Chapter 6: Hide and Seek

3K 75 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Eto pala ang nirereklamo nung dati kong kasama dito. Ang sakit ng ulo ko. Late na rin kasi ako natulog kagabi. Galing kami ni Trinity sa concert ni.... Oh my!

Agad kong sinilip ang baba ng kama ko, and    *poof* wala doon si Zeke. Bigla akong nagpanic. Baka may makakita sa kanya sa labas at magkagulo ang buong dorm at biglang may mga media na pumunta dito at baka ma demanda pa ako ng kidnapping at dahil dun mawala ang scholarship ko at matanggal akong sa dean's list at baka mapatalsik ako sa HAU. Ayoko masira ang buhay ko! Dali dali akong lumabas ng kwarto. Walang tao sa sala at sa study area. Huminto ako saglit. Nakarinig ako ng tawanan sa may dining area. Agad akong nagtungo doon. At tama nga ang hinala ko, nandoon si Zeke kasama ang mga doormates ko. Mukhang kalmado lang sila kaya medyo nagtaka ako.

"Hey Chloe, hindi mo naman sinabi na may bisita pala tayong bigtime. Ikaw na talaga!" sabi ni Mai, isa sa mga dorm-mates ko na that's my tomboy ang peg.

"Oo nga Chloe, Balak mo pa yata itago sa amin si Fafa Zeke eh. Amd in fairness, ang galing niya pala managalog, because his mom is a filipina." sabi ng isa.

"ahh.. Hehe. Hindi naman. Actually, paalis na siya. diba Zeke? Ba-bye ha! Alis ka na.." sabi ko habang sumesenyas kay Zeke na umalis. Pero hindi siya tumatayo at inisnob lang ako. Kita mo 'tong taong to. Walang pakisama!

"I already explained to them, Chloe right? Pumayag sila na dito muna ako as long as i want. And they promised that hindi nila ipagsasabi sa labas na nandito ako." sabi niya. Wala na ako magagawa. Majority wins sabi nga nila. Okay, talo nanaman si Chloe Mariano. Pagkatapos nun ay iniwanan ko na sila sa dining area at bumalik ako sa kwarto. May exams ako mamayang 12 kaya kailangan ko na mag ayos at mag huling hirit sa pag rereview. Kaya maaga akong aalis ng dorm para tumambay sa library. Nang matapos akong maligo at magbihis ay inayos ko na ang mga dadalhin kong gamit. Biglang pumasok si Zeke sa kwarto na ikinagulat ko. Hindi lang siguro ako sanay na may lalaking papasok sa kwarto ko.

"Oh what happened to you? Bakit mukhang gulat na gulat ka jan?" sabi niya.

"Try mo kayang kumatok diba? Uso naman siguro sa america ang salitang knocking diba?" inirapan ko siya. Nakakabadtrip eh.

"Bakit? Kwarto ko rin naman ito ah. And you're sitting at my bed. Tumayo ka nga jan. Inayos ko na yan eh." hinawi niya ako palayo lang naman sa dati kong kama. Gawd! I cant believe na magiging ganito na ang buhay ko from now on! Sana umuwi na siya kung saan man siya galing! Hmmp! Makaalis na nga. Inirapan ko siya at ibinagsak ang pinto.

Paglabas ko ng dorm ay nakita ko ang mga bodyguard ni Zeke na nagtatanong tanong sa mga tao sa paligid. Kasama nito ang manager niya. Agad kong tinext si Mai para balaan si Zeke na huwag sisilip sa bintana at magstay lang sa kwarto at i lock ang kwarto.

Nagreply naman agad si Mai kaya medyo napanatag ako. Naglakad ako ng paiwas at binuksan ko ang libro ko para kunwari ay nagbabasa ako habang naglalakad. Pero hindi rin ako nakaligtas.

"Miss. Can we talk to you for a minute?" sabi ng isang matangkad na lalaki na naka blacksuit and tie. Mukhang foreigner ito kaya mapapalaban ako sa english-an. Haay! Ano ba itong pinasok ko. 11:15 na. Kainis naman oh.

"Im sorry but i will be late for my exam! okay bye!" sinabayan ko ng mabilis na takbo. Hindi ko na alam ang susunod na nangyari pero napansin kong hinahabol na nila ako. Pero bakit? Anong kasalanan ko? Hindi kaya alam na nila ang totoo? Ayan na! Malapit na ako sa school. Dali dali akong pumasok ng gate. Huminto ako sa kalagitnaan ng HAU premises. Nakita kong hinarang sila ng mga gwardya ng university. Hingal na hingal akong naglakad papuntang library. Nakita ko doon si Trinity. Sinalubong niya ako ng malaking ngiti at mahigpit na yakap.

"Oh what happened frend? Bakit parang hingal na hingal ka at look at you, you look haggard. Teka, pinagod ka ba ni Mr. Famous Rockstar Hottie na si Ze—" tinakpan ko ang bibig niya. Huminga ako ng malalim bago ikwento sa kanya ang lahat lahat, simula nung makauwi kami sa dorm hanggang sa paghabol sa akin ng mga men in black na iyon.

"Really? Oo nga frend. Napanood ko sa TV kanina. Nawawala nga daw si Zeke. Ofcourse i know the truth pero its all over the news frend. Kahit sa facebook at twitter ay trending topic ang pagkawala ni Zeke. Goodluck talaga sayo Frend." sabi niya. Hay! Tama siya. Isang malaking goodluck talaga sa kin.

Maya-maya ay nagpunta na kami ni Trinity sa classroom. Okay, time check. 20 minutes before our final examination. Mejo handa na ako pero ang dami kasi gumugulo sa utak ko ngayon. And speaking of gulo, eto nanaman si ShariManok. Harangan ba naman ang dadaanan ko. Badtrip!

"Well, well, well. You missed the fun last night. Look. I've got a ring from Zeke." ipinakita niya sa akin ang singsing na nakasuot sa daliri niya. Talaga? Si Zeke mismo ang nagbigay sa kanya? Ows! Alam ko kung ano ang nangyari kagabi. Masyado lang talagang ilusyonada ang babaeng ito.

"Excuse me, Shari. Nandoon ako kagabi kaya alam kong wala binibigay na singsing si Zeke." sabi ko. Bigla ako inawat ako ni Trinity at hinila niya ako sa gilid.

"Frend, sorry nakalimutan kong sabihin sayo. May souvenir ring na pinamigay ang staff kagabi nung kasalukuyang nawawala ka. Eh nagmakaawa ako sa staff na kung pwede bigyan pa ako ng isa, kaso ayaw pumayag, kailangan daw ng presence mo. Ayun. Sorry ha." sabi ni Trinity. Naintindihan ko naman. Nagpasalamat ako sa effort niya sa paghingi ng souvenir para sa akin. Iyan ang bestfriend ko.

"its okay frend. Hindi ko naman kailangan ang souvenir na yan. Alam mo na.." parang gusto ko isampal kay Shari ang dahilan kung bakit nawala ako nung mga oras na namimigay ng souvenirs. Kaso, wag na. Baka mamatay lang siya sa inggit. *evil laugh*

"Oh ano mga liars? ano pa ipapalusot nyo?"

sabi ng bruhilda. I just rolled my eyes.

This time, si Trinity na ang sumagot para sa akin.

"Wala kang alam sa nangyari, Shari. Kaya tumahimik ka nalang jan. Instead of wandering around, why dont you try reviewing for our exams later? Para naman sa susunod na semester ay hindi ka nanaman irregular student dahil sa mga singko mo. Ciao!" tinaasan siya ng kilay ni Trinity. Very well said my friend. Clap clap clap for you. Nganga ang bruhilda. Bumalik sya sa seat niya at nagcross arms doon. Bumubulong bulong pa ito pero hindi na namin ito pinansin.

END OF CHAPTER 6

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon