Chapter 39: Rumors

1.9K 48 0
                                    

Zeke's POV

Why am i so happy right now? Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya since i moved here in Philippines.

"Oh. How's your day, buddy?" Tony asked.

I just smiled at him na ikinalaki ng mga mata niya.

"Woah! Did you just smiled at me? Teka, i saw your picture with Happy Man's staff. Nagpunta ka doon? who's with you?" he asked.

"Chloe..." matipid kong sagot sa kanya.

"Ano bang meron sainyo ni Chloe ha, Ezekiel?" when i look at him, he seems so serious. I just laughed at him.

"What?! Ano ba sinasabi mo jan Tony. Nag dinner ka na ba?" umiling iling ako then nahiga ako sa bed. Napaisip ako. Ano nga ba ang ginawa namin kanina? Is that a date?

Nung kasama ko siya kanina, i felt happy. Yung happiness na parang ngayon ko lang naranasan. Now i am realizing something right now. I like her. I like Chloe Mariano.

Chloe's POV

I cant sleep. Bakit kaya? Diba sabi nila kapag hindi ka daw makatulog sa gabi ay may nag iisip sayo? Totoo kaya yun? Naku ayan ka nanaman Chloe. Humohopia ka nananaman. Hmmp! Bumangon ako para buksan ang facebook account ko.

I check my new notifs for awhile. Wait! What is this? Teka, picture namin ito ni Andre ah?! And there's this caption na lalong nakapukaw ng attention ko.

"Chloe Mariano ng Holy Angelicum University, jowa na ang anak ng korean multi-billionaire?"

OMG! ano ito?! Kaagad kong ni-logout ang account ko at tinawagan si Trinity. Alam na kaya niya ang tungkol dito? Sino naman kaya ang pesteng nagpakalat ng chismis na ito?

[Frend! Alam mo na ba ung tungkol sa rumor?] tanong ko sakanya.

[Oo frend. Tatawagan pa ngalang sana kita eh. Naka online ako ngayon. Anonymous ang nakalagay kung sino ang nagpost ng picture nyo ni Andre sa park.] sabi niya.

Maging siya rin pala ay hindi niya kilala ang anonymous na nag post ng tsismis na ito.

Kailangang malaman ko agad kung sino ang may pakana nito.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa campus. One hour before my first class. Nasa entrance palang ako ay pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante. They're whispering something. Kung meron lang sana akong magic ears para marinig ang mga sinasabi nila. Basta ako, dire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa library para magpalipas ng oras sa pag reresearch sa isang subject namin.

"Hi. Can i seat with you, Chloe Mariano?" sabi ng isang babae. I know her. Hindi ko lang maalala ang pangalan niya. Pero i know that she's a junior. Tumango lang ako. She sits infront of me.

"I'm Zuri Velasco. The university newspaper's photographer and writer. I know you. And your boyfriend. Gusto ko lang sana makuha ang panig mo." sabi niya. I knew it. Umiling ako at hindi pumayag. Syempre, i dont need to explain my side to anyone.

"Its not true. Hindi ko boyfriend si Andre. I dont have anything to explain sa inyo." tumayo ako at iniwanan siya. I dont want to get involve sa ganitong issue. I remember my last interview sa university newspaper, its about my scholarship. Si Kuya Carson pa ang photographer nun at si Seth naman ang writer. Ngayon ay ayokong malagay ang pangalan ko sa hot issue corner. Hindi maganda sa record ko ang mga ganung bagay. I need to solve this issue before it gets worst at makaapekto pa sa candidacy ko.

Hindi kaya black propaganda lang ito laban sa akin? Sino naman kaya ang magpapakalat nito? Wala namang mali sa picture. Its just me with a bouquet of flowers and si Andre na nakaakbay sa akin. Bakit? Hindi ba pwedeng mag akbayan ang magkaibigan? tsktsk.

Exactly 9 am na sa wristwatch ko kaya naisipan kong pumasok na sa first class ko. Wala pang ka tao tao ang classroom. Alas nuebe na ah, bakit wala pang estudyante? Habang nagpapalipas ng oras, naisipan ko munang mag advance reading para sa lesson namin ngayon.

Maya maya ay nagsi datingan na rin ang ibang mga estudyante. Nakakairita lang ang mga reaction nila kapag nakikita nila ako. Palalain daw ba ang issue? Mahuli ko lang talaga kung sino ang may pakana nun. Kakalbuhin ko talaga siya!

"Frend!" sa wakas ay may karamay na rin ako dito. Dumating na si Trinity na may dalang newspaper. Umupo siya sa tabi ko at pinakita niya ang isang article doon. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

"For real? Nag umpisa lang kay Andre, ngayon pati kay Zeke din?" i uttered. Sabi na nga eh. Kakalat talaga sa tabloids ang pamamasyal namin ni Zeke kagabi. Sa dami ba naman ng kumukuha ng videos at pictures eh. Lalabas talaga sa internet ang iba dito. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayaring ito. Gosh! Ayokong magkawrinkles no! i'm only 19.

Maya-maya ay dumating na si Andre at lalong lumakas ang mga bulungan ng mga kaklase namin. He looks disappointed. I'm sure nabasa na rin niya ang mga article na nakaposts sa internet sites.

"I'm really sorry, Chloe. Dapat pinag isipan ko muna ang ginawa ko." he said. Hindi naman niya kasalanan ito eh. Masyado lang talaga mapag isip ang mga tao sa paligid and besides, public figures sila. Natural lang siguro yun at hindi nila maiiwasan.

"No need for apology, Andre. Wala tayo magagawa, public figure ka eh." sabi ko. Open minded naman ako eh at hindi ako basta basta magpapaapekto sa ganitong bagay lang.

Napatingin ako sa pinto ng room. Bakit kaya wala pa si Zeke? Nabasa na kaya niya ang kumakalat na article. Bigla namang dumating ang tatlong bruha ng klase. Kilala nyo na kung sino. Tinignan ko lang sila at inirapan.

"Aba! Kung maka irap ka ah! Mayabang na malandi pa!" aba! Walang hiyang Kay ito ah! Tawagin na niya akong bobo, stupida o kahit ano pa, pero ang malandi?! Excuse me! Hindi ako malandi at hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya.

"Anong sinabi mo?!" susugurin ko na sana siya. Hindi ako makapagpigil eh. Pero hinawakan ni Trinity ang braso ko at hinila sa tabi niya.

"Frend, kalma lang. Remember nung nangyari sainyo ni Shari last sem? Diba may warning ka na? Hayaan mo na sila. Digital na ang karma ngayon." buti nalang nandyan ang bestfriend ko kundi hindi nanaman ako nakapagpigil.

"May problema ba kayo ni Chloe? Why do you keep on fighting kapag nagkikita kayo?" tanong ni Andre sa kanila.

"Cant you see Andre? Inuuto ka lang ng Chloe na yan. Look at this. She's also going out with Zeke. Two timer ang babaeng yan!" she exclaimed. I look at Andre. Binabasa nya ang news article sa dyaryong binigay sa kanya ni Kay.

"Its just a rumor! Nag punta lang si Zeke sa dorm dahil humiram siya ng notes sa akin. At kaibigan niya ang mga dorm mates ko. Wala akong nakikitang problema doon. Ano bang problema mo Kay? Bakit mo ba ito ginagawa?!" i yelled. Nakakainis na kasi. Anong point niya sa paninira sa akin.

"Masyado ka kasing epal. Inaagaw mo na nga sa amin si Zeke ngayon naman pati si Andre Han. Plan mo talaga ito eh!" sagot niya. I'm about to answer pero biglang dumating si Zeke.

"ENOUGH!" he yelled. Biglang natahimik ang buong klase. At lahat kami ay nakatingin nalang sa kanya.

END OF CHAPTER 39

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon