"The recent attack a while ago.. Something is different about those guys"- ngumise ako. Of course, they're different. Malaki ang agwat nila sa inyo. Ang nakalaban namin kanina ay mahina lang kung tutuusin. Low-level creature sa mundo nila. Napailing na lamang ako, masyado nilang minamaliit ang mga naninirahan sa mundo na ito. Well masasabing kung may ibubuga ang mundong to dahil nandito ang mga royalties and because of their abilities. They are stronger than I expected.
However, what if they died?
Sino ang p-protekta sa mga taong to?
Sinulyapan ko si Ray na taimtim na nakikinig. How long? Hanggang kailan tayo magtatagal bago mo makilala ang sarili mo? Wag sana tayong umabot na gumuho nalang tong mundo na to dahil sa huli na tayo. Wala akong pakialam sa mundong to pero habang tumatagal, hindi ko kakayaning mawala ang mga naninirahan dito. Hindi kakayanin ng konsensya kong madamay ang mga inosenteng tao.
Wala ako sa lugar para magsalita. Napakalaking paglabag sa batas kung gagawin ko yon and my lips is zip.
I'll die.
"Those trespassers aren't from this world. They want our savior"- pamumulabog ni Wade na mukhang may malalim na iniisip. Napapalakpak si Lucas "You're right, nabanggit niya kanina na galing daw sila sa Under World! underworld? You mean sa impyerno ba?"
Napabaling ang tingin ng lahat sa headmistress.
"Posible bang may ibang mundo pa maliban sa mundo natin at mundo ng mga tao?"
Wala ni isa ang nagsalita, hinihintay ang sasabihin ng batang headmistress nila. This girl, she's powerful, I can feel it.
Bumuntonghininga ito.
"Kailan lang nalaman ng mga officials at ngayon ay pinaghahandaan na. May natitira pang dalawang mundo na hindi natin nalalaman. Mundo ng mga deities which is called the Divine realm at ang under world kung saan naninirahan ang mga nanghimasok kanina. Ang nakakapagtaka, bakit sila nangingialam sa mundo natin? Bakit gusto nilang makuha ang tagapaglitas ng mundong to?"
~
"Hanggang kailan? Hanggang kailan tayo maghihintay? Mahal bakit hindi nalang tayo bumaba sa mundo nila at hanapin ang kambal. Sawang-sawa na ko sa paghihintay"- malungkot na sambit ng isang babaeng binayayaan ng kakaibang kagandahan. Ito ay nagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang kambal na anak, labingwalong taon na ang nakakalipas.
Niyakap ito ng kaniyang asawa at mariing hinalikan sa noo.
"habaan mo ang pasensya mo mahal.. may tiwala ako sa kanila, maibabalik nila ang kambal natin"
"P-aano kung-"
"Subukan lang nilang saktan sila at magkakasubukan ang lahat. Guguho ang mundo at sisiguraduhin kong pagsisisihan nilang kumalaban ng isang diyos"
"When the time comes, mararamdaman ng lahat ng tao sa lahat at iba't-ibang panig ng mundo ang malakas na pwersang pinaghalo ng dalawang magkahati"-sambit ng isang oracle na kakarating lamang. Nagbigay pugay ito sa dalawang kataas-taasang nilalang.
"Lucia.. ibahagi mo ang iyong nalalaman"
~~
Astray's POV
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok nito. May natitira pang dalawang mundo? I know I'm not belong on this world. Imposible namang sa underworld ako nababagay dahil hindi naman ako masama. Wait, di naman ata lahat ng nasa underworld ay masama. Uhuh maybe its possible. Mas imposible namn sa mundo ng mga dyosa dahil.. wait bakit nga ba imposible? Basta ewan. Feeling ko lang. Masyado mataas expectation ko pag sinabing dyosa eh at hindi ako nababagay don.
Napakamot ako sa ulo ko at masamang tinignan ang libro na ayaw bumukas. Kinagat ko ang daliri ko sa pagkainis at hindi napansin ang hapdi at ang pagtulo ng dugo ko sa libro. Nanlaki ang mata ko sa sunod na nangyari. Lumiwanag ang libro. Hindi ko nagawang ipikit ang mata sa pagkagulat. Biglang bumukas ang libro at mabilis na nagsilipatan ang mga pahina at huminto sa banda gitna. Unti-unting may lumabas dito. I-sang multo?
Napaatras ako at muntik pa kong mahulog sa kama.
"Your highness"
W-hat?
Nagbigay-galang ito. Alam niyo ba yung napapanood sa mortal world? Yung si Casper ba yon? Ganon na ganon yung itsura niya. Konti na nga lang iisipin ko ng kambal sila.
Hindi kaya..
"H-asper?"
Nangunot ang noo nito at maski ako ay hindi alam kung paano nangyari yon. May multo bang nangungunot ang noo?
Astig!
"How did you know me?"
"Hehehe weh? hinula ko lang"- akalain niyo yon? Nyahahah. Try ko kaya tumaya sa loto? Unti-unti siyang lumapit na ikinaatras ko. "Bat ka umaatras? "
"Bat ka lumalapit? Malay ko ba kung may gawin kang masama"
Humalakhak ito. At itinuro-turo ang sarili.
"Ang inosenteng mukha bang to mukhang may gagawing masama? Imposible!"
Napabuntong hininga ako.
Looks can be deceiving.
"What are you doing here?"
"Eh? Bakit mo tinatanong sakin yan? Ikaw ang nagpalabas sakin mula sa libro. Ikaw ang tumawag sakin. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito"
"W-ait WHAT?"
"hindi ba ikaw? Osgeh babalik na ko, babush!"
Sinubukan ko itong pigilan ngunit tumagos lang ako sa kaniya.
"What are you?" Hehe mukha syang ghost.
"I'm a spirit, walang makakahawak sakin kaya wag kana umasa and I heard you need to regain your memory?"
"How did you know? "
"Duh nasa loob lang ako ng libro. Hindi ako binge. Naririnig ko ang lahat ng sinasabi ng mga nakahawak sa libro. Actually hindi lang ako dahil marami kaming nakatira dyan. And for the first time in history, ngayon lang nabukas ang librong yan. Thanks to you, ngayong nakalabas na ko matatanaw ko ang mundo nyong pinagkait samin"
Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!
YOU ARE READING
Unordinary World (The Prophecy)
FantasyPart 1 : Ray's Adventure "Everything that is hidden will be found out, and every secret will be known."