UWTP : The Girl In The Prophecy

2.3K 91 2
                                    

I'm just attracted to him! That's right ray. Your just attracted. Your thinking too much to expect that.

Mahina kong tinapik ang ulo ko.

Who'se not going to like him having that kind of face?

I'm just stating the truth! He's perfect and I'm still girl. There's no wrong for me to get attracted.

"Yes Ray, your just imagining things"- I said to myself. I just shrugged my shoulder on that thought.

Pagkatapos kong maligo ay nagbasa ako hanggang sa makatulog.

~~

Naalimpungatan ako ng may kakaiba akong naramdaman. Nagsitaasan ang lahat ng balahiho ko.

Alert ‼️

Something bad happening. Someone is in danger.

Walang pagdadalawang lumabas ako na hindi pinansin ang suot ko.

"Arghhhh"- rinig kong hiyaw ng pamilyar na boses. Mabilis pa sa alas kwatrong narating ko ang kwarto ni Alli. Bumungad sakin si Alli na nakasalampak sa sahig malapit sa pader. May dugo sa pader, mukhang doon siya tumama. Agad kong sinuyod ang kwarto. Sira-sira at magulo ang mga gamit. Mukhang dinaanan ng bagyo. Huminto ang tingin ko sa lalaking naka purong itim na nakatingin sa gawi ko.

"Human"- darn nakakakilabot ang tinig niya. Sa boses pa lang niya alam mo ng may hindi siya magandang gagawin. Ano ang kailangan niya kay Alli? Hindi kaya ng ordinaryong tao na ipatilapon si Alli ng ganon-ganon lang.

"Hoy pangit na hukluban! How dare you to do this to me?"- asar na sambit ni Alli na walang pasabing tumayo. Hindi man lang niya ininda ang sugat sa ulo nito. Agad din naman yang maghihilom.

"I got this insan. Don't dare to interfere"- dumura ito ng dugo at agad pinunasan yon.

"I hate bloods at dahil sa kagagawan mo ay naligo ako ng sarili kong dugo! I'll kill you dumbass! Siguraduhin mo lang na may ibubu-"

Napangiwe ako ng makita ang mabilis na pagtilapon ulit ni Alli sa kabilang gilid ng kwatro. Bumakat pa ito sa pader.

"Put*ng*na"

Lumitaw si Alli sa harapan nito at ibinalibag ito sa sahig. Pero imbis na gumanti ito kay Alli at bigla itong humarap sakin.

Red eyes..

He wants my blood.

Great, ako na ang bago niyang target.

"Hoy wag na wag mo kong tatalikurang hayup ka!"- hinila ito ni Alli pabalik at tila trumpo na ipinaikot -ikot at parang isang magaan na bagay at itinapon sa kung saan. Kailan kaya mag seseryoso ang babae yan pagdating sa laban? Hayy ginagawa niya lang laro ang lahat ng bagay.

Ramdam ko ang mga presensyang papalapit dito.

Sinulyapan ko si Alli na busy sa pagpapahirap sa bampira. Wala siyang pakialam kung may makakita man sa kaniya. She's too careless.

Sa isang iglap ay naibalik ko ang tingin ko sa likod ko ng makita sila Lucas, Luke, at uncle na nagtataka. Hindi kasama si Zeke.

Unordinary World (The Prophecy)Where stories live. Discover now