"Bakit ang bait mo sakin? Ang sama kaya ng unang pagkikita natin"- nagtatakang tanong nito.
Ilang araw na ang nagdaan at unti-unti ay mas lalo ko siyang nakikilala. She's easy to be with and she's nice. Well minsan may pagkamasungit pero lumulugar naman.
"You just did that because of your friends, am I right?"- I just smiled ng yumuko ito. Ibinaling ko ang tingin sa mga estudyanteng naglalaban sa field, nakuha ang atensyon ko ng madako ang tingin ko sa mga magkakaibigan na nagkasayahan.
"It's not bad to have friends Harley.. but if they really love you as a friend, they will accept you no matter what or who you are"- nakakatawang isipin na lumalabas to sa bibig ko, ni hindi ko nga naranasang magkaroon ng kaibigan. Except for Seven pala pero kasi bata pa kami non eh. Ni wala nga akong experience sa mga ganyang bagay. But base sa mga nakikita at nababasa ko, yun ang tama.
"T-they are my friends eversince. Ma-gkakasama kaming lumaki. Kung kailangan ko maging masama.. I will do it just to be with them"
Pinili ko na lamang na tumahimik. I understand her situation and it's her choice to make. Sinabi ko lang naman ang opinyon ko.
Napagpasyahan na nalang namin na magtraining at habang pinapanood ko ang bawat kilos niya habang nilalabanan ako, napangise na lamang ako.
She's ready..
--
"Good morning everyone! (WOAAHHH) Every year nagkakaroon tayo ng duel battle! At alam kong sawang-sawa na kayo na marinig ang rule but still sasabihin ko parin hahaha (BOOOOOHHHH) So guys our only rule is.... don't die (silence) just kidding! Don't be so serious. Osya seryoso na, our game consist of two members right? Kapag may isa sa inyo ang sumuko o nawalan ng malay, don matatapos ang laban. Depende sa ipapamalas niyo ang magiging section niyo. SOOO AREEE YOUUU READYYY!?"
Nagtilian ang lahat sa pagka excite. Halatang pinaghandaan talaga nila ang araw na 'to. Gusto nilang ipamalas ang mga kaya nilang gawin at tingalain. I smiled, they want to prove their worth.
"So now, we're going to start!"
Habang nanonood ay napahikab ako. They are too boring. Puro takbo at iwas ang daloy ng laban nila. Ramdam ko ang unti-unting pagpikit ng talukap ko. Napahawak si Alli sa braso ko.
"Ayos ka lang?"
I just nodded. Kanina pa ko inaantok. Inilibot ko ang paningin ko hanggang madako ito sa pwesto ni Zeke kasama ang partner nito. Mabuti nalang lalaki ang nakapartner niya. Lahat kaming alpha ay nasa iisang pwesto lang kasama ang mga partner namin. Napaidtad ako ng kurutin ni Harley ang braso ko. Oh darn.
"Oh sorry, prince zeke is really handsome"- napakunot ang noo ko. What the hell with her smile? She's grinning at ayoko ang ngite niyang yan. I sigh.
"Tss really?"
"Hindi ba? Akala mo ba hindi ko napapansin yang tingin mo sa prinsepe? Oh Astray... sanay na ko sa mga ganyang galawan. Sa mga kababata ko palang.. nako"- napataas ang kilay ko.
"Hindi love ang tawag don, it's an obsession"- her friends.. tss don't ever compare me to them.
"Pfft right, inamin mo din. You love him"
"I'm not"
I just like him.
Walang emosyong saad ko at umiwas ng tingin.
"You are"Hindi na ko sumagot pa at itinuon na lamang sa naglalaban ang atensyon. Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko. Something is not right. Habang inaanunsyo ang nanalo ay biglang dumilim ang arena but i still can see it clearly. May lumitaw na itim na portal sa loob ng arena, masama ang pakiramdam ko tungkol dito.
Napahawak si Alli sa braso ko.
"We need to get out of here"- hinila ako nito. Napatingin ako sa arena ng may biglang sumabog. Tumalsik ang apat na estudyante palabas sa arena maski ang barrier ay nasira. Kung sino mang may gawa non ay hindi maitatanggi ang lakas nito. Basi sa mga narinig ko, wala pang nakakasira sa barrier. Well except for the prince and the headmaster.
Pinigilan ko si Alli pero mas nilakasan nito ang paghigit sakin hanggang sa madala na ko. Rinig ko ang tawag samin ng mga kasama namin.
Ng makalabas kami ay hinarap ako nito ng hinihingal. Mababakas ang takot at kaba sa mukha nito.
"You need to hide"
Nagtatakang tinignan ko siya.
"Please astray wag makulit, you need to trust me, I'll answer you if I can but first we need to handle that intruder"
Sinundan ko ng tingin ang pagbalik nito sa loob. Rinig ko ang hiyawan ng mga estudyante. Biglang bumukas ang double door at naglabasan ang mga ito. Mabilis akong tumabi upang hindi matamaan ng mga natatarantang mga estudyante. Ng makalabas ang lahat ay sumilip ako sa loob. May mga estudyanteng nakahilatay at nasa gilid na nagtatago. Bakas ang takot sa mga mukha nito. Naiwan ang mga professors, headmistress at alpha sa loob. Napalaki ang mata ko ng makita ang mga intruders.
They are just like us but one thing is different, i feel something scary. May mga itim na ugat sa balat nila at ramdam ko ang nag uumapaw na kapangyarihan nila. I can feel the darkness within them.
"I know she's here. Ilabas niyo siya at walang masasaktan sa inyo"- napakalamig at lalim ng boses nito na para bang nanggaling pa ito sa ilalim ng hukay.
"Sino kayo?"- Prof Lim asked. Ngumise ng nakakapanilabot ang lalaki.
"We're from the underworld.. and we need someone in this academy" underworld? Meron bang mundo na ganun?
"And you think ibibigay namin sa inyo kung sino yang pilatong sinasabi niyo?"- tumilapon si Lava sa ginawa nitong pagsagot. "I'll destroy this academy together with you all. Now bring me the girl in the prophecy!"
Napasulyap ang lahat kay alli. Mabilis na gumalaw si lucas para itago sa likod niya ng hindi napapansin ng mga kalaban.
"I can feel her presence.."
Nagulat ako ng mapatingin ito sa gawi ko pero mabilis akong napatago para hindi nito makita.
Invisibility..
Ginawa kong invisible ang sarili ng biglang lumitaw ito sa pwesto ko kanina at tahimik na lumayo na hindi nakakagawa ng kahit kaunting ingay.
"Hmmmm"
Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!
YOU ARE READING
Unordinary World (The Prophecy)
FantasyPart 1 : Ray's Adventure "Everything that is hidden will be found out, and every secret will be known."