Zeke's PoV
Faster Zeke, Faster! Binilisan ko ang takbo pag dating ko sa airport. Galing pa ako sa isang photoshoot at dapat meron pa akong mall show pero mas pinili kong habulin si Chloe sa pag alis niya. Marami ang nakatingin sa direksyon kung saan ako papunta. Wala na akong pakialam sa kanila, ang mahalaga ay maabutan ko si Chloe. Pero mukhang huli na ako. Nakasalubong ko sina Trinity at ang kuya niya. Napahinto ako, kaming lahat. Sa sobrang hingal ko ay hindi rin ako makapagsalita ng maayos.
"Oh. Hindi mo na inabutan eh." inabot ng kuya ni Chloe ang isang bote ng mineral water. I grab it and drink alot. Sa sobrang uhaw ko, halos maubos ko ang tubig. Napangiti naman ako and i thank him for the bottled water.
"I'm going to wait for her. Kahit gaano pa katagal." i uttered. Then he tapped my shoulder and they walk away.
Is this a sign that he is finally allowing me to be with his sister? Well, its a good thing.
"Congrats. Mukhang boto na sayo si Kuya Carson ah. Nice." Trinity whispers before she walks away. I just smiled.
"Bro. Sayang hindi ka umabot. But i want to congratulate you. You won, bro. Please take care of her when she comes back." Andre said then he also tapped my shoulders.
Bago pa magkagulo ang ilang tao dito sa airport ay nagpasundo na ako sa driver para makauwi na ng hotel. Mama is waiting for me, i cant help but to smile whenever i remember that someone is waiting for me to come home.
Third Person
Isang taong nanirahan si Zeke dito sa pilipinas kasama ang kanyang ina. Isinama na niya ang kanyang ina sa kanyang pag uwi sa America. Nung una ay hindi pa matanggap ng kanyang ama ang pagbabalik ng kanyang ina pero habang tumatagal ay bumabalik na rin sa dati ang masayang pamilya nila. Tuloy pa rin si Zeke sa pag aartista at ngayon ay tumutulong na siya sa negosyo ng ama.
Samantalang si Chloe naman ay masaya rin sa bago niyang buhay doon. Marami siyang nakikilalang bagong kaibigan kaya hindi naman siya naboboring doon. Noong unang pasko niya roon ay sinurpresa siya ng kanyang kuya Carson para samahan siyang mag pasko at bagong taon.
Habang nag aaral si Chloe ay nagtatrabaho siya sa isang Coffee shop sa gabi para may pang tustos sa kanyang pangangailangan. Libre nga ang pag aaral niya pero hindi naman siya nakaligtas sa mga gastusin sa mga gagamitin nila sa klase kagaya ng paintbrush, pintura at kung ano ano pa.
Samantalang si Andre naman ay umuwi na ng South Korea para tumulong sa business nila. Nagtayo na rin siya ng sarili niyang art gallery where he sells his own paintings. Tanggap na rin niya na talagang hanggang friendship lang ang kayang ibigay ni Chloe sa kanya.
Si Mai naman ay tuluyan nang nabago ang isip at sinagot na niya ang matiyaga niyang manligaw na si Trevor.
Kahit loveless naman si Trinity ay masaya siya sa buhay niya. Nagtayo siya ng isang maliit na training center para sa mga batang gusto matuto ng painting. Iyon ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Yun kasi ang balak nila ng kanyang bestfriend na si Chloe.
Si Seth naman ay ikinasal na sa kanyang long time girlfriend.
At si Carson at Shari naman ay nagkabalikan na. Plano na rin nilang magpakasal.
Mukhang happy ending na noh? Pero may kulang pa. Paano ang ating mga bida? Saan nga ba sila dadalhin ng kanilang paghihintay sa isat isa?
***********
Minsan kahit anong nangyaring hindi maganda sainyo ng taong mahal mo, hindi mo pa rin magawang makalimutan siya ng tuluyan. Iba talaga ang magic ng love no?
Two years later....
April 12, 2014
Isa isang inempake ni Chloe ang mga gamit niya. Eto na ang araw na nakatakda para umuwi siya ng pinas. Natapos na niya ang masteral niya kaya meron na siyang ipagmamalaki sa lahat.
Ganun din si Zeke. Kasama niyang uuwi ang nanay niya para magbakasyon sa pinas.
"Kamusta na kaya siya?" sabay nilang sabi. Magkaibang lugar pero iisa ang sinasabi ng kanilang isip at damdamin. Almost three years na din ang nakalipas nung umalis si Chloe ng pilipinas. Miss na miss na niya ang pagkain, lugar at higit sa lahat, ang mga malalapit na tao sa kanya doon.
Nagpaalam na si Chloe sa mga kasama niya sa dorm doon at sumakay na sa taxi papuntang airport.
Si Zeke naman at ang kanyang ina ay hinatid na ng driver papunta din sa airport.
Makalipas ang antok at hilo sa mahabang oras na biyahe, nakalapag na rin ang mga eroplano ni Chloe at Zeke.
[Kuya, andito na ako...] tinext ni Chloe ang kanyang kapatid na siyang susundo sa kanya.
Wala pang reply ang kanyang kapatid. Naisip niyang baka nasa biyahe na rin ito kaya hindi makasagot. Kaya naisip niyang maghintay nalang muna sa coffee shop para magkape.
Maya-maya ay nakarinig siya ng malakas na hiyawan mula sa labas ng shop.
Napakunot ang kanyang noo.
"Ano kaya yun?" bulong niya sa sarili.
Palakas ng palakas ang hiyawan. Na curious siya kaya lumabas siya ng shop para tignan.
"Sus mga fangirls lang pala ni Ze—what?! He's here?" biglang tumibok ng mabilis ang puso niya. Luminga linga siya sa paligid.
Papunta na sana siya sa lugar kung nasaan ang mga fangirls nang biglang may pumiring sa mga mata niya gamit ang mga kamay nito.
"Kuya?! Kuya?! Ano ba! Ang dami mong alam ha!" sabi niya. Hinawakan niya ang kamay nito. Napakalambot at parang hindi sanay sa gawaing bahay kaya naman nagduda siya. Hindi ganito ka kinis ang kamay ng kuya niya. Parang pang artista ang kamay na nakapiring sa kanya. At biglang nabuo sa isip niya ang isang konklusyon.
"Z-Zeke?" at naramdaman niyang bumibitaw na ang kamay sa pagkakapiring sa mga mata niya. Kaagad siyang humarap parang tignan kung sino ito. Napangiti siya sa nakita niya.
"Akala ko andun ka?" tinuro niya kung nasaan ang mga fangirls.
"Syempre, mas gusto ko pa rin kung nasaan ang number one fan ko." sabi nito sabay kindat ng isang mata.
"Kapal mo ha! Baka ikaw yung umiidolo sa akin. Aminin!" biro ni Chloe.
"Kung sasabihin ko bang Oo, magiging masayang ang ending natin?" pabiro nitong sagot.
"Depende yan sa susunod mong gagawin..." sagot niya sa binata. Napakunot naman ang noo ni Zeke.
"Ano naman yun?" tanong niya. Nagpout naman ng labi niya si Chloe. Natawa lang si Zeke.
"Kahit ilan pa ang gusto mo." he cupped her face and he moves his face closer to hers. They end up pressing each other's lips so passionately, full of love na para bang hindi tumatakbo ang oras at walang mga matang nakatingin sa kanila.
END.
*****************
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...