Napasabunot ako sa buhok ko at muling bumalikwas ng upo. Kanina ko pa sinusubukang matulog. Inaantok na ko pero ayaw naman makisama ng diwa ko. Sinulyapan ko ang orasan na nasa gilid ko. Kahit madilim ay napakalinaw parin ng paningin ko.
2:24 am
Tss mukhang hindi na ko makakatulog nito. Mabilis akong napatingin sa labas ng bintana ng may maramdaman akong kakaiba. Pakiramdam ko may nakatingin sakin mula dito. Nasabi ko na ba sa inyong sa harap ng bintana ng dorm namin ay may kagubatan sa di kalayuan?
Geez maisip ko lang na may nanonood sa bawat galaw ko ay kinakalibutan ako.
Umihip ng malakas ang hangin. Hindi ko maiwasang mayakap ang kumot sa katawan ko sa lamig na dala nito.
Ipinilig ko ang ulo ko at tinitigan ng mabuti ang parte ng kagubatan. Hindi pa ko nakontento at lumapit pa ko sa bintana. Napakunot ang noo ko. Hindi ako pwedeng magkamali. May tao sa lugar na yon at sa pwesto ko siya mismo nakatingin. Izinoom-in ko ang paningin ko. Tanging ang mata lamang nito ang nakikita ko. Naka coat ito at may suot ng hood. Nakatakip ang ilong nito pababa gamit ang itim na panyo.
Violet eyes..
Lub dub lub dub lub dub
Mabilis kong isinarado ang bintana. Napatalikod ako at napasandal. Napahawak ako sa dibdib ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
It can't be happening..
Sino ba ang taong yon?
Mabilis akong lumabas ng dorm. I need to know who is that guy. Darn. Ramdam ko ang papalit-palit na kulay ng mata ko. Hindi ko makontrol ang emosyon ko. Nakarating na ko sa labas ng building namin ng may biglang humawak sa braso ko. Napahinto ako at hinihingal na napatingin sa taong pumigil sakin.
Sandali akong natigilan ng makita ang lalaking iniiwasan ko. Tumigil ang kakaibang nararamdaman ko. Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa braso ko at agad tinabig.
Napakunot ang noo nito.
"Where are you going?"
Hindi ko siya pinansin at tinignan ang parte ng kagubatan kung saan ko nakita ang taong dapat na pupuntahan ko ngayon. Darn, he's nowhere to be found. He's already gone.
Ramdam ko ang panghihina ko. The hell is happening to me? Mabuti nalang ay agad akong nasalo ni Zeke. Nangangatog ang tuhod ko at hindi ko maramdaman ang buong katawan ko.
"Hey, are you okay?"-binuhat nya ako.
Hindi ko mahagip ang dila ko. Dahan-dahang pumikit ang mata ko sa panghihina.. I can't let him see my eyes.
This is the first time I felt this..
I feel safety in his arms..
~
"Hoy babae! Gumising ka dyan! O gusto mo pang buhusan kita ng bumabagang lava ng malapnos ang balat mo!?"
Mabilis na napamulat ako ng mata at napaupo. Mabilis na napayakap sakin si Alli na nasa harap ko. Sobrang higpit ng yakap nito at ramdam ko ang labis na pag-aalala na nararamdaman niya.
"Wahhhhhh what happened to you?! Bakit hinatid ka ng Zeke na yon ng walang malay? Mag ginawa ba siya sayong masama? Hala tara at masug-"
"Chill. I'm fine. He's the one who helped me"- mahinahong sambit ko at napangite na lamang. Rinig ko ang mahinang hikbi nito. Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang kamay ko.
Ng maging ayos siya ay nagdekwatro ito sa harap ko at tinitigan ako ng mariin.
"Anong nangyari kagabi?"- seryosong tanong nito. Pinigilan kong matawa. She's so cute. Namumula ang mata at ilong nito sa kakaiyak kanina.
"Hey take me seriously. Can you?"
May bahid ng inis ang boses nito kaya naman tumigil na ko hehe. Shocks parang chipmunks ang boses niya sa pandinig. So damn cute!
"I saw someone looking at me from the window. Hindi ako sigurado kung babae ito o lalaki but I think it's a guy. He has violet eyes and he's looking.. at me. May kakaibang dala ang presenya niya sakin. I felt something weird. Nung una biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkalabas ko naman sa dorm dahil balak ko siyang puntahan. Pinigilan ako ni Zeke at ng tignan ko ito sa pwesto niya wala na siya. At bigla nalang akong nanghina at nawalan ng malay"
Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon nito.
Allison's PoV
"I saw someone looking at me from the window. Hindi ako sigurado kung babae ito o lalaki but I think it's a guy. He has violet eyes and he's looking.. at me. May kakaibang dala ang presenya niya sakin. I felt something weird. Nung una biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkalabas ko naman sa dorm dahil balak ko siyang puntahan. Pinigilan ako ni Zeke at ng tignan ko ito sa pwesto niya wala na siya. At bigla nalang akong nanghina at nawalan ng malay"
Hindi ako pwedeng magkamali. Nag iisa lang ang taong may ganoong mga mata at kayang magparamdam kay Ray ng ganon.
He's here.
Nakakapagtaka. Hindi bat parang napakaaga naman ng pagbabalik niya? Ang aga naman ng pagpapakita nito sa kaniya. Kung nandiyan na siya, siguradong nandito na din ang mga kasama niya. Napahalakhak ako sa aking isipan.
I don't know if it's a bad or a good thing but... One thing I know, hindi niya hahayaang mapahamak si Ray.
Napangise ako.
"Ang weird mo"- nakakunot ang noong sambit ni insan. Napahalakhak ako. Kung kilala mo lang ang mga nasa isip ko. Siguradong matatawa ka.
Really Z? Really?
"Don't take that guy seriously Insan. Baka namn hindi ikaw ang tinitignan non at nag iimagine ka lang hahaha"
Sinamaan nito ako ng tingin.
"Seryoso ako"
I know insan..
Let's see Z.. kung hanggang saan ang kaya mo sa pagpipigil na makalapit sa kaniya.
Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!
YOU ARE READING
Unordinary World (The Prophecy)
FantasíaPart 1 : Ray's Adventure "Everything that is hidden will be found out, and every secret will be known."