Third Person
Makalipas ang tatlong araw...
Sumapit na ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang Boracay Outing.
"Ano ba yan, Grossy girl! Bilisan mo kumilos! Ang bagal!" bulyaw ni Zeke kay Chloe habang natataranta ito sa pagbitbit ng mga gamit niya at gamit ni Zeke.
"Eh ikaw kaya magbuhat ng dalawang bagahe at dalawang bagpack ha! Akala mo madali? Wag ka ngang demanding jan!" sagot nito sakanya sabay irap.
Samantala, ang mga taga dorm ay umarkila ng malaking van na maghahatid sa kanila sa port kung saan sila sasakay ng barko. Sa kanila sumabay si Trinity. Si Chloe naman ay nasa sasakyan ni Zeke. Iisang barko lang naman ang sasakyan nila, ang barko na binayaran ni Zeke para sila lang ang pwedeng isakay. Kumbaga ay inarkila na niya ang barkong sasakyan nila.
Pagdating sa port ay nagkita kita na rin sila. Nagkagulo ang ilang mga nakakita kay Zeke. May mga nagpapicture at nagpaautograph sa kanya. Habang si Chloe ay nakatingin lang sa kanya.
"What's with the stare?" sabi nito sa kanya.
"Ha? Hindi ah! Bakit naman ako titingin sayo?" sagot niya sabay iwas ng tingin. Hindi maitatago sa mga mata ni Chloe na nagwagwapuhan siya kay Zeke sa mga oras na ito. Nakapang summer outfit kasi ito with matching shades pa. Umiling iling lang ito sa sinabi niya. Maya-maya ay sumakay na sila sa barko.
Enjoy na enjoy ang mga taga dorm sa inarkilang barko ni Zeke. Pang first class kasi ang inarkila niya. May pa-buffet pa at malaking swimming pool. Four hours lang naman ang biyahe mula sa port hanggang sa boracay island.
"Ikuha mo nga ako ng pagkain." utos ni Zeke kay Chloe. Dahil siya ang dakilang slave nito for 5 days ay hindi siya makapalag kahit inis na inis na siya.
"Eto na mahal na prinsipe." sabi niya sabay abot ng isang plato na may mga pagkain.
Pagkatapos ay umupo siya sa tabi nila Trinity at Mai. Napansin ng mga ito na nakasimangot siya kaya tinanong nila ito kung ano ang problema niya.
"Nakakabwisit na kasi ang brat na yun eh." she blurted.
"Ano ba naman kasi kayong dalawa? Para kayong aso't pusa!" sabi ni Mai.
"Eh nakakapagod na kasi eh. Oh tignan mo ngayon, kung makatingin akala mo tatakasan ko siya." sagot ni Chloe sabay nguso sa direksyon ni Zeke.
"Baka naman kasi ayaw ka lang niya mawala sa paningin niya. Ayiiih! Ang keso naman teh!" tukso ni Trinity sa kaibigan.
Inirapan lang ni Chloe si Zeke bago tumayo sa kinauupuan niya. Nagpunta nalang siya sa loob para kumain. Hindi niya pa rin maisip kung mag eenjoy siya sa bakasyon na ito. Hinihiling nga niya na sana ay hindi nalang siya pinayagan ng kanyang boss na mag absent. At dahil binayaran ni Zeke sa boss niya ang oras nila ni Trinity, wala na rin siya nagawa.
"Ang sarap tumalon sa dagat! Kakabwisit!" bulong niya sa sarili.
"Sige nga. Anong oras? So i can set my camera sa magandang anggolo." nakangising sabi ni Zeke bago ito umupo sa harap niya. Napaigtad naman si Chloe nang marinig nya ang boses nito. Nagtaka siya dahil alam niyang mahina naman ang pagkakasabi niya ng mga salitang yun.
"Oh. Ano nanaman ang iuutos mo? Cant you see na kumakain pa ako? Hindi pwedeng kumain? Aba! Tinatanggalan mo na ako ng human rights niyan! Pwede kita idemanda niyan." tinaasan niya ito ng kilay.
"Damn, Chloe Mariano! What are you talking about? I'm just here to eat. Eh ikaw lang ang mas kilala ko dito kaya sayo ako tumabi. I didnt know that aside from being a drooler, drama queen ka rin pala. Hahaha!" sabi nito sabay tawa ng malakas. Pinagtinginan sila ng iba nilang kasama at ng mga empleyado ng barko. Sinimangutan lang siya ng dalaga.
"I'm not a drooler, you Brat! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kasalukuyan akong sumusuka nun at bigla mo naman tinakpan ang bibig ko, hindi ko na kasalanan yun." nag cross arms ito.
"Hey! i'm not a Brat! Akala mo lang yun. You dont know my dad. He's like the twin brother of Adolf Hitler." he sighed. Naalala niya kasi ang pagiging malupit at strict ng tatay niya.
Napansin ni Chloe na naiba ang facial expression ni Zeke. Kaya hindi niya naiwasan ang magtanong.
"Hey. May problema ba? Okay ka lang?" she asked.
"No, wala naman. Naalala ko lang si Dad. Naging ganun lang naman siya simula nung mawala si Mom. I remembered the last time na nakita ko siyang nakangiti, noong paalis na kami papuntang America. Pero simula nung nawala si Mom, hindi ko na siya nakitang ngumiti. Lagi nalang siyang nagpapakabusy sa trabaho niya. I guess, he was really hurt nung iwanan kami ni Mom." he said. Sa mga oras na iyon, naramdaman ni Chloe ang other side ni Zeke. Ang side na malungkot at maraming tanong na hindi masagot.
"May plano ka pa bang hanapin ang nanay mo?" she asked.
"Actually, wala na. Pero i saw her at the airport. Nagbebenta siya ng mga so called lutong ulam sa mga employees, just like before. Then, i said to myself. I need to find her, hindi lang ako nakalapit sa kanya that time. Kasi nung nakita ko siya, parang nanigas ako. I didnt expected na makikita ko siya nun. That's why i've decided to stay here muna until i find her." seryosong sabi nito. Ngayon ay bahagyang naintindihan na ni Chloe ang dahilan kung bakit hindi ito natuloy sa kanyang pag alis.
"Mahahanap mo rin ang nanay mo. Manalig ka lang." nakangiting sagot niya kay Zeke.
"By the way, what about your parents? Nasaan sila?" tanong ni Zeke sa dalaga. Napansin niyang nag iba rin ang facial expression nito sa kanyang tanong pero ngumiti rin ito agad.
"Ewan ko kung saan sila nakatira ngayon. May sarili na kasi silang pamilya ngayon. Pero may communication pa rin naman kami ni Kuya sa kanila. Naghiwalay sila nung bata pa kami ni Kuya Carson. Tinutulungan pa rin naman nila ako sa pag aaral ko pero hindi ganun ka laki. Siyempre may mga pinapaaral din silang anak sa mga bago nilang asawa. Kaya kami nalang ni Kuya ang nagtutulungan. Buti nalang may scholarship ako ngayon, malaking tulong yun." sabi niya. Nakaramdam din ng awa si Zeke sa kanya. Parehong nandyan nga ang mga magulang ni Chloe pero hiwalay naman at may kanya-kanyang pamilya na. Wala ring pinagkaiba ang buhay nila pagdating sa pamilya.
"Oh! Andito lang pala kayong dalawa eh. Kanina pa namin kayo hinahanap." sabi ni Mai, sabay upo sa bakanteng silya sa tabi ni Chloe.
"Bakit?" tanong ni Chloe.
"Wala naman. Bigla kasi kayong nawawala eh. Anong meron? Teka bakit parang ang lungkot ng ambience dito? May nangyari ba?" pag uusisa ni Mai sa kanilang dalawa.
"I'll just take a walk outside." sabi ni Zeke bago tumayo at naglakad palabas ng Dining Area.
"Ano nangyari dun? Nag away nanaman ba kayo?" bumaling si Mai kay Chloe. Umiling lang ito at niyaya niya ang kaibigan na magswimming para ma distract ito at hindi na magtanong pa. Masyado kasing personal ang mga napagusapan nila ni Zeke kaya hindi niya pwedeng ikwento dito ang lahat.
Makalipas ang ilang oras ay natatanaw na nila ang ganda ng isla ng Boracay. Naghiyawan silang lahat ng huminto na ang barkong sinasakyan nila. Pagkababa ni Zeke sa barko ay nagkagulo na ang mga babaeng turista sa kanya para lang magpapicture. Nag silbing crowd control naman sila Mai at Trinity.
Dumeretso sila sa isang napakalaking Villa kung saan, kakilala ni Mai ang may ari nito. Dito sila tutuloy ng tatlong araw. Meron itong walong kwarto. Nang makita ng may ari si Zeke ay tuwang tuwa ito. Ma edad na ang babaeng may ari ng Villa. Mga nasa 40+ na ang edad nito.
"Naku, idolo ka ng anak ko. Hindi ko nga sinabi na dito ka tutuloy sa Villa ko. Nabanggit ni Mai na kasama ka sa outing nila. Ang pogi pogi mo pala talaga sa personal, Hijo. Kaya naman pala nagkakandarapa ang mga babae sayo eh. Parating na yung anak ko, nag swimming lang yun kasama ang mga friends niya." sabi ng may ari ng bahay. Tanging matamis na ngiti lang ang isinagot ng binata sa kanya.
Itinuro na nito ang kani-kanilang mga magiging kwarto.
Magkasama sa kwarto sina Zeke at Tony. Si Chloe, Trinity at Mai naman ang magkakasama.
Ipinasok na nila ang bagahe nila sa kanilang mga kwarto.
END OF CHAPTER 22
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Novela JuvenilPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...