UWTP : Elemental Princess

2.1K 86 2
                                    

Nasa dining area kami habang kumakain. Kasama namin ang hari't reyna at wala akong pake. Si Alli naman sobrang arte at hinhin kuno kumain. Sinaniban na naman ng hiya ang bruha pero kung tutuusin eh sobrang maganang kumain ang isang yan. Si Luke and zeke usual tahimik parin. Si Lucas naman ayon wala talagang makakapigil sa pagiging matakaw niya. Sunod-sunod ang pagsubo nito na akala mo mauubusan.

Napatigil ako at napatingin sa pinto ng dinning area ng makaramdam ng malakas na presensya. Nakita kong ganon din ang mga kasama ko, mukhang naramdaman din nila.

Hindi ba niya alam itago ang presensya o sadyang pinaparamdam lang talaga nya to?

Bumukas ang double door at bumungad samin ang isang magandang babae na nakasuot ng pink ng gown na bumagay sa kaniya. Napakaamo ng mukha nito at mukhang mabait.

Mahinhin ang galaw nito at napakaganda ng ngite nito. Napaka elegante niyang gumalaw.

Kung ibang tao lang ako siguradong manliit ako sa sarili ko tuwing nakikita siya.

Nagbigay galang ito sa mga kamahalan. Pinanood ko ang bawat kilos nito. Tumabi siya kay Zeke na hindi man lang siya sinulyapan.

"Eat with us Tania"- hindi natatanggal ang ngite sa labi nito.

"Thank you po Tita"- bumaling ito kay Zeke na katabi niya "how are you babe?"- parang wala man lang narinig ito at nagpatuloy lang sa pagkain. Tumikhim ang reyna na ikinatingin ni Zeke sa kaniya.

Babe?

"Yes mom?"- sinulyapan nito ang prinsesa at muling ibinalik sa kaniya ang tingin "I'm eating"- malamig na saad nito at muling nagpatuloy.

"I'm sorry for that iha. Ayaw lang talaga ng anak ko na may kausap habang kumakain"- paliwanag ng reyna sa babae which is Tania.

Nagulat ako ng biglang humarap sakin si Zeke. Nabanggit ko na ba sa inyong nasa harap ko siya?

"Eat more"- he said at kumuha ng gulay at inilagay sa plato ko. Napanguso ako at wala ng nagawa kundi kainin ito ng mapansin ang seryoso nitong tingin.

Nag eeffort pa syang tumayo at maglagay ng foods sa plate ko sa lapad ba naman ng table na to.

Napanganga at nagulat ang lahat sa nasaksihan. Hindi nakaiwas sa peripheral view ko ang ngise na nakapaskil sa labi ng hari at maski sa reyna na nakangite. Hindi na ko magtataka kung bakit ganon kagwapo si Zeke ikaw ba naman magkaroon ng parents na kasing ganda at gwapo nila. Jusq nasa genes pala talaga nila.

"Let's eat now"- pagbasag ng hari sa katahimikan.

Nang matapos kami ay sakin napunta ang atensyon nilang lahat. Hinawakan ni Alli ang kamay ko na nasa hita ko. Nasa kanan ko kasi siya.

Her little actions is so cute. Masyado niyang pinag-aalala ang sarili nya.

"What's your name iha?"- the queen asked. Si Alli naman kilala na nila dahil siguro ipinatawag ito pagkarating namin dito sa kaharian. Ako lang talaga ang naetsapwera. Well si Alli naman kasi talaga ang pakay nila, nakisama lang ako.

I got audience with the king and queen. Nakasama pa sa hapagkainan. It's more than enough. I'm just no one.

"Astray po"- magalang na tugon ko dito na walang kangite-ngite. Ang ayoko sa lahat ay nasa sakin ang atensyon.

Gusto ko nalang tumayo at iwan silang lahat, na napaka walang respeto kung gagawin, kaya wag nalang. Baka makita ko nalang ang sarili kong pinaglalamayan.

"What tribe?"- malamyos ang tinig na tanong ni Tania. Her voice, it so soft. Ang sarap pakinggan.

"Elemental"- mahinhin na napatakip ito sa kaniyang bibig.

Bawat aksyon nito ay napakaganda sa mata. Tila di makabasag pinggan. She's so graceful, so different from me.

"I'm the princess of elemental. Come with me! Come to our palace. Siguradong magkakasundo at magiging matalik tayong magkaibigan"

Naikwento na ni uncle sakin na magkahiwa-hiwalay ang mga ibat-ibang uri ng creature and they called it tribes. Elemental/Elementalists, vampires, wolves, wizards, fairies and sirenes.

Bago pa ko makasagot ay hinigpitan ni Alli ang paghawak sa kamay ko na ikinatingin ko dito. Seryoso ang ekspresyon nito.

"I'm coming too"

She decided it for me.

Napabuntong hininga na lang ako.

"But Allison-"

"Kung nasaan si Astray, don din ako"- pinal na pagputol nito sa reyna. Natahimik ang mga ito. Wala silang balak hadlangan ang desisyon ng tagapagligtas nila. Takot lang nilang iwan sila nito at takasan.

"No. You both will study in Xyrenian Academy"- may awtoridad na saad ng hari. Wala naman akong nakikitang problema don. Alli also agreed with that.

"We're full, thank you for the foods"- hinila ako ni Alli papaalis at dinala sa kung saan. Huminto kami sa gold door na kwarto at walang pasabing pumasok ito na hila-hila ako. Sinuyod ko ng tingin ang buong kwarto. Mas maganda at malaki ito sa kwartong ibinigay sakin. Napailing na lamang ako, may special treatment na nagaganap.

"I don't like the presence of that girl Tania"- biglang saad ni Alli na seryoso at umupo sa kama nito.

"She's a princess"

Napairap ito.

"Princess or not, she's still the same at isa pa kailan pa ko nagkaroon ng pakialam sa estado ng isang tao. She's just a princess at ako ang tagapagligtas nila. They value me more than they're lives"

Wala na din namang bago sa kaniya. Every girl we met sinasabi niyang ayaw nito sa kanila. Ako lang talaga ang babaeng nakakasundo niya at napapagtiyagaan siya. Hindi ko maintindihan ang trip ng isang to.

"I don't like her personality. Pakiramdam ko peke lang lahat ng kinikilos niya. Damn that smile of hers!"

"Calm down. Maybe your just thinking too much"

Napatingin ito sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Kailan pa ba ko nagkamali pagdating sa pakikipagkilatis sa isang tao hah?"

I sigh and just look away. She's right. Pagdating sa ganitong bagay, mas expert siya kaysa sakin.

"The way she stares at you. Subukan lang galawin o agawin ka sakin at babaliin ko lahat ng buto niya katawan. I swear!"

Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!

Unordinary World (The Prophecy)Where stories live. Discover now