Zeke's POV
After my performance, i look at Grossy girl's direction. Bakit katabi nanaman niya ang headwriter na yun? Ano bang meron sa kanilang dalawa? Wait?! Bakit ba ako naiinis kapag tinitignan ko sila? Wala naman talaga akong pakialam sa kanilang dalawa eh.
I went straight to the backstage para magpalit ng damit. I remove my top at ipinunas sa pawis kong katawan ang tshirt. Napansin kong ako lang ang mag isa sa tent. Well, what do i expect? I'm the last performer sa event na ito.
"Hi." someone said. Medyo nagulat ako.
I turn around. Its Sue.
"Hi. Did you enjoy the show?" i ask her while fixing my things. I notice that she's looking at my body since wala akong suot na top.
"Honestly, bitin ako eh." she said. Honestly, medyo naiilang ako sa ginagawa niya ngayon.
"Hey, Hey.. Are you flirting with me?" i frankly ask her. She just smiled at me. So, i push her away. Hinanap ko ang bag ko sa paligid pero bakit wala dito? Saan ko nga ba nilagay yun? Argh!
"Why? Ayaw mo ba? You know what, wala pang tumatanggi sa akin dito!" she said. I dont know, its just that i'm not like other guy na tinutukoy niya. Kahit lumaki ako sa bansang may liberated na culture, meron pa rin akong paggalang sa mga babae like a true blue filipino men does. I'm about to go outside nang bigla niya akong hinila at hinalikan. Ang higpit ng hawak niya sa akin ngayon. Its been awhile since may hinalikan akong babae. Then i heard someone na pumasok sa tent. Agad kong inalis ang mga lips ko kay Sue.
We both look at the entrance of the tent.
"Chloe..." i uttered. Bakit parang nakaramdam ako ng guilt? I dont know pero i feel like i have to explain this to her. I look at her face, bakit parang disappointed siya? And she's holding my bag. Now i remember, pinahawak ko nga pala sa kanya ang bag ko kanina.
"Brat.. I mean Zeke. Y-Yung bag mo nga pala. Sige. Sorry sa abala." she said. Bigla siyang tumakbo. I dont know but my feet suddenly runs by itself towards her direction. I really cant explain my feelings right now. Hinanap ko siya sa labas pero wala na siya. I even asked the staff na nagliligpit sa stage kung nakita nila si Chloe, they said no. Bumalik ako sa tent para kunin ang gamit ko. Sue's still there.
"Do you like her?" she asked in a calm voice.
Sa totoo lang, i really dont know either.
"I dont know. Look, Sue. You're beautiful, your hot, masaya ka naman kasama pero hindi lahat ng lalaki pwede mong makuha gamit ang looks mo." i said. Napayuko lang siya. I have nothing to say to her kaya umalis na ako ng tent. Sinubukan kong tawagan si Chloe pero hindi siya sumasagot.
Pagdating ko sa Villa ay nasa sala silang lahat.
"What happened?" i asked.
"Mauuna na raw umuwi si Chloe. Sinundo siya dito ng Kuya niya. Mamayang madaling araw daw ang alis nila." Mai said.
She's really that Mad? Right now, im really confused. Dumeretso ako sa kwarto namin ni Tony para magpahinga. Its been a long day for me. Bukas ko na iisipin ang mga bagay na ito.
Chloe's POV
I've decided na sumabay nalang kila Kuya sa pagbalik ng Manila. Parang hindi ko kayang makita pa si Zeke. Alam ko wala akong karapatan na maramdaman ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko mapigilan eh. Gusto kong maiyak tuwing naaalala ko ang nakita ko. Hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako ng Cabin namin ni Kuya. Umupo muna ako sa may buhanginan malapit sa dagat. Nakakawala ng sama ng loob ang tunog ng dagat. Humiga ako at pinakinggan pa ang tunog. Pumikit din ako para mas maramdaman ko pa ang hampas ng alon.
"Miss. Bawal matulog dito." boses ng isang lalaki. Napabangon ako bigla sa gulat ko.
Si Seth lang pala. Tinawanan niya ang reaksyon ko. Tapos umupo siya sa tabi ko.
"Grabe ka naman Seth. Akala ko kung sino." sabi ko sakanya sabay tapik sa braso niya.
"Sana pala kinunan ko ng Video yung reaction mo. Super funny as in." sabi niya habang hawak ang tiyan sa kakatawa. Maya-maya ay tumigil na rin siya. Napansin niya sigurong ang layo na ng tingin ko.
"Sino iniisip mo?" tanong niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Sino agad? Hindi ba pwedeng 'ano'?" sabi ko.
"Ang mga mata mo na kasi ang nagsasabi na hindi bagay ang iniisip mo, kundi tao. Si Mr. Famous ba?" nakangiting sabi niya.
"Mr. Famous talaga? Hindi no! Bakit ko naman iisipin ang brat na yun. Wala siyang halaga sa akin no. Kinaiinisan ko nga yun eh." sabi ko at nagcross arms ako.
"Alam mo ba yung kasabihan na The More You Hate, The More You Love?" tanong niya.
Ofcourse i know that. Pero hindi yun applicable sa amin ni Zeke. Yes, i hate him pero i dont love him. Asa naman sya.
"Hindi totoo yan. Bakit ikaw, hindi naman kita hate pero gusto kita." ooops! I didnt mean to say that. Ano ba yan! Chloe! Ano ba pinagsasasabi mo jan! Umiwas ako ng tingin kay Seth. Pero naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko.
"What?" sabi niya.
"Wala na. Wala ng ulitan." ginaya ko ang sabi niya sa akin kagabi.
"Kahit hindi mo ulitin. I heard it, loud and clear." sabi niya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap niya sa kanya. Kahit nakaharap na ako sa kanya ay hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya pa rin ako eh.
"Look at me. Honestly, i like you too. Mabait ka, you're pretty, matalino, i think nasa iyo na ang lahat. But—" sabi niya. Ay! Ano ba yan. Bakit may 'But' pa? Panira naman ng moment o!
"But?" tanong ko. This time, i'm looking straight at him.
"You're the little sister of my Bestfriend. Hindi kita pwede taluhin. You know what, we can be bestfriends if you want. A shoulder to cry on. Pwede naman diba?" he smiled. Napakabait talaga ni Seth. Iniisip pa rin niya si Kuya sa bawat gagawin niya. May karapatan ba akong tanggihan siya? Ang kapal nalang ng mukha ko kung gagawin ko yun.
"Oo naman. Bakit hindi." sabi ko. Then i hug him. Actually, i'm not inlove with him. He's just my crush, inspiration, hinahangaan, ganon lang. Kasi kung inlove ako sa kanya, masasaktan sa mga sinabi niya. Binasted niya kaya ako, masakit yun ah. Pero para sa akin, parang wala lang. Masaya pa nga ako kasi nagkaroon ako ng boy bestfriend sa katauhan ni Seth.
"Eh bakit nga pala naisipan mong sumabay na sa amin na umuwi? Diba sa monday pa ang uwi nyo? Kakarating nyo lang ah." tanong niya. Naalala ko nanaman ang nakita ko kanina. Nakakapagtaka lang, bakit mas nasaktan pa ako sa nakita kong ginagawa ni Zeke at Sue kesa nung i-friendzoned ako ni Seth? Argh! Ano ba ito??! Ay! Naghihintay nga pala ng sagot si Seth. Sabihin ko ba sa kanya? Eh baka makarating kay Kuya.
"Mag promise ka muna na hindi mo sasabihin kay Kuya." sabi ko.
"Promise. Cross my heart." nakangiting sabi niya. Nang makasiguro na ako ay kinuwento ko na sakanya ang lahat ng nakita ko at ang hindi ko maintindihang nararamdaman ko ngayon. Napangiti lang siya.
"For the second time Chloe Mariano, Are you in love with Mr. Famous?" sabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. I want to say no pero parang may pumipigil sa akin.
"Chloe? Ano?" this time, he's looking straight at me. Seryoso masyado ang mukha ni Seth.
"I'm...I'm..I'm—" i'm about to say what i really feel nang biglang may tumawag sa pangalan namin ni Seth.
"Seth?! Chloe?! Ano ginagawa nyo jan? Bakit hindi pa kayo natutulog?" si Kuya Carson lang pala. Agad kaming tumayo ni Seth at lumapit sa kanya. Inakbayan siya ni Seth at isinama sa amin papasok sa loob ng cabin. Napagisip isip ko na lumayo nalang kay Zeke. I think its the best thing to do para hindi na matuloy ang kung ano man itong nararamdaman ko sa kanya. I will not communicate with him anymore. Hindi na ako magpapakita pa sa kanya. Marami akong bagay na dapat pagkaabalahan. Doon nalang muna ako mag fo-focus.
END OF CHAPTER 26
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...