Chloe's POV
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakausap ko at nasa harap ko ngayon ang man of my dreams kong si Zeke Anderson. Binigyan niya pa ako ng problema. Ngayon, kailangan ko siyang tulungang makatakas sa maraming taong ito. Okay, matapos lang ito ay iiwanan ko na siya. Bahala na siya sa buhay niya. Kung gusto niya ay sa iba nalang siya humingi ng tulong.
Okay, this is it. Huminga muna ako ng malalim bago gawin ang ideya ko para madistract ang mga tao sa may entrance ng arena. Sheesh! Ano ba itong ginagawa ko? Wala pang nakapag utos sa akin ng ganito. No choice, andito na ako eh.
"KAYO JAN! ANDITO SI ZEKE ANDERSON!"
sigaw ko. Mukhang nakuha ko naman ang atensyon ng nakararami. Agad silang nagsitakbuhan sa may backstage door. Nagkagulo ang mga tao at ang iba ay pumasok pa sa loob ng backstage. Agad akong umalis doon at pabalik na ako kay Zeke nang makasalubong ko si Trinity.
"My gosh frend! Where have you been? Andoon daw si Zeke kaya lets go!" hinila niya ako pero pinigilan ko siya.
"Wala sya doon frend. I'm the one who shouted kanina. Gusto ko ma distract ang mga tao para makaalis si Zeke dito. I need your help. Natawagan mo na ba yung driver nyo?" sabi ko.
"Yes, infact he's already there at the parking lot. So, he's with you after ng last performance niya? Oh my gee! Ang swerte mo frend!" she says habang hinahawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Hay hindi rin. Come on let's go. Bago ba may makakita sa atin." hinila ko siya papunta sa pinagtataguan ni Zeke.
"What took you so long? Isang sigaw lang naman yun ah? Or nakipagkwentuhan ka pa? Didnt you know that my time cant be wasted?" bulyaw niya sa akin. Aba! Kung makabulyaw 'to wagas ah!
"Hey hey hey! Ayos ka rin eh no? Oh ano? Papamewang ka nalang ba jan o sasabay ka na sa amin sa pagtawid?" hinila ko ang estatwa kong bespren papunta sa parking lot. Nako! Kung nakilala niya ang lalaking ito nang mas maaga pa baka na turn off na siya sa ugali nito. Ang yabang kaya! Palibhasa ay laking america.
Pagdating namin sa parking lot ay dumeretso kami ni Trinity sa kotse nila. Napansin kong nakasunod pa rin sa amin si Zeke. Natulungan ko na siya ah. Ano pang gusto niya? hmmm...
"Yes? Ah magpapasalamat ka sa akin? Okay, you're welcome. Bye. Nice to meet you." sabi ko. I was about to to walk away nang magsalita siya.
"I'm not following you to say thank you. Sinusundan kita because i'll go with you." he's what? Siyempre tuwang tuwang ang bespren kong fanatic. But me, i'm also a fan pero kanina yun. Simula nung inutos utusan at sinigawan niya ako ay hindi na no.
"Frend! You're really lucky talaga! Huwag ka na kasi maarte frend! Dont miss the chance! Minsan lang kaya ito!" duh! Saan banda ang chance dito? Yes, i know that he's Zeke Anderson the international star, the famous guy, the hearthrob, etcetera etcetera. Pero ayoko sa lahat yung masungit at hindi gentleman na lalaki.
"Ayoko! Tinulungan ko na siya, okay na iyon." sabi ko. Agad akong pumasok sa loob ng kotse ni Trinity. Nagcross arms ako habang tinitignan sila sa labas. Tinted naman ang sasakyan kaya hindi nila nakikita na nakatingin ako sa kanilang. Aba nakuha pang makipag selfie ng fangirl kong bespren sa hambog na ito. Maya-maya ay napansin kong may paparating na mga tao. Papapasukin ko ba siya? Nakakaawa naman. Saka nakakahiya yung nangyari kanina noong tinakpan niya ang bibig ko. Eh kasalukuyan akong sumusuka nung mga oras na iyon eh. Malamang may didikit talaga laway sa palad niya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at pinapasok si Zeke. Habang si Trinity naman ay sa harap umupo.
Pinaandar na ng driver ang kotse at tuluyan na kaming nakaalis ng concert arena. Tahimik ang loob ng kotse. Mukhang tulog na si Trinity dahil sa sobrang pagod. At si Zeke naman ay nakatingin lang sa bintana.
"Hmm.. So, saan ka namin ihahatid?" sabi ko. Tinignan niya muna ako bago nagsalita.
"You're just like my manager, gusto nyo inuulit ulit yung sasabihin, diba i already told you that i'm going with you. Its not that i wanna be with you. Its just i need to do something here before i leave and i need you." sinamaan niya ako ng tingin. Kita mo tong lalaking 'to! Nako kung hindi lang kita crush dati eh! Tsk!
"Sa dorm lang ako nakatira. Wala kang lugar doon at saka masikip ang kwarto ko at mainit pa. Kay Trinity ka nalang makituloy." sinamaan ko rin siya ng tingin. Bakit ba? Siya lang ba may karapatan mang irap? Remember, nasa pilipinas siya at bisita lang siya dito. Ako, 19 years na akong nakatira dito. Kaya wag siyang loloko loko baka i report ko siya sa immigration! Hmmmp!
"Chloe, unahin ko na kayong ihatid ha. Tulog na kasi si Ma'am Trinity. Sa dorm diba?" sabi ni manong driver. Tsk! Ang laki naman ng problema ko ngayon. Paano ko ba i dedespatcha ang lalaking ito. Bahala na nga.
"Opo kuya. Sa dorm nalang." sabi ko.
Maya maya ay nasa dorm na kami. Patay na ang mga ilaw. Malamang tulog na sila. 1 am na ng madaling araw. Bumaba kami ni Zeke sa tapat ng gate ng dorm ko. Dahan dahan kong binuksan ang gate. Kinuha ko ang susi sa bag ko at agad na binuksan ang main door. Ang dilim ng paligid. Hindi ko naman pwedeng buksan ang ilaw. Baka magising sila. Buti nalang at nasa baba lang ang kwarto ko. Kasalukuyan akong mag isa dahil umalis na last week ang kasama ko sa kwarto. Double deck ang kama. Ofcourse sa taas siya matutulog. Syempre pwesto ko sa baba no. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto. Nagulat din ako dahil nakakalat ang mga maruruming damit at underwear ko sa kama. Nakakahiya!
"Is this a room of a woman? More like a room of a prisoner. Hahaha!" ah ganon? pagtawanan ba ako? Sige lang, Mr. Anderson. This is my place kaya walang art-artista dito sa kwarto ko. hmmm...
"Ahh ganon, pinagtatawanan mo ang kwarto ko? O sige, makakalabas ka na. Kwarto pala ng preso ah. O sige. Sa labas ka matulog!" sabi ko sa kanya.
"Come on, I'm just kidding. Ang gulo kasi eh. Parang hindi kwarto ng babae. This is the first time that i will sleep in a place like this, i guess i have no choice." napangiwi ito at humiga sa pwesto ko. Anak ng siopao naman oh! Arrrrgh! Lord! Ano ba ito? Eto na ba ang kaparusahan ko sa lahat ng mga kasalanan ko? Badtrip!
"Hoy! Tumayo ka jan! Pwesto ko yan! Dun ka sa taas!" hinila ko siya pero tinalikuran nalang niya ako. May naisip akong paraan para umalis siya sa pwesto ko.
"Hindi ka aalis? Sige.. H-Ha-Hahalikan kita! Oo! Kapag hindi ka umalis!" alam kong ayaw niyang halikan ko siya syempre. Alam kong aalis na siya. Bumangon siya at naupo. Pero parang may mali. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hawak niya ang aking pisngi. Nanginginig na ang mga braincells ko. At sumisigaw na ang mga hormones ko. Ano ba ito!
"Talaga? You can kiss me? Okay, go ahead. Kapag nagawa mo, aalis ako. Kapag hindi, i'll sleep here." he close his eyes and pout his lips. Napataas ang kilay ko. Mukhang ako yata ang nadenggoy ng hilaw na bangus na ito ah. Pero infairness talaga ah, ang kinis ng mukha niya. Tapos, ang tangos ng ilong at ang pula pula ng mga labi niya. Mukhang ang sarap ngang halikan. Bigla akong nagising sa ulirat. Tumayo ako at lumayo sa kanya. Then, idilat niya ang mga mata niya.
"What? Scared? Next time, wag kang talkshit ha. Goodnight." ngumiti siya at nahiga. Sa sobrang inis ko ay padabog kong pinatay ang ilaw. No choice ako but to sleep sa taas ng double deck bed. Napailing nalang ako sa sobrang pagkadismaya.
END OF CHAPTER 5
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Подростковая литератураPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...