UWTP : Worst Day Ever

3.6K 131 0
                                    

Astray's PoV

Inis na kinamot ko ang ulo ko pagkalabas na pagkalabas ko sa office niya. Ang hirap magpigil ng galit. Hayst. May araw din sakin ang lalaking yon.

"Grrrr"

Napanguso ako ng biglang tumunog ang tiyan ko. I glance with my wrist watch

8:35

I sigh. Ganon ba katagal ang engkwentro naming dalawa at umabot kami ng isang oras. Sinamaan ko ng tingin ang pinto bago magsimulang maglakad.

Nagsayang ako ng 1 oras para sa walang kwentang lalaking yun!

Pagdating ko sa cafeteria ay nag order ako ng pagkain bago maghanap ng vacant na table. Agad kong nilantakan ang pagkain ko na hindi pinapansin ang mga matang nakatingin sakin.

Sa pagkain ko nalang idadaan lahat ng inis ko..

Pagkatapos ng eating session ko ay dumeretso ako sa room. Awtomatikong napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng tilian at hiyawan.

What's happening? End of the world na ba?-- pero hindi pwede! Hindi ako makakapayag! Ni hindi pa nga ako nakakaganti sa mamamatay taong yon!

Pagkabukas ko ng pinto ay nanlaki ang mata ko ng makita ang isang bagay na papasalubong sa mukha ko. Rinig ko ang pagsinghap ng lahat ng matamaan nito ang mukha ko.

Napaubo ako ng mahina at sinamaan ng tingin ang bagay na tumama sa mukha ko na nahulog sa sahig.

Chalk eraser..

Hinimas ko ang mukha ko na sobrang gaspang na dahil sa chalk dust na dumikit sa mukha ko. Nakalanghap pa ko!

This is my worst day of my life..

Una, ng makabangga ako ng isang masungit na lalaki na hindi sinasadya. Pangalawa, ang engkwentro namin ng lalaking mamamatay taong yon. Pangatlo, nagface to face kami ng chalk eraser na puno ng chalk dust.

Yung totoo? Nagkaroon ba ko ng balat sa pwet ng hindi ko nalalaman? -,-

Tss may sunod pa ba? sabihin niyo lang ng makapaghanda naman ako

Kalma lang.. ray. kalma..

Nagpipigil na galit kong itinaas ang mukha ko at binigyan sila ng matatalim na tingin. Lahat sila!

"Sinong may gawa non?"- mahinahong tanong ko. Kita ng dalawang mata ko ang pamumutla nila. Aba dapat lang!

>Silence<

I sigh

"Wala bang gusto magsalita?"

>Silence<

"Magbibilang ako ng tatlo. Kapag walang nagsalita ni isa sa inyo lahat kayo made-detention office!"

"Tatl- Ms Ray siya po!"- buti naman at may naglakas loob na umamin. Napatingin ako kay Dale na nagsalita at tinuturo nito si Aubrie na isang nerd. Namutla naman ito at nahihintakutang umiling. Sa tingin ba niya paniniwalaan ko ang kalokohan niya? Kilala ko si Aubrie, hindi niya magagawa ang mga bagay na yan. Tahimik siya at hindi nangingialam pagdating sa mga kalokohan. Talagang sinusubukan ako ng lalaking to..

"Dale go to the detention room"

Nanlaki ang mata nito.

"Why me? Hindi ba dapat si panget ang pupunta don?"

My left eyebrow rises.

"Sa tingin mo maloloko mo ko? Now go!"

Napalunok ito at walang nagawa kundi umalis. Nabaling ang tingin ko sa natira. There are only 15 people pero sobrang gulo nila.

"Wala bang magsasalita?"- i sigh ng lahat sila ay nakayuko at wala ngang balak magsalita. Wala akong magagawa, pinili nila yan.

"All of you! Go to the detention room"- napailing na lang ako ng magmadali silang lumabas. Walang balak magpaiwan.

Napataas ang kilay ko ng biglang pumasok si Ma'am Doreen na naguguluhang napatingin sakin at sa room na walang katao tao.

"Where's the students?"

"Ikaw ang dapat tinatanong ko. Bakit late ka?"

"Ahh kasi n-ag retouch ako"- kinakabahang saad nito. Napapikit ako ng mariin at ng muli kong binuksan ang mata ko. Grabe honest niya ah.

"You too! Go to the detention room"- ano ba naman yan? Walang patawad. Wala na bang matino ni isa sa kanila. Buong section na detention room pati adviser hindi nagpahuli. Ako nalang ba natirang matino sa kanila? Hayst makasunod na nga.

Balak ko na sanang lumabas ng room ng mabunggo ako sa isang pader?-- pero sa pagkakaalam ko pinto ang dinadaanan ko at nakabukas yon. Pinalitan na ba? Mahinang hinimas ko ang noo ko at inangat ang ulo ko.

Bumungad sakin ang mukha ng masungit na lalaki kanina na nakabangga ko.

Kailan ba matatapos ang kamalasan ko sa araw na to?

"You again!"- i shift my glance to the man who spoke. Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin at dahil sa hindi ako nakapaghanda ay natumba ako.

"Excuse me? Do i know you?"- naiinis na saad ko at walang pasabing tumayo na ikinahulog nito. Ang bigat niya dagdagan mo pa ang sakit ng pwet ko sa pagkakabagsak.

Mabilis itong tumayo at binaliwala ang ginawa kong paghulog sa kaniya.

Nakangite ito abot mata. Tss hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa eh

"I'm the one you saved earlier!"- masayang saad nito.

"Talaga?"- walang ganang saad ko at tinalikdan sila. At balak ko na sanang umalis ng may maalala ako. Ayoko namang magmukhang walang respeto.

"Gusto niyo sumama? Wala dito buong class nasa detention room. Maboboring kayo dito kung gusto niyo magstay. Kung sasama naman kayo mas maboboring kayo kakarinig ng sermon nila. Pili na bilis. Hinihintay nila ako don"- nagtinginan sila at napatingin sa masungit na lalaking nakabangga ko kanina.

"We're going"

"Follow me"

Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!

Unordinary World (The Prophecy)Where stories live. Discover now