Chapter 49: Changes

1.8K 51 0
                                    

Third Person

10 months na ang lumipas.
April 15, 2011

Ngayong araw idinaos ang graduation ng HAU batch 2010-2011.

Masayang nagbabatian ang mga estudyante at ang iba naman ay nag iiyakan at nalulungkot na dahil ito na ang huling beses na makakatapak sila sa loob ng HAU campus.
"Are you ready?" tanong ni Andre kay Chloe bago sila bumaba ng kotse niya. Sinundo niya pa ito sa dorm ng dalaga para sabay silang pumunta ng school.
"Kinakabahan ako for my speech later." sagot ni Chloe habang hawak niya ang kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba. Hinawakan naman ni Andre ang isang kamay niya.
"I know you can do it. I believe in you, Miss Summa Cum Laude. Lets go?" napangiti siya sa sinabi ni Andre. Lumabas na sila ng kotse at sabay na naglakad papasok sa campus. Halos lahat ng mga mata ay sa kanila nakatingin. Eh dumating ba naman ng sabay ang President ng Student Council at ang batch 2011's Summa Cum Laude. Nag simula na ang mga bulungan at usap-usapan.
"Mukhang confirmed na talaga sis. Sila na nga." sabi ng isang estudyante sa katabi niya.
"Tama ka. Truelaloo ang chikabels na nasagap ko. Mag jowa na nga ang dalawang itey." sagot ng beking estudyante na kausap nung isa.

Hindi naman pinapansin ni Chloe at Andre ang mga sinasabi ng ibang tao. Isang taon na rin ang panliligaw ni Andre kay Chloe. Pursigido talaga siya na mapasagot ang dalaga.
"Makukuha ko na ba?" pabulong na tanong ni Andre kay Chloe. Napakunot naman ang noo ng dalaga.
"Ang alin?" sagot niya.
"You know. The one that i've been waiting for." he grinned. Mukhang nakukuha na ni Chloe ang ibig niyang sabihin. Tinawanan lang siya ng dalaga which made him upset.
"Ikaw talaga! Palabiro ka talaga. O siya, magsisimula na yung ceremony. I'll go ahead." tinalikuran lang siya nito at nagtungo sa gilid ng stage. Napailing nalang siya.
"Kailan niya kaya ako se-seryosohin? Isang taon na kaming ganito." bulong niya sa sarili.

Sa tuwing inoopen kasi ni Andre kay Chloe ang tungkol sa panliligaw niya ay lagi lang nito iniiba ang usapan o di kaya naman ay dinadaan nito sa biro ang usapan.

Sa totoo lang, hindi pa rin nakakalimutan ni Chloe si Zeke. Lagi pa rin niya itong naaalala sa tuwing makikita niya ito sa news o sa mga dyaryo at magazines. Malapit na rin ito ikasal, sa susunod na buwan na.

Sa New york naman, nakagraduate na din si Zeke sa kanyang course na kinuha.

At abala ang pamilya nila sa pag aayos ng kasal nila ni Candice. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya payag sa kasal na ito.
"Tony, i dont want to marry her. Tulungan mo kaya ako!" he yelled at his manager na busy sa pag i-email back sa mga guesting invites kay Zeke.
"So anong gusto mong gawin?" sabi nito habang abala pa rin sa ginagawa nito.
"Tulungan mo akong makatakas. I'm going back to the philippines." napahinto si Tony sa ginagawa niya. Napakunot ang noo niya sa nasabi ni Zeke.
"Hindi madali ang pinagagawa mo, Ezekiel. Hindi lang ikaw ang mapuputukan dito, pati ako. Pwede akong ipakulong ng tatay mo, didnt you know that?" he yelled. Pero mapilit pa rin si Zeke. Desidido na talaga siyang takasan ang lahat ng ito.
"He doesnt need to know our plan. Graduated na ako. Hindi na niya ako responsibility." sabi niya. Napasapo nalang si Tony sa kanyang noo.

Zeke's PoV

Napapayag ko rin si Tony na ibigay sa akin ang passport ko. Wait for me, philippines. Malapit na akong magbalik. And ofcourse, isa si Chloe sa mga gusto kong balikan sa pilipinas. Kamusta na kaya siya? Almost ten months na kaming walang communication. I miss her so much. Whenever i miss her, tinitignan ko lang ang isang stolen picture niya sa cellphone ko.

Tinignan ko ang kalendaryo. April 15 na sa Manila. Graduation day nga pala ngayon sa HAU. Nakakamiss talaga ang buhay ko doon sa philippines. Mukhang marami na rin ang nagbago sa pilipinas kagaya dito sa New York. Kahit papano ay updated naman ako sa pilipinas kahit malayo ako. Ano naman ang ginagawa ng internet diba?

Kaagad din akong nagpabook ng flight papuntang pilipinas. Next week na ang alis ko. Wala na kasing mas maaga pa sa next week. Gusto ko nga sana bukas agad pero fully booked daw ang mga flight nila. Sabagay, summer na sa philippines, so this is the right time to have a vacation.

I am about to sleep nang mag ring ang cellphone ko.

Flirt

Nung una ay tinatamad pa akong sagutin yung tawag. I know that whatever her agenda is, its boring. Pero hindi humihinto ang pag ring. So, i answered it.
"What do you want?!" i asked with sarcasm.

Napansin kong iba ang tone ng voice niya. Did she cried?
[Lets call off the wedding.] she said. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Did i heard it right? She wants to cancel that damn wedding? I thought that... oh, i guess she just woke up from this nightmare. Sabagay, its been ten months already but all i did was ignoring her and treating her coldly. Sino ba naman ang gustong magpakasal sa ganun diba? But i want to make thing clear with her. So, kahit past 11 pm na, sinundo ko siya sa kanila para makapag usap kami ng maayos.
"Are you sure? Did my father or your parents knew about this?" i asked. Umiling lang siya.
"No. Pinag isipan ko lang ito awhile ago, alam ko naman na hindi ako ang gusto mo eh. Hindi naman ako pinaglihi sa anaesthesia para hindi maramdaman yun eh." she laughed and i smiled. Actually, naaawa ako kay Candice. She's a nice girl. Medyo marami nga lang akong naririnig na not so nice issues about her. Pero she regrets it all. Especially about his ex na si Andre. What a small world nga naman, akalain nyo yung nagkatagpo tagpo ang mga path namin.
"So, anong plan mo ngayon? Are you going to tell them?" sabi ko.
"Yes, pero kay Tito Howard, ikaw na ang bahala ha." she tapped my shoulders. Sa sobrang tuwa ko, i pull her closer to give her a hug. Is this for real? I'm really free from this whole damn wedding thing. Hindi na mahalaga ang sasabihin ni Dad about dito. I will push through with my decision, to follow where my heart wants me to be.

END OF CHAPTER 49

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon