UWTP : Cannot Be Seen

1.5K 62 0
                                    


Nang matapos kong ipaliwanag ang rason ko kay Clee ay napagdesisyonan nitong tulungan ako. Napakahirap niyang kausapin. Paulit-ulit kami, paikot-ikot lang ang pinag-uusapan namin. Pilit niyang ginugulo ang isipan ko at makahanap ng butas upang makaiwas sa pagtulong sakin.

"Tss fine. I need you to stand there in a open wide space"-sinunod ko ito at tumayo sa gitna ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto. Dire-diretso ang pagpasok ni Alli at dumeretso sa banyo. Mukhang tinawag ng kalikasan sa bilis ng kilos nito. Nang balingan ko si Clee at Hasper ay nagkibit balikat lang ang mga ito. Mukhang hindi sila napansin.

"Magpapatuloy na ba tayo?"- iritadong sambit ni Clee. This girl, really. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas muli ang pinto ng banyo at iniluwa nito si Alli na napatingin sakin at sa mga kasama ko. Naglakad ito papalapit kay Hasper ngunit nagulat ako ng tumagos lang siya dito at dere-deretso ang lakad papunta sa cabinet nito.

"Anong meron? Mukhang nakakita ka ng multo"- humalakhak si Alli at nagsimulang humalungkat sa cabinet nito. Sinulyapan ko si Clee na nakatingin kay Alli at nagkatinginan sila ni Hasper.

"This girl is the only one who can see our kind"

Humarap silang dalawa sakin

"Who the hell are you?"

Napabuntonghininga ako. "Ilang beses ko bang kailangan sabihin na wala nga ako maalala. Kaya nga kayo nandito hindi ba?"

Napahawak ako sa tuhod ko. Ramdam ko ang panghihina ko. My magic is depleting and I don't know why. Kapag tumagal ang ganito, siguradong di na kakayanin ng katawan ko.

"Your body weakening.. we need to go back little girl. Restore yourself and we'll be back and help you"- clee said. Unti-unti siyang naging particles maging si hasper at lumipad patungo sa libro. Tuluyan akong napasalampak sa sahig na mabilis na dinaluhan ni Ali.

"Anong nangyayari sayo? Ayos ka lang? Ang weird mo, sino ba kasi kausap mo?"- darn nagsisimula ng lumabo ang paningin ko.

"I-m fine, gusto ko lang m-agpahinga"

~∆~

Napahawak ako sa sakit ng ulo ko. Daig ko pa ang nagkaroon ng hangover sa tindi ng kirot nito. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari. Ang pagpatak ng dugo ko sa libro. Ang paglabas ni Hasper galing dito at ang pagpapalabas ko kay Clee. Darn, nasayang ang pagkakataon. I think bringing them here consumes a lot of stamina and strength. Sandaling oras lamang yon pero nawalan agad ako ng malay. I think I do really need training.

"I'm glad your now okay, ano bang ginagawa mo at na-deplete an-"

"Anong oras na?"

Sinubukan kong umupo habang nakaagapay ang kamay ko sa ulo ko. Alli helped me at isinandal ako sa head board ng kama.

"Umamin ka nga. Ano ba talagang ginawa mo?"

"Your not answering my question"- kunot noong sambit ko. Tumaas ang kilay nito "what's wrong with you? Ako ang unang nagtanong. Ikaw unang sumagot"

Her voice, it's filled with curiosity

"Maglaban tayo"

Bumakas ang gulat sa mukha nito.

"I mean training, gaya ng dati"- nagkibit balikat na lamang ako ng makita ang tingin niya saking  hindi nagbabago. Tumayo ako at ginalaw-galaw ang katawan ko. Tuluyan ko ng nabawi ang lakas ko. "Meet me at the training room"

"Kakagising mo lang, you missed 3 meals. Bagsak ka sa kama ng isang araw. Nag excused pa ko at hindi pumasok para alagaan ka. Tas ngayon gusto mo kong kalabanin ka, wala naman sakin yon pero -- hindi ka man lang ba kakain?"

Sa haba ng sinabi nito ay wala akong naintindihan.  Ang nasa isip ko lamang ay lumakas sa kahit anong paraan.

"Remember our special training room? Dun tayo noh. Bilisan mo"

Sambit ko at kinuha ang isang cube sa cabinet bago lumabas. This cube is our special training room. Mag t-transform siya, and to so say you this,  Hindi ito ordinaryo. Napakalawak niya at isa pa kahit saang lugar mong gusto maglaban kayo ay pwedeng-pwede.  Ang oras din sa loob non ay kakaiba. Kung dito sa labas ay 1 oras. Dun sa loob 1 day. Kaya sinandya ko talagang dalhin to. Hindi nga ko nagkamali.

Pumasok ako sa training room. Blanko ang isip ko, tanging ang pagregain lamang ng memorya ko ang gumugulo sa isip ko. It's feel important, pakiramdam ko napakahalaga ng mga memoryang hindi ko maalala. Kung may kakonekta man yon sa nangyayari sa mundong to, I need to regain my memories as fast as possible. Kung may katotohanan man ang sinabi ni Alli, i can't let this world be destroyed. Ayokong maging dahilan ng paglaho at pag extinct nitong mundo to.

Author's Note
Your votes and comments are really appreciated!

Unordinary World (The Prophecy)Where stories live. Discover now