Chapter 41: Suddenly

1.8K 50 0
                                    

Laman ng balita ngayon ang tungkol sa nangyari sa tatay ni Zeke. Sugurado akong napakalungkot niya ngayon.

"Ngayon ang alis ni Tisoy ah. Nakapag paalam ka na ba sa kanya? Ay! Oo nga pala. Enemies kayo diba? Hehe!" pabirong sabi ni Mai. So, ngayon na pala ang alis niya. Napatayo ako sa sofa para magbihis. Kailangan ko siyang maabutan. Gusto ko man lang na malaman niya ang nararamdaman ko sa kanya bago siya umalis. Nagmadali akong lumabas ng dorm at humanap ng taxi. Buti nalang at sabado ngayon, hindi masyadong traffic.

Fourty five minutes lang ang biyahe ay nasa airport na ako. Sobrang daming mga fans at media na nakapaligid.

"Dumating na ba si Zeke?" tanong ko sa isang fan. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Mga kasama! Ang girlfriend ni Zeke, nandito!" lahat sila ay humarap sa akin at ako ang kinuyog nila. My gosh! Hindi naman ako artista ah! Bakit ako ang dinudumog nila? At girlfriend? Hindi pa ah! Pero darating din tayo jan. HiHi! Nagmadali akong tumakbo palayo sa kanila. Nakasalubong ko ang mga roving guards at isinama nila ako sa loob ng airport. Doon nalang ako naghintay sa pagdating ni Zeke. Umupo muna ako sa passenger's lounge. Sinusubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang cellphone niya. Hindi kaya nakaalis na siya? Am i too late? Parang nanghina ang mga katawan ko. Napasandal nalang ako sa sandalan ng inuupuan ko. Haaaay... Mabuti pa at umuwi nalang ako sa dorm. Sayang lang ang oras ko dito eh.

i'm about to stand up nang may marinig akong malakas na hiyawan galing sa labas ng airport. Nabuhayan akong ng loob dahil alam kong andyan na siya, andyan na si Zeke. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Binantayan ko ang entrance. Nakita kong pumasok na ang mga bodyguards niya. Nang makita ko na si Tony ay nakita ko na rin si Zeke. Pinagmasdan ko siya. Nakita kong iba ang facial expression niya. Parang natakot tuloy akong lapitan siya.

"Chloe!" may isa sa mga fans niya ang tumawag sa pangalan ko. Nakita kong napahinto siya. Luminga linga siya sa paligid hanggang sa nakita niya ako. Kahit malayo siya, alam kong nagtama ang mga paningin namin.

Zeke's PoV

When i heard her name, napahinto ako sa paglalakad. Is it just my imagination or talagang nandito siya? So i look everywhere for her. Then, i saw her at the passenger's lounge. She's standing there, looking at me. Kaagad ko siyang pinuntahan sa kinatatayuan niya. I wonder what is she doing here.

Nang malapit na kami sa isat isa ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Honestly, her hug made me feel a little better.

"Anong ginagawa mo dito?" i ask her.

"May gusto lang sana akong sabihin sayo, Zeke. Uhm kasi.. ano eh.. Gusto din kita. I like you too, Zeke." she pulled me closer for a kiss. It was really passionate. And this time i could really feel her this time. I was speechless. I dont know what to say. But all i know is i am happy right now.

"Ang dami kong gustong ipaliwanag sayo pero alam kong nagmamadali ka na. Go ahead. Till next time." she uttered. Kahit ako rin, ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Ayoko man umalis pero kailangan. My dad is at the hospital right now. Inatake daw siya sa puso and i need to be there with him. Kahit na marami kaming hindi pinagkasunduan noon, he is still my father and i love and respect him. Siya nalang ang natitira kong pamilya. Siguro nga ay tama si Tony. Mahirap hanapin ang ayaw magpahanap. This is the right time para isuko ko na ang paghahanap ko kay Mama.

Lumingon ulit ako sa kinatatayuan ni Chloe. I wave at her. This isnt a goodbye.  Magkikita pa kami ulit. By then, magaling na si Papa and we can continue our love story.

Till next time. Im gonna miss the philippines. At ang lahat ng mga masasayang alaala ko dito.

Third Person

Tuluyan nang nakaalis ng pilipinas si Zeke. Kung kailan ang balik niya? Iyon ang hindi alam ng karamihan. Hindi na napigilan ni Chloe ang pagtulo ng mga luha niya. Nang hindi na niya matanaw pa si Zeke, nagpasya na siyang lumabas ng premises. Sa kabila siya dumaan para wala masyadong tao.

Nang makalabas na siya ay napansin niyang may babaeng nagpipilit pumasok sa loob ng passenger's area. Nagwawala ito at todo awat naman ang mga guard. Napansin niya ang bitbit nitong mga bayong at basket. Familiar sa kanya ang mga bayong na ito.

"Saan ko nga ba iyon nakita?" bulong niya sa sarili. Maya-maya ay may bigla siyang naalala. Agad niyang pinuntahan ang babae.

"Mga kuya guard, may problema po ba?" sabi niya. Napahinto ang mga guard at ang babae. Nanlaki ang mga mata nya pagkakita niya sa babae.

"Aling Elena?" sabi niya. Nagulat nalang siya nang yakapin siya nito.

"Miss, kasama mo ba yan? Pakisabihan naman na bawal pumasok sa loob kung hindi ka passenger." sabi ng isa sa mga guard at umalis na rin sila.

"Chloe, hija. Nakita ko na ang anak ko! Si Ezekiel, anak ko! Nakita ko siya sa TV! Tulungan mo akong makausap siya!" aligagang sabi nito. Na shock si Chloe sa nalaman niya. Kung gayon, si Aling Elena pala ang nanay ni Zeke na matagal na niyang hinahanap.

"Talaga po? Anak nyo si Zeke? Bakit hindi nyo po sinabi agad? Magkaklase po kami at saka wala pong hindi nakakakilala sa kanya." sabi niya kay Aling Elena. Kumunot naman ang noo nito na parang nagtataka ito sa mga sinabi niya.

"Sikat? Kaya ba nasa TV ang anak ko?" tanong niya. Tumango naman si Chloe at itinuro ang mga fans at press na nakapalibot sa main entrance. Nanlaki ang mga mata nito.

"Ibig sabihin, artista na ang Ezekiel ko?" hindi na nito napigilan ang pagluha. Nakaramdam si Chloe ng awa sa isang ina na nangungulila sa anak. Hindi niya maiwasang maihambing ang sarili niya kay Aling Elena. Nangungulila rin kasi siya sa kanyang mga magulang. Ipinaliwanag niya rito na nakaalis na si Zeke at hindi pa alam kung kailan ito babalik. Nagpasya syang ihatid na ito kung saan siya nakatira. Habang nasa biyahe, hindi maiwasan ni Chloe ang tanungin si Aling Elena kung paano sila nagkahiwalay ni Zeke at ng ama nito.

"Sa totoo lang hija, ngayon ko nalang ulit sasariwain ang mga nangyari. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong sisihin kung bakit kami nagkahiwa-hiwalay eh."

sabi ni Aling Elena kay Chloe. Ipinakita ni Chloe na handa siyang makinig dito para malaman ang side nito.

END OF CHAPTER 41

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon