Chloe's POV
I really cant believe na nandito ako sa opisina ng ALE ngayon bilang pambato nila sa pagka Presidente ng HAUSC. Parang dati lang, nanonood lang ako ng miting de avance para suportahan si Seth tuwing tumatakbo siya. Ngayon, eto na. Ako naman ang papanoorin ngayon. Kinakabahan na ako para sa miting de avance mamaya. Hindi pa naman ako sanay magsalita o magbigay ng speech sa harap ng maraming tao. Pa'no kaya ito? Naku bahala na nga!
"Are you ready, Chloe? Goodluck mamaya ha." sabi ni Syd. Tumango at nginitian ko lang siya. Pero ang totoo parang sasabog na ang internal organs ko sa sobrang kaba.
Maya-maya ay lumabas na kami ng opisina at nagmartsa na sa hallway ng administration building. Sa kabilang dulo ay nakita namin ang grupo ng ASA. Mukhang magkakasalubong pa kami ah. Naka blue tshirt sila, kami naman ay green shirt. Sa gitna ng Admin Building ay huminto kami sa paglalakad, ganun din ang kabilang partido. Nararamdaman kong intense ang iringan ng dalawang partido. Nasa unahan at gitna si Brat. Nakatingin siya sa akin na parang tinatawag niya akong loser ngayon. Aba! Ganun ah! Taasan ko nga ng kilay 'to. Ang yabang lang, akala mo kung sino! Ano naman kaya ang alam nito sa pagiging student council president? Eh ang alam lang naman niya ay kumanta at mag gitara.
"Oh... Andito na pala ang mga ALE? Ready na ba kayong maALEgaga kapag natalo namin kayo?" bulyaw ng campaign manager ng ASA sa partido namin. Siyempre hindi magpapatalo si Sydney, ang aming matapang na campaign manager.
"Hoy Greyson! Oo maaALEgaga talaga kami...sa pagbilang ng madaming mga boto na makukuha namin. Eh kayo? umaASA ka nanaman ba na mananalo na ang partido nyo? Well, ASA kayo! hahahaha!" sinabayan namin si Syd sa pagtawa. Wala na naisagot pa ang mga taga kabila kaya nagpatuloy na sila sa pag lalakad. Nakakatawa ang mga hitsura nila. Sa nangyaring trashtalk na iyon ay lumakas ng konti ang loob ko. Medyo nawala ang konting kaba sa dibdib ko. Lalo pang nawala ang kaba ko nung matanggap ko ang text ni Seth. Oo, hindi pa rin nawawala ang crush ko sa kanya kahit na friendzoned na niya ako. Wala naman siguro masama sa crush diba? Sabi niya, binilin na niya kay Syd na kunan ng video ang aking speech mamaya para daw mapanood niya. Nagtext din naman si Kuya. Makikipanood nalang daw siya kay Seth. Sa mga oras na ito ay iniisip ko nalang ang mga taong sumusuporta sa akin. Sina Kuya, Trinity, Seth, Syd at ang mga kaklase ko at buong institute of Arts and Crafts. Pero siyempre hindi rin papakabog ang mga fans ni Zeke. Lalo na siguro ang tatlong maria na sina Kay, Fay, at May. Sumilip ako sa may audience para tignan kung gano karami ang manonood. Grabe! Parang buong campus ay nasa field ngayon. Sa bandang gilid ang mga fans ni Zeke. Ang laki ng banner na hawak ni May at Fay. Teka?! Bakit wala si Kay?! Hmm... Bakit ba ako concern kung nasaan yun? Buti nalang wala siya dahil maiirita lang ako sa pagmumukha niya.
Ayan na! Nakita ko nang umakyat ang emcee sa stage. Kinabahan nanaman tuloy ako.
Dug..Dug..Dug..Dug..
FYI, heartbeat ko yan. Bilisan nyo lang ang pagsasabi, ganun ka bilis.
Lets Welcome, the Angat Student's Alliance PartyList with their Presidential Candidate, Ezekiel Anderson!" announce ng emcee. Sobrang lakas ng hiyawan ng audience. Akala mo concert niya ang ginaganap ngayon. Dyusmiyo, audience impact palang talo na ako sigurado ako na ganito karami ang botante niya pag dating ng election day. Parang gusto ko na umatras.
"Dont worry Chloe. Marami ka rin namang supporters oh." sabi ni Syd habang tinuturo niya ang mga may hawak ng banners ko sa audience, syempre sa pangunguna ng bestfriend ko na si Trinity Napangiti ako kahit paano.
"Okay, Lets also welcome the Angelicumers Leading to Excellence with their presidential candidate, Chloe Mariano!" sabi ng emcee. Sabay sabay kami umakyat ng buong partido ko. Infairness ha, sumasabay sa lakas ng hiyawan ang mga supporters ko. Lalo tuloy lumakas ang loob ko. Kinawayan ko sila at ngumiti ako na parang wala ng bukas. Ngayon ay binigyan na kami ng emcee ng sarili naming mikropono.
"Okay, Team ALE and Team ASA, meron lang tayong 1 minute para sagutin ang mga tanong ng mga piling estudyante ng HAU. Unang tatanungin ay si Mr. Ezekiel Anderson." sabi ng emcee. Ayan na ang malalakas na hiyawan kasabay ng pagtawag ng pangalan ni Brat. Sana mahirapan siyang sagutin yung tanong sa kanya. Hmmft!
"Good afternoon, Kuya Zeke. I'm Joe. A Freshmen student from Institute of Engineering. Here's my question. Bilang isang celebrity po, paano nyo po mahahati ang oras nyo kapag kayo ang nanalo for SC President? tanong ng isang student. Oo nga naman, siguradong mahihirapan siya niyan. Tsk Tsk Tsk...
"Hi Joe. Time management ofcourse. Thats why i have my manager with me, so that i can manage my time well, at kung ako ang iboboto nyo, Makakasa po kayo na kayo ang priority ko. That would be all, thank you! Team ASA po ha!" he said. Well, okay naman ang sagot niya.
Pero hindi pa rin ako kumbinsido. Hmm.. Mukhang may pag asa ako dito ah.
"Okay, thank you Mr. Anderson. Lets proceed to the next candidate, Ms. Mariano." sabi ng emcee. Ofcourse marami ang naghiyawan at sumisigaw sa magandang pangalan ko. Ahem! Ahem! Sa akin na nakafocus ang atensyon nilang lahat kaya dapat hindi sila madistract, lalo na ako.
"What's up HAU Community!" malakas na sigaw ko sa mga audience at sinuklian naman nila ito ng mas malakas na hiyawan.
"Wow, energetic ang Team ALE ha. Okay, heto na ang magtatanong sayo." tinawag na ng emcee ang magiging pampa—what?! Is she the one na magtatanong sa akin? Sasabihin ko sanang pampaswerte pero mukhang mamalasin pa yata ako.
"Hello, Miss Chloe. Siguro naman kilala mo na ako. Sa iba, i'm Kay from the institute of Business and Marketing. Well, bilang Fansclub President ako ni Zeke, obviously sakanya ang suporta ko. Pero gusto ko lang na tanungin ka ngayon." sabi ni Kay. Damn! Nakakapang init ng dugo. Buti nalang umaayon ang mga supporters ko dahil panay ang boo nila sa bruhang ito.
"Hi. Kay. Can you please proceed to the question kasi were running out of time." sabi ng emcee. Bleh! Buti nga! Ang dami kasing arte eh!
"Okay sorry. Please listen carefully, Chloe. Bakit kailangan mong tumakbo bilang SC President? Anong mapapala namin sa kagaya mo?" sabi niya sabay cross arms. Maraming nag boo sa kanya dahil sa sarcastic niyang tanong. Ngumiti muna ako bago sumagot.
"Ang ganda ng tanong mo, Kay ha. Well, Bakit kailangan? Dahil kailangan ako ng HAU Community. Bilang Outstanding student at kaisa isang academic scholar dito, alam kong meron akong sapat na kaalaman para pamunuan ang HAUSC. At mapapala nyo? Pwede kong ibahagi sainyo ang kaalaman ko at hindi katulad ng iba, full time akong maglilingkod sa buong HAU community. Yun lang po at salamat. Sana team ALE tayo ah." pagkatapos ng aking sagot ay narinig ko nanaman ang malakas na sigawan at hiyawan. Pero nakita ko si Brat na nakangiti sa akin. Huh? Like what? Hmm.. siguro napahanga siya sa sagot ko. Well, Chloe Mariano is Chloe Mariano. Naks! Hahaha!
END OF CHAPTER 33
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Fiksi RemajaPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...