Chapter 23: Jelly

2.4K 61 9
                                    

Chloe's POV

Wow. Ang laki naman ng kwartong ito. At may CR pa sa loob. Nagpunta kami ni Trinity sa CR para tignan. Napanganga lang ako dahil sa nakita kong bathtub. Parang common nalang kay Trinity ang CR. Eh parang wala lang sakanya nung sumilip siya eh. Sabagay, mayaman nga pala itong bestfriend ko.

Sumilip ako sa bintana at ang ganda ng view. I'm starting to love this place.

"Ganda dito no? This is what i'm talking about mah men!" sabi ni Mai. Tama nga siya. Worth it ang pagod sa biyahe kapag nakita nyo ang lugar na ito.

"Siya nga pala, paano mo nakilala ang may ari nito?" tanong ko kay Mai. Medyo curious din kasi ako. Hindi naman mayaman ang pamilya ni Mai kaya curious lang ako kung paano niya nakilala ang pamilyang ito.

"Dito kasi ako nagtrabaho sa kanila bilang tourist guide for 5 years, bago ako nagpunta ng maynila." sabi niya. Kaya naman pala parang close na close na sila ng may ari ng bahay.

"Sabi niya may anak siya diba?" tanong ni Trinity sa kanya.

"Ah oo, Si Sue. Ka edad lang natin yun. Mabait naman yun, kaso medyo may pagka liberated. Alam nyo naman dito sa bora." sabi ni Mai. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. I dont have anything against liberated people kaso, conservative ako kaya parang ako ang nahihiya kapag may ginagawa silang.. alam nyo na. Okay, whatever!

"Tara! Swimming na tayo!" hinawakan ni Trinity ang kamay namin ni Mai at hinila niya kami palabas. Ayoko pa mag swimming pero gusto kong makita ang labas kaya sumama ako sa kanilang dalawa. Grabe sa ganda ang boracay. Ang linaw ng tubig at ang simoy ng hangin, haaay ang bango lang. Medyo crowded ang lugar kasi summer. Ang daming mga foreigners ang nasa paligid.

Ang sarap sa mata ng environment. Nakakarelax talaga. Ang sarap kumuha ng picture. Wait! Cam ko?! Naiwan ko sa kwarto. Nagpaalam ako kina Mai para kunin ang camera ko sa Villa. Nagmadali ako para hindi masayang ang oras. Pagdating ko sa Villa ay naabutan ko si Brat na kakalabas palang ng kwarto niya. Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Parang may background music akong naririnig sa isip ko. Anong title nga ba ng kantang ito?

♪i'm never gonna dance again.. Guilty feeling... blah blah ...♪

What the?! Bakit yan pa! Eh paano ba naman, bukas lang naman ang lahat ng butones ng suot niyang polo. Hindi ko maiwasang mapatingin sa.... Ano ba yan! Tanghali na pero bakit may pandesal pa rin? Nakalimutan ko tuloy kung bakit ako bumalik dito.

"Hey! Mukha kang statue of liberty jan, libro at korona nalang ang kulang. Saan ka ba nagpunta? i've been looking everywhere for you!" he yelled. Bigla akong bumalik sa ulirat sa sigaw niya. Napakunot ang noo ko. Brat is still a brat.

"Lumabas lang kami nila Mai. Kukunin ko lang yung camera ko." mahinahon kong sabi. Bakit parang nanghihina ako kapag tumitingin ako sa kanya? Nakakadistract naman kasi yung suot niya. Oo maganda nga ang katawan niya pero kelangan pa bang i-display? Argh.

He's about to answer ng biglang may tumili ng malakas sa likod ko. Napatakip ako ng tenga sa lakas.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaa! Zekey is that you? True nga! Nandito ka nga!" sigaw ng isang babae at sabay yakap kay Zeke. Nanlaki ang mata ko sa eksena ngayon. Tinignan ko ang babae. Mahaba ang buhok nito na hanggang bewang. Naka bikini top lang siya at perfect shorts(alam nyo na yun kung gaano kaikli).

In fairness, maganda siya at matangkad. Siya na nga siguro si Sue. Ang anak ng may ari nitong Villa.

"Ate, pwede pa picture kami ni Zekey?" iniabot niya sa akin ang kanyang iPhone. Wala na rin akong nagawa kundi ang kunan sila. Halatang naiilang si Brat sa kanya dahil nakahawak lang naman ang babae sa bewang niya.

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon