Mai's PoV
My usual routine. Gising sa umaga, Pasok sa trabaho, uwi at tulog. Minsan nakakasawa na rin ang ganitong buhay. Ay grabe, ang drama naman masyado. Haha!
Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon. Buti nalang pinayagan ako ng manager namin na mag slacks. Ang totoo kasi niyan, ang mga babae ay dapat naka fitted na mini skirt. Mabuti talaga at malakas ako sa manager kundi paktay na. Tumingin ako sa wristwatch ko. Ala una na ng tanghali, malapit na ako ma-late. Nagpaalam na ako sa mga ka dorm ko. Pagdating ko sa cafe ay dumeretso agad ako sa staff room.
"Andyan siya sa labas ah." sabi ng isa sa mga katrabaho ko. Napakunot ang noo ko. Mukhang kilala ko na kung sino ang sinasabi niya pero nagtanong pa rin ako para sigurado.
"Sino?" mahinahon kong tanong.
"Si Sir Trevor. As usual." the hell. Siya nanaman. Kailan ba niya ako titigilan? Ang kulit! Kung nagtataka kayo kung sino siya, siya lang naman ang makulit na customer namin na nangungulit sa akin. Hindi ba malinaw sa kanya kung ano ako? Hindi kami talo no! Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako. Napatingin ako sa pwesto niya. Busy siya sa pag la-laptop habang nagkakape. Napailing lang ako at nagtungo na sa counter.
Ilang saglit lang ay nakita kong isinara niya ang laptop niya. Tumayo siya at nagtungo papunta sa akin, sa counter.
"I've been waiting for you." sabi niya. Dyusko Lord! Pigilan nyo po ako. Babanatan ko na ang lalaking ito eh.
"Good afternoon Sir, may gusto pa po kayong i-order?" mahinahon kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya at nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"You." matipid niyang sagot. Napakunot naman ang noo ko. Nakakairita na. Masasapak ko na talaga ang lalaking ito eh.
"Sir, kung hindi na po kayo bibili, pwede na kay—"
"Sige, bibili ako. In one condition." sabi niya. Ano nanaman kaya ang kondisyon ng lalaking ito? Tss.
"Ano naman?" sabi ko habang naka cross arms.
"Mag date tayo." sabay kindat sa akin. Ang yabang lang diba?! Kaasar. Ano tingin niya sa akin? Cheap?
"Sir, hindi pa ba obvious? Hindi tayo talo!" medyo napaangat yung boses ko kaya biglang lumapit ang manager namin. Napasapo naman ako sa noo ko. Patay! Baka masuspinde ako ng de-oras.
"Excuse me? Sir? Mai? May problema ba dito?" mahinahong tanong ng manager namin. Napayuko lang ako sa sobrang hiya.
"No. Were fine. Hindi ko lang kasi masyado marinig yung sinasabi niya kaya pinalakas ko sa kanya yung boses niya. I guess, napalakas yung voice niya." sabi ng hambog na lalaki sa harap ko. Aba, may silbi pa rin naman pala ang lalaking ito. Hindi na kumibo ang epal naming manager at umalis na rin.
"Youre Welcome, so i'll pick you up later at 4? See you!" hindi na ako nakasagot pa dahil tumalikod na siya at naglakad palayo. Tsk! Mag undertime nalang kaya ako? Kaso ang daming customers ngayon. Tiyak akong hindi papayag ang manager. Alam din nya na 4 ang out ko? Ang tibay ah!
Napakabilis lang ng oras. Fifteen minutes nalang alas kuwatro na. Napailing nalang ako nung dumating na yung karelyebo ko. Tsk!
Nagpunta na ako ng staff room para makapagbihis.
"Sayang naman ang ganda ng buhok mo, Mai. Tinatago mo lagi sa bonnet." sabi ng isa sa mga katrabaho ko.
"Mas astig tignan kapag nakabonnet. O sya, una na ako sa inyo ah." kinuha ko ang bagpack ko at sa employees entrance na ako dumaan para makasalisi ako sa kumag na Trevor na yun. Pero mukhang mali ang diskarte ko ngayon. Tss!
"Hey." nakasandal pa ang kumag sa pader habang nakapamulsa. Pakiramdam niya, gwapo na siya sa hitsura niya ngayon. Tsk!
Inirolyo ko lang ang mga mata ko at dinaanan ko lang siya. Sino ba siya para pag aksayahan ko ng oras ko diba?
"Ahh ganon ha? Snob? I guess, kailangan ko na sabihin sa manager nyo yung totoo. Na pinagtaasan mo ako ng boses kanina." napahinto ako sa sinabi niya. Aba! At ngayon, blackmail-an na pala ang labanan.
"Ano po ba kasing kailangan mo sa akin?" tanong ko.
"Sabi ko nga sayo kanina, just a date. With me."sabi niya. Hay nako. Para matapos na ito, pumayag na ako. Sa hitsura palang niya, mukha na talaga siyang mayaman. Sa isang fine dining restaurant niya ako dinala. Iba ang ambience ng lugar. Mukhang hindi bagay ang suot ko ngayon sa resto na ito. Naka bonnet, black shirt, maong pants at sneakers ako ngayon. Samantalang ang mga nandito ay mga naka formal ang suot. Nag aalangan talaga akong pumasok.
"What's wrong?" tanong niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Patanong tanong pa siya alam ko naman na alam niyang hindi ganito ang trip ko eh.
"Uuwi na ako. Ayoko dito." Tinalikuran ko siya. Agad naman niya akong hinabol.
"Okay. Saan mo ba gusto?" tanong niya. Hmm, Kung ako ang tatanungin, alam na. Bahala siya sa buhay niya. *evil laugh*
"Doon!" tinuro ko ang maliit na turo turo sa tapat ng resto. Nakakatawa ang hitsura nya ngayon. Sa tingin ko, hindi pa siya nakakakain sa mga turoturo. Haha! Napalunok talaga siya nung sinabi kong doon kami kakain.
"Fastfood pa, pwede. But there? Safe ba yan?" sabi niya. Ang arte! Akala mo naman ikamamatay niya yung pagkain ng turo-turo. Parang hindi tunay na lalaki. Hahaha!
"Bakla ka ba?" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Medyo na co-convince na siya.
"Aba! Hindi ah! Oh sige, Tara! Pero kapag sumakit ang tiyan ko sa mga pagkain na yan, sagot mo pang ospital ko ah!" sabi niya. Bahala siya! Basta ako nagpunta na sa turo-turo. Nakita ko sa gilid ng mata ko na sumusunod na rin siya.
Inabot ko sa kanya ang isang stick ng isaw. Parang nandidiri siyang kinuha ito sa akin. Ang arte ah! Naalala ko nung si Zeke ang isinama namin ni Chloe sa ganito, nag enjoy siya at hindi ganito ang reaction niya. Nakakamiss din ang mokong na artistang yun. Okay, balik tayo sa kulugong ito. Palibhasa ay mukhang anak-mayaman kaya parang hindi sanay kumain ng streetfoods. Nang kumagat na siya ng konti sa isaw niya ay titig na titig ako sa reaksyon niya. Hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya.
"Hmm.. Masarap naman siya. Ayos to ah!" kumagat pa siya ng isa.
Ilang minuto lang ang nakalipas, hindi na namin namalayan na nakakaraming sticks na pala kami ng isaw.
"Oh, subukan mo naman itong Kwek-Kwek. Nakakasampung stick ka na ng isaw eh." sabi ko, sabay abot ng maliit na mangkok na may lamang kwek-kwek. This time, hindi na siya nag hesitate. Aba! Mukhang nasasarapan na sa pagkain ang kumag. Hahaha! Nakakatuwa din pala ang taong ito. Parang batang walang muwang sa mundo. Sa totoo lang, gwapo naman siya. Kung pagkukumparahin sila ni Pareng Zeke, hindi sila nagkakalayo ng kulay. May pagka chinito nga lang ang isang ito. Pero hindi naman siya mukhang chinese or korean. Aba! Teka?! Bakit napunta ako sa mukha niya! Eh ano naman kung gwapo siya? Kung naging lalaki lang ako, malamang mas gwapo pa ako sa kanya noh. Hahaha!
END OF CHAPTER 43
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Fiksi RemajaPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...