Zeke's POV
Honestly, i cant take her off my mind simula nung makita ko siya kanina with that outfit. She looks beautiful. She's like a living doll.
"Hey Zekey, whats the matter? Gusto mo bang magpahinga? Are you tired?" Sue said.
"Oo eh. Lets go back to the Villa." i said. I dont know what's gotten into my mind. I actually used someone para lang tignan ang reaction niya kung magseselos siya. Pero i guess, its not effective. Ayan tuloy, napasubo ako sa pagsama sa girl na ito.
"Zeke, where have you been? Tinetext at tinatawagan kita. Bakit hindi ka sumasagot? Sabi ni Chloe, hindi ka raw niya kasama. And who is she?" Tony yelled. Agad kong inalis ang kamay ni Sue sa braso ko. Actually, she's really annoying pero kailangan kong makisama because she is the daughter of the owner of this Villa.
"Sorry, Tony. Lets go inside." hinila ko si Tony papasok sa loob ng room.Then i locked the door so no one can enter.
"Sino ba yun, Zeke? And nasaan ba ang cellphone mo?" he asked.
"Nasa bag eh. I forgot to bring it. And that girl, Sue ang pangalan niya. She's the daughter of the owner of this Villa. Alam mo, she's a bit annoying." sabi ko kay Tony. Napailing iling lang siya sa sinabi ko.
"Oo nga pala. Nandito pala ang cast and crew ng isang show sa TBN, nalaman nila na nandito ka, theyre inviting you to perform kahit one song lang. If okay lang sayo." sabi niya. Well, wala naman akong nakikitang masama sa invitation nila, so i said yes. Syempre, ikinatuwa ni Tony ang pagpayag ko.
"Well, you should rest para may energy ka mamaya." i follow his instruction.
I need to sleep para may energy ako sa performance mamaya.
Chloe's POV
Saglit lang akong nakatulog. Ewan ko ba, parang may gumugulo sa isip ko eh. Buti pa ang dalawang roomies ko, tulog mantika. Bumangon ako, naisip kong mamasyal sa labas. Napakaganda ng view ng dagat kaya naman panay ang kuha ko ng picture. Sa paglalakad ko, napansin ko na parang may grupo ng lalaki ang sumusunod sa akin. Huminto ako at tinignan sila. Nilapitan nila ako. Parang ang yabang ng dating nila. Akala mo naman ang po-pogi. Hmmp!
"Hi, Miss. Bakit nag iisa ka?" sabi ng isa sabay hawi sa mala 'Daniel Padilla' niyang buhok. May pagka feeler ang isang ito ah.
"Syempre wala akong kasama ngayon, kaya nag iisa ako. Kayo naman, brains naman mga pare." sagot ko. Tinawanan naman nila ang kasama nilang binara ko.
"I like you, A combination of beauty, brains and sense of humor. Gusto mo ba sumama sa amin?" sabi ng isa sa kanila. Ofcourse, hindi ako pumayag kaya hinawakan nila ako sa braso. Kinabahan ako siyempre. Tinanggal ko ang braso ko sa pagkakahawak nila pero masyado silang madami. Pero biglang may umawat sa kanila. Familiar ang boses na yun ah. Kilala ko yun ah. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung kaninong boses yun.
"Kuya Carson?" agad akong nagpunta sa tabi niya. Nag alisan naman ang mga lalaki. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin.
"Ano ba kasi yang suot mo? Tignan mo oh, ang ikli ikli ng shorts mo. Saan ba kayo nakacheck in ha?" sabi niya. Mukhang hindi naman siya galit. Siguro ay nabanggit na ni Seth na nandito din ako.
"Eh kuya naman. Puro walking shorts ang dala ko. Hindi naman yata bagay yun dito. Sa Villa Bella kami naka check in." sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Villa Bella? Paano nyo na afford doon? Mahal dun ah." sabi niya. Sinabi kong sagot ni Mai ang tirahan namin dahil kakilala niya ang may ari nito. Pero hindi pa dyan natatapos ang pag uusisa ni Kuya.
"Hindi ka pa sumasahod diba? Saan ka kumuha ng pambayad ng pamasahe aber?" nag cross arms siya kaya lalo ako kinabahan. Hindi na ako magkakaila pa. Alam ko naman na malalaman't malalaman din niya na kasama namin si Brat.
"Sagot ni Zeke, kuya. Actually, umarkila siya ng maliit na barko. Yun ang sinakyan namin papunta at pauwi sa lunes." sabi ko. Tinignan ko ang reaksyon niya. Himala, hindi man lang siya nagreact. At nakuha niya pa akong imbitahin sa event ng TBN. Maya-maya ay nagpaalam na siya. Ako naman ay bumalik na ng Villa.
Pagbalik ko ay nakasalubong ko si Sue na palabas naman ng bahay nila. Ngumiti siya kaya ganun din ang ginawa ko.
"Hey, Chloe right?" sabi niya. Tumango lang ako.
"Can i ask you something?" sabi niya.
"Sure. Ano yun?" sagot ko.
"Can you help me with Zeke? Napansin ko kasi na sa lahat ng kasama niya dito ngayon, sayo siya malapit. May gusto ka ba sakanya?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Masyadong prangka naman ang babaeng ito.
"Ha? Wala ah.." mabilis kong sagot.
"So, its settled. See you later at the event." sabi niya then sabay alis. Ano ba yun?! Hindi pa naman ako pumapayag sa sinasabi niya. Hmmp. Bahala siya. Sino ba siya para sundin ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto namin. Ayun at gising na pala ang dalawa.
"Saan ka gumala? Hindi mo man lang kami ginising." sabi ni Trinity.
"Eh ang sarap kaya ng tulog nyong dalawa." sabi ko.
"Uy, Alas singko na kaya. Diba alas sais daw ang umpisa ng event. Maligo na ang maliligo." sabi ni Mai. Syempre pareho kaming naaligaga ni Trinity. Hindi ako pwedeng mawala sa event. Si Seth my love pa naman ang nag imbita sa akin. I'm sure ineexpect niya ako dun.
END OF CHAPTER 24
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...