatlong araw na siyang nawawala. Sina Kal nga ay halos hindi na rin umuwi dahil busy sila na hanapin si Asher.

Bumuntong hininga si Caspian. Halata rin sa kanya na nahihirapan din siya sa sitwasyon. Siya kasi iyong inaasahan nina Storm ngayon lalo pa't si Kal ay wala sa kondisyon na humarap sa dagdag problema. Si Timothy naman ay busy rin dahil kay Demi. Ang sensitive na kasi nong si buntis, kapag umaalis si Timothy ay umiiyak o nagdadabog. Halos ako iyong tumitingin sa kanya kapag umaalis si Timothy dahil nag-aalala ako sa kanila nong pinagbubuntis niya. Si Hope sana iyong sunod na pinaka-matanda kaso ay busy rin iyon dahil sa school at dance class niya. Si Caspian na iyong sunod kaya siya talaga iyong parang pinaka-in charged dito ngayon.

Napatingin ako kay Winter na kabababa lang galing sa second floor.

"Kuya, may bibilhin po ako sa mall. Kailangan po for an activity tomorrow." Sabi ni Winter habang may kinakalkal sa body bag na dala niya.

"Okay." Tumayo si Caspian. "I'll drive for you."

"Hala, kuya 'wag na po." Lumakad si Winter palapit doon sa fish bowl na puno ng pera at dumakot ng ilang bills doon. "I'll ask Burr for an available car na lang."

Umiling si Caspian at lumapit na kay Winter. Dumukot siya doon sa fishbowl ng mga susi.

"I'll drive for you. Mas panatag ako na kasama mo ako." Sabi ni Caspian bago inakbayan si Winter. Wala na rin namang nagawa si Winter kung hindi pumayag. Naka-ngusong tumango ito at nagpadala na kay Caspian na hindi pa rin inaalis ang akbay sa kanya.

"Hindi niyo ba isasama si Storm?" Pahabol na sigaw ko nang lumakad na palabas sina Caspian at Winter.

"Oo nga, 'no? Nasaan ang asawa mo?" Tanong ni Caspian kay Winter.

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon