Zeke's POV
Finally, i'm here at the TV station. Buti naman at may crowd control sa loob ng station premises kaya nakalabas ako sa kotse ng maayos. Dumeretso kami ni Tony sa studio 12 kung saan, we will have a taping for a talkshow episode. Pagdating sa studio, sinalubong kami ng isang lalaki.
"Hi. I'm Seth. The head writer of The Boy Aquino Show. Sa dressing room nalang po muna kayo. Maya-maya po padating na si Sir Boy." he said. Tinuro niya kami sa dressing room. Doon muna kami nagpalipas ng oras ni Tony. The stylist enters the room to fix my hair and everything. When i'm ready, lumabas na kami ng dressing room para makapagsimula na ng taping. Sinalubong ako ng isang lalaki. I assumed that he's the host.
"I'm glad you accepted our invitation to guest here on my show. Salamat Zeke." he smiled.
"Youre Welcome." i said.
Later on, nagsimula na rin ang taping. Enjoy din naman ang first hour ng taping. Nag announce ng 10 minutes break ang director.
Napatingin ako sa mga audience. Then may napansin ako sa may gilid ng cameraman. A girl with 'applause' sign caught my attention. Parang familiar ang babaeng yun ah. Since breaktime naman. Tumayo ako at lumapit sa babae. Pero unti unti kong nakikilala ang babae habang papalapit ako sa kanya.
"You?!" i didnt know that she was assigned in here. O baka nagpa assigned lang siya. That i really dont know.
"Bakit? siguro alam mo naman na dito ako nagtatrabaho diba." Grossy girl said at tinaasan nanaman niya ako ng kilay. Then the head writer noticed us.
"Wow, reunited eh? Good for you guys!" he said.
"No its not!" sabay naming sabi. Yes, as in sabay at sakto sa timing.
Tapos na ang 10 minutes break at pinabalik na ako sa seat ko. I give her a sign na we'll talk later. Inirapan lang niya ako. That girl! Urgh!
After 3 hours of taping, pack up na din sa wakas.
"Okay guys! Well done, Good job! Pack up na." oh yes! Its like a music to my ears. Tapos na rin. Bigla ko naalala si Grossy girl. I look for her everywhere. Then, nakita kong kausap niya ang head writer ng show. They talked like they actually knew each other. Weird. Halatang kilig na kilig pa siya. Nilapitan ko sila para malaman kung ano ang pinag uusapan nila.
"Hi, Mr. Anderson, I hope you enjoy the show." the head writer said. They paused their conversation for awhile. Argh! Hindi ko tuloy narinig. Habang si Grossy girl ay sinamaan lang ako ng tingin. Aba! Parang ang dating sa kanya ay ginulo ko ang 'sweet' convo nila. Geez.
"I enjoyed it. Magkakilala kayo?" i asked him.
"Yeah. Were schoolmates before, sa HAU. Ka batch ko ang kuya niya, si Carson. He also works here sa TBN as a Network Photographer." he said. Actually, i'm not interested to his brother. But their school catches my attention.
"HAU?" i asked.
"Holy Angelicum University. Its one of the prestigious school here in philippines. You can google it if you want." he's right. I should google it instead. Bumaling ako kay Grossy girl. I give her a sign that we should talk.
Pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Nagpaalam siya sa kausap niya and walks away. Whats with her attitude? Napapailing nalang ako. Hmmm... HAU.. I need to know more of that school. Well, i guess i found my school this coming semester.
Chloe's POV
Panira naman ng moment ang spoiled brat na yun! Ang kulit kulit pa, parang stalker lang! 3pm palang kaya bumalik ako sa Arts Department. May one hour pa ako sa internship ko doon.
"O, frend? Akala ko ba sa heaven ka galing? Bakit parang mala impyerno yang mukha mo? Cheer up nga." sabi ni Trinity. Kung alam lang niya.
"Akalain mo yun. Nagtago na nga ako sa sulok para hindi na ako makita ng Brat na yun tapos nakita pa rin ako. May sa agila ata ang mata nun eh." nag cross arms ako. Naiirita talaga ako sa kanya. Ang yabang kasi masyado. Nanira pa ng moment namin ni Seth. Grrrr!
Maya-maya ay out na rin namin ni Trinity. As usual, hinintay ako ni Kuya sa lobby. Bantay sarado talaga? Parang may kikidnap naman sa akin. OA lang ni Kuya Carson.
"Balita ko, nilagay ka daw sa studio 12 ah. Kulang na kasi ang tao ni Seth doon. Balita ko din, inoffer ni Joya sayo ang pagiging set designer. Bakit hindi mo tinanggap?" sabi ni Kuya.
"Eh kuya, hindi pa ako graduate. At saka magtatapos pa ako this coming sem. Part time lang ang kailangan ko." pangangatwiran ko. Walang rin siyang naisagot. Hanggang sa iniba nalang niya ang usapan.
"O, nagkita nanaman kayo ng prince charming mo?" ibang prince charming ang nasa isip ko. Pero alam ko rin kung sinong prince charming ang tinutukoy niya.
"Kuya. Hindi ko prince charming si Zeke, okay? Hindi ko siya type!" inirapan ko siya. Pero tinawanan lang niya ako. Baliw talaga 'tong kapatid ko.
"Hindi daw! Pero nung wala kang pambili ng concert ticket niya halos maglupasay ka. Wag nga ako, Chloe." sabi niya. Hay! What ever! Pagod ako ngayon para makipagtalo sa walang kakwenta kwentang bagay.
Bigla ko lang naalala, akala ko ba umalis na siya pabalik ng New York? Anong nangyari? Ano nakapagpabago sa isip ng mokong na iyon. At ano kaya yung mga sasabihin niya sa akin kung bakit niya ako gusto makausap? Dapat siguro pinakinggan ko nalang siya no? Edi sana hindi ako nagtatanong sa sarili ko ngayon. Baliw din ako e no?! Mana kasi ako sa kapatid ko. HAHAHA!
Nang makauwi kami ay agad kong kinuha ang laptop ni Kuya at nag sign in sa facebook ko.
I have one new message. Kanino kaya galing?
[Hey Grossy girl! Plano mo bang bulukin ang friend request ko sayo? Its been 3 days. Imposibleng hindi mo napapansin yan. - 30 minutes ago]
Grabe ha. Napakademanding ng brat na ito. Lalo ko lang talagang bubulukin ang request niya. Bahala siya jan. Manigas siya! I check my news feeds kung may bago. Nakita ko ang post ni Mai.
[Dorm Outing in 3 days — Feeling excited]
For real? Makakasama pa ba ako niyan? Eh hindi pa nga kami sumasahod at wala pa akong isang linggo sa trabaho ko. Mukhang imposible na talaga ang Boracay escapade. Hay. Hanggang pangarap nalang talaga ang makapunta ako sa boracay. Dibale, magpapaka workaholic nalang ako sa linggong ito para hindi ko maalala ang outing na yan. Ni-logout ko ang FB account ko at ibinalik kay kuya ang laptop.
END OF CHAPTER 18
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...