Chapter 21: Badboy

2.2K 56 0
                                    

Zeke's POV

Bakit ang tagal ni grossy girl? Hindi kaya tinakasan na ako nun? Aba! Yari talaga siya sa akin kapag nagawa niyang tumakas. I'm about to go downstairs para hanapin siya nang biglang may kumatok sa pinto. Sumilip ako sa isang small hole sa pinto. Its her. Binuksan ko ang pinto. I stared at her for a moment.

"What happened to you?" i asked her. Inirapan lang niya ako at nilagpasan. Pumasok na siya dito sa loob kaya sinara ko na ang pinto.

"Tinatanong mo kung ano ang nangyari sa akin? Muntik lang naman akong mamatay sa baba. Iniwan mo kasi ako." she yelled. Ang bagal naman niya kasi kumilos. At sino siya para hintayin ko pa. Zeke Anderson will wait for no one.

"Tapos ka na? Magluto ka na." i said. Then i sit down on my couch and opened my laptop. Nag log in ako sa aking facebook account. Nanlaki ang mata ko sa nakita kong nakapost na picture.

[Zeke Anderson's Rumored Girlfriend spotted at the hotel where he is staying]

Ang bilis naman ng mga netizens na ito. So, i decided to share this picture. I need to clear that she is not my girlfriend. In just one minute, i gained 1k+ likes and 200+ comments saying that they're happy that i'm still single-blah..blah.

"Paano ako magluluto, Brat?! Wala ka namang stock na frozen foods dito. Sibutmyas at bawang nga wala eh. Anong kalokohan to?" she yelled again.

"That's not my problem anymore." i said. Am i too hard on her? Nah.. Bagay lang sa kanya yan. Pinahirapan din naman niya ako nung nasa dorm ako eh. Inirapan lang niya ako.

Maya-maya ay lumabas siya ng room. I didnt mind her. Baka didiskarte lang yun. Bahala siya.

Chloe's POV

Ano tingin niya sa akin? May magic powers? Magpapaluto siya tapos wala namang laman ang ref niya kundi isang pitcher ng tubig. Naisip kong katukin si Sir Tony sa kabilang kwarto para humingi ng pambili ng grocery items.

"Grocery items? Ay! Naiwan sa sasakyan. Namili na kami kanina bago ka sunduin eh. Sandali at ipapaakyat ko sa driver." sabi niya. Haaay... Salamat naman at hindi na ako baba para-

"Let her get it." biglang lumabas si Brat sa kwarto niya. Aba! Kailangan talaga ako pa ang bumaba dun? Aba, Matinde!

"Ano? Kung alam mo lang kung ano ang nangyari sa akin kanina! Masyadong wild ang fans mo no! Ayoko!" tanggi ko. Sobra na yata yun. Kung nakaligtas ako kanina, baka ngayon mapugutan na ako ng ulo.

"Ayaw mo? Okay, madali naman ako kausap. By the way, i already have your brother's number." ipinakita niya sa akin ang phone niya na may nakasave na number ni kuya. Number nga ni Kuya ang nakasave doon. Paano niya nakuha yun? Ibang klase talaga 'to. I have no choice but to follow him. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Okay fine. I'll go get it. In case hindi na ako makabalik ng buhay, just call my kuya Carson. Pakisabi sa kanya, ang gusto kong bulaklak sa lamay ko ay Pink Orchid." i said. I tried my 'makonsensya ka' powers. Pero mukhang walang effect. Hanggang sa makasakay na ako ng elevator ay hindi pa rin siya nakonsensya sa sinabi ko. Hmmmm. Pusong bato naman masyado ang brat na ito. Pagbaba ko sa ground floor ay sa likod na ako dumaan. Hinanap ko kung saan ang nakaparada ang kotse nila brat. Dahan dahan pa ako sa pag lalakad nang biglang may tumapik sa akin.

"Ay! Kabayo ka!" napa cover-of-mouth gesture naman ako. Yung hotel guard lang pala.

"Anong ginagawa nyo dito, Ma'am?" tanong niya.

"Eh guard, nakita nyo ba yung kotse ni Zeke Anderson? Uhm, naiwan ko kasi yung mga groceries doon eh." sabi ko.

"Eh ma'am, Kakaakyat lang po ng driver nila. Dala ang mga grocery items." parang gusto kong magwala sa sobrang inis ko. Kaagad akong bumalik sa kwarto ni brat para awayin siya. Pagpasok ko sa kwarto niya ay agad ko siyang binulyawan habang prenteng prente lang siya sa panonood ng TV.

"Hoy Spoiled Brat! Nananadya ka ba talaga ha?" sabi ko. Aba! Hindi man lang niya ako pinansin at tinignan ah.

"Kinakausap kita kaya humarap ka sa akin!" pinatay niya ang TV at humarap sa akin kagaya ng inutos ko sakanya. Marunong din pala umintindi ang brat na ito.

"Tapos ka na? If yes, magluto ka na. I'm hungry." sabi niya. Kita mo 'to! Nakakainis na talaga! Naku! Kung hindi lang ako nasa ilalim ng pangbablackmail niya, kanina ko pa ito sinabunutan. Sinimangutan ko siya at nagpunta ako sa kusina. Binilisan ko ang pagluluto dahil gutom na rin ako. Naisip kong adobong manok nalang ang iluto para mabilis. Nang matapos ako ay inihain ko na sa mesa at tinawag ko na siya.

"Oh? Why are you standing there like a rock? umupo ka na kaya. Hindi ka ba nagugutom?" sabi niya. Hmmm... may konting awa pa rin pala ang lalaking ito eh no. Kumuha ako ng kubyertos at umupo sa harap niya. Tinignan ko ang reaksyon niya sa niluto ko. Mukhang nagustuhan naman niya dahil hindi siya umiimik, o baka naman gutom lang siya kaya pinagtiya-tiyagaan nya ang luto ko. Kumuha ako ng para sa akin at tinikman ko. Pasok naman sa panlasa. Maya-maya ay pumasok si Sir Tony kaya niyaya ko siya na sabayan na kami sa pagkain.

"Infairness Chloe, ang sarap ng adobo mo ha. Ganitong ganito ang adobo ng mommy ni-" napatingin siya kay Zeke. Napahinto naman ang isa sa pagkain. Bigla niya siguro naalala ang nanay niya. Bigla nalang siyang tumayo sa kinauupuan niya at nagpunta sa sala.

"Pasensya ka na kay Zeke ha. Mabait naman ang batang iyan. Medyo kulang lang kasi sa pagmamahal ng magulang." sabi ni Sir Tony.

"Okay lang po. Ano po ba kasi nangyari sa mga magulang niya?" pag uusisa ko. Gusto ko rin malaman ang buhay niya. Para kasing may pinagdadaanan din siya sa kabila ng kasikatan niya.

"Nagkahiwalay ang mga magulang niya noong bata pa siya. Ang alam ko ay dapat paalis na sila nun papuntang america. Pero bigla nalang nawala ang nanay niya nung mismong araw ng alis nila. Ayun, simula nun hindi na niya nakita ang nanay niya." kwento ni Sir Tony. Nakakaawa naman din pala ang buhay niya. Nakakarelate din kasi ako sa mga kagaya niyang nasa broken family. Pero ang sakanya kasi ay hindi na niya nakita ang nanay niya at sobrang busy naman ang tatay niya na halos hindi na niya nakakasama.

Pagkatapos kong magligpit ng kinanan sa kusina ay pinuntahan ko si brat sa sala.

"May ipagagawa ka pa ba?" tanong ko.

"Wala na. Sige. Pwede ka na umuwi." sabi niya in a straight face." sabi niya. So, sinunod ko nalang siya sa sinabi niya. Nagpaalam na ako kay Sir Tony pero pinigilan niya akong umalis.

"Chloe, dito ka na magpaumaga. Sumabay ka nalang sa akin bukas. May meeting ako sa TBN ng 10 am. Alas nuebe na ng gabi oh. Doon ka na sa room ko matulog, dito nalang ako kay Zeke." sabi niya. Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko. 9:15 pm na nga eh. Buti nalang may extra akong damit na dala kaya pumayag na rin ako. Pagpasok ko sa kabilang kwarto ay ni-lock ko ang pinto at ipinatong ko ang bagpack ko sa mesa. Since wala akong pantulog, eto nalang ang ipapangtulog ko.

Its been a long day for me kaya parang pagod na pagod ako at inaantok na. Saglit lang ay nakatulog na rin ako.

END OF CHAPTER 21

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon