Nakarating kami sa palasyo nila Zeke ng walang problema. Naghanda ng malaking pagsasalo ang hari't reyna dahil sa maagang pagbabalik ng prinsepe at ng kanilang tagapaglitas. Hayts I really don't know the reason why I'm here..
Ngayon ay naiwan kaming magkasama ni Zeke. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at hinila niya ko ng walang paalam at sa garden kami napadpad.
Wala naman akong angal. Actually nagustuhan ko nga ang lugar. This place was too enchanted and magical.
Nakaupo ako sa damuhan habang siya ay nakatayong nakasandal sa puno.
"Why did you bring me here?"- I ask.
Darn kung alam niyo lang, kanina ko pa gustong-gustong palakpakan ang sarili ko at nagagawa kong maging kalmado sa harapan nito.
Nangangatog kasi ang tuhod ko.
"I want you to pretend to be my girlfriend"
Dug dug dug dug dug dug dug dug
"Whatttttt?!"
Napabuntonghininga ito at malamig ang mga matang tinignan ako. Mabuti nalang at nakaupo kami kundi for sure ay natumba na ko.
Argghh ako lang ba talaga ang nakakaramdam nito sa aming dalawa? That's too unfair!
"I hate repeating myself"
"I heard it, okay? I'm asking why the hell I'm going to do that at bakit ako?"- sa dinami- dami ng babae dito na mas maganda at nilalamangan ako. Bakit ako pa?
"Don't ask too much questions. You'll see later"- walang pasabing tumayo ito.
Is he planning to leave me here? Pagkatapos niya kong dalhin dito, iiwan din pala niya ko?!
"Hoy!"
Napakunot ang noo nito.
"I have my name"
Ngumise ako.
"I know, but hoy is better. Don't you think?"
Umiling ito at nagsimula ng maglakad papaalis.
"Iiwan mo ba talaga ako?"
"You have your own legs. Gusto mo bang buhatin pa kita?"
Pfft hahaha. Achievement. Ang haba ng sinabi niya and he spoke tagalog. His accent, it's so cute.
"Sige ba"- pang-aasar ko pa dito. Muli siyang napailing at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Binuhat niya ko ng parang sako at nagsimulang maglakad. Pakiramdam ko napunta lahat ng dugo sa mukha ko. Shocks, I didn't expect that. For a person like him? Never! I thought he would just leave me here. Now I know, he's a man true with his words.
But the way he's carrying me,, parang kakatayin ako!
"Oh darn! I'm just kidding, Ibaba mo na ko"
Hindi nito ako pinansin. Lahat ng madadaanan namin sa hallway ay napapatingin samin sa gulat at pagtataka. Sino ba namang hindi? Ang pinakamamahal na prinsepe nila ay may buhat na babae? Oh damn!
At isa pa, hindi ako magaan! Hindi ako payat for petes sake!
Dug dug dug dug dug dug dug
"I can hear your heartbeats"- napaawang ang bibig ko sa sinabi nito.
Oh please! Wag ka ng magsalita. Ang abnormal kong puso na bumibilis kapag malapit ka.
Hinampas ko at kinurot ang likod nito pero pakiramdam ko wala man akong nakurot dahil sa tigas ng likod niya.
Muli ko na namang naalala ang mga ala-alang binaon ko sa pinakaituturan ng aking isip. I want to forget that memories!
Naitakip ko ang mukha ko at malakas na hinampas ito. Mukhang nagulat ata ito dahil nabitawan nya ko, darn! I'm going to fall!
Tss kahit mahulog ako, hindi naman malala ang damage so ayos lang.
Bago pa ko tuluyang mahulog ay nakita ko na lamang ang aking sarili sa bisig nito.
"Ang likot mo"- monotone na saad nito with a stoic expression. Nakaharap ito sa harapan na hindi man lang ako sinusulyapan. Tumaas ang gilid ng labi nito.
I pouted.
"Eh kung sana binaba mo ko kanina pa, hindi mangyayari to"- hindi ako nakapaghanda ng bigla ako nitong binitawan. Mabuti nalang at mabilis promuseso ang utak ko.
"Air"
Bago pa man lumapat ang pwet ko sa sahig ay lumutang na ang katawan ko. Kinontrol ko ang hangin upang mapatayo ang katawan ko.
Nailing na lamang ako at pinigilan ang sarili kong bulyawan ito. Malalim ang hiningang pinalabas ko bago hinarap ito. At ang mokong ay tinawanan lang ako.
Shems! Did he just laugh?
Kalma astray, kalma. Ipakita mong hindi ka naapektuhan. Ipakita mong wala kang pakialam sa kaniya. Matapos ng ginawa niya sayo? At dahil lang sa pagtawa niya ay naglaho lahat ng galit at inis mo?
Tinalikdan ko ito at tinahak ang lugar na dinaanan namin kanina, ngayon ko lang naalala --___--
Tss hindi man lang siya naghingi ng sorry. How incosiderate he is -,-
I promise to myself na hindi ako darating sa ganitong sitwasyon. Pero ayon, bigla-bigla na lang siya sumulpot at ipinaramdam sakin ang mga hindi pamilyar na emotions.
I know he's the one that i like.. But I am the one for him too?
No, I don't think so and if that's happens. Wala akong magagawa kundi pakawalan siya or maybe habang maaga pa ay kailangan ko ng pigilan ang pakiramdam na to. Lalala ang sitwasyon kapag mas lumalala pa ang nararamdaman ko. The sooner the better..
Bumuntonghininga ako at tuluyang iniwan siya.
Hindi ba pwedeng maging kami? He's a prince, I'm just a commoner. Hindi pwedeng maging kami. Hindi pwedeng magsama ang kagaya namin. He's too high for me. Hindi ako bagay sa katulad niya.
"You need to stop your stupidity"
Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!
YOU ARE READING
Unordinary World (The Prophecy)
FantasyPart 1 : Ray's Adventure "Everything that is hidden will be found out, and every secret will be known."