Third Person (Narration)
The day of the Concert... March 16, 2012
"KYAAAA! I LOVE YOU ZEKE!"
"YOU'RE MY WORLD!"
"MARRY ME, ZEKE!"
"MAHAL KITA ZEKE!"
Yan ang mga solid fangirls. Effort sa paggawa ng banners, sa pagtili at pag sigaw sa pangalan ng iniidolo nila. What a waste of time para sa iba. Pero sa kanila, may nakalaang oras para dito. Dont mess with these fangirls, kapag pinakealaman mo ang idolo nila, asahan mong magugulo ang buhay mo. Kumbaga, guluhin mo na ang buhay nila wag lang ang buhay ng iniidolo nila.
Kagaya ng sabi ng ating magandang author kanina (naks!), dapat ilagay lang sa tama ang paghanga. Pero hindi rin natin maiiwasan ang mga O.A Fangirls na iiyak iyak pa kapag nakawayan lang ng iniidolo nila. Eh amg tanong, ikaw ba talaga ang kinawayan? Baka naman pangkalahatan lang ang kaway niya, nataon lang na saiyo nakaharap. Tapos pang best actress na ang iyak nyo. Hay! Mga kabataang babae nga naman oh. Hindi pa man lumalabas ang mag ko concert ay puro sigawan at tilian na, eh pano pag lumabas na ang mag coconcert? Edi nganga kayo kasi wala na kayo mga boses sa kakangawa.
"Ladies and Gentlemen, Lets Welcome on Stage, International Rockstar Hottie, ZEKE ANDERSOOOON!" announced ng male voice over. Naku mukhang mali ako sa huling sinabi ko. Mas malakas ang hiyawan at tilian. Mukhang may baong mga salabat ang mga Fangirls na ito ah. Infairness, daig pa ang girl scout sa pagkahanda. Lumabas si Zeke na may nakasabit na gitara sa kanyang katawan. Kumaway kaway ito sa halos isang daang libong tao na nasa loob ng concert arena.
Pagkatapos ng concert ay nakakita si Zeke ng pagkakataon para takasan ang kanyang mga body guards at manager. Sa backstage siya dumaan at nagtago siya sa may madamong bahagi para hindi siya mapansin. Dahan dahan siyang naglakad pa atras. Gusto niya makasigurado na walang makakakita sa kanya bago siya tumakbo. Umatras pa siya ng konti, nang biglang..
"Aray! Ano ba! Bakit ka ba nang-" bulyaw ng isang babae. Biglang tinakpan ni Zeke ang kanyang bibig pero agad niyang inalis ito.
"Yuck! What was that sticky thing? Ugh!" agad niyang ipinagpag ang kanyang kamay. Ang babae naman ay tila naging bato sa kanyang kinatatayuan. Malamang narealize niya na si Zeke Anderson ang nasa harapan niya.
"Z..Z..Zeke? Ikaw nga! aaaaahhhh!" Tumili ito at akmang yayakapin ang binata pero inawat niya ito.
"Sshh! Please dont shout! They're gonna hear you. I snuck out okay. Help me get away here. I'll pay you later." sabi nito sa babae.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...