UWTP : Alpha Section

1.9K 73 0
                                    

Someone's PoV

"Oh bat gising ka pa? San ka galing?"- tanong ng babae na hindi naaalis ang tingin nito sa libro. Hindi ito pinansin ng lalaking kakarating lang at sumandal sa sofa at napatingin sa kisame. Muli na naman itong nilamon ng sarili niyang kaisipan.

"Tss for sure ang Hara ang pinuntahan niya"- sagot ng lalaking pinaglalaruan ang sariling mahika at napahikab. 2:30 na ng madaling araw ngunit nananatili pa din silang gising.

Tanging tatlo lamang silang nakatira sa mansyon na napakalaki para sa kanila.

"Hindi ka ba talaga makapaghintay? Alam mo ang utos satin. Hindi tayo pwedeng lumapit sa kaniya. Sa kalayuan lamang natin siya pwedeng bantayan"- ibinaba ng babae ang hawak nitong libro at seryosong tinitigan ang lalaking naka sandal sa sofa.

"Tell me, nakita ka ba niya?"- napanguso ang babae ng wala siyang nakuhang sagot. Ano pa nga bang aasahan niya sa lalaking yan. Walang nakakapag usap dito ng matino. At kung maririnig mo man tong magsalita ay nasa isa o dalawang salita lamang. Napakatipid nitong magsalita. He's a man with a few words.

"Yeah yeah Calypso.. You're talking to yourself again"- sarkastikong saad nito sa sarili at napairap. Rinig niya ang paghalakhak ng lalaki na tumigil na pala sa paglalaro ng mahika nito at pinapanood ang bawat galaw nito.

"Gusto mo ng sakit sa katawan?"- nagbabantang sambit ng babae na agad ikinataas ng dalawang kamay ng lalaki.

"Chill. Masyado kang hot"- pabirong saad nito at muling humalakhak. Napahawak ang babae sa ulo nito. Kailan pa nga ba siya sineryoso ng lalaking yan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang dalawang iyon pa ang nakasama niya. Walang ni isa ang matino dito. Pakiramdam niya hindi siya belong sa grupo niya. Ikaw ba naman makasama ng dalawang wirdo. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya siguradong mawawala ka sa katinuan. Mabuti na lamang at malakas ang mentalidad nya at hindi nagpapatangay sa daloy ng kabaliwan.

"Tss don't meddle in my business Axel"

"You are my business baby"- malanding balik nito. Matalim na tinignan siya ng babae. Diring-diri siya at feeling niya ay masusuka siya ng wala sa oras.

"AXEL!"

"Pfft hahaha I'm just kidding. Don't take my words seriously babe"

"Look Axel. Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Tigil-tigilan mo ko. Ayan si Zion (Sabay turo sa lalaking natingin sa kisame) Yan ang guluhin mo. Wag ako"- tinalikdan siya ng babae at muling hinarap ang libro.

Napatawa ang lalaki at napakamot sa batok.

"Ang KJ naman"

"I heard that"

"Ofcourse! Sinadya ko kayang iparinig sayo"

"AXEL!"

"Yes babe?"

"Umalis ka sa harapan ko!"

Unordinary World (The Prophecy)Where stories live. Discover now