Chapter 3: Yeah!

3.3K 85 0
                                    

Chloe's POV

This is it PANSIT!

Eto na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng concert ni Zeke my labs. Nanghiram pa ako kay Trinity ng damit para lang magmukha akong tao sa gabing ito. Wala kasing maaasahan sa mga damit ko. Halos lahat kasi ng nasa closet ay mga galing sa ukay ukay. Syempre, ayokong makita ako ni Zeke na mukhang losyang. Buti nalang nandiyan ang aking oh-so-yaman na bestfriend. The perks of having a rich bestfriend, Hahaha!
"Are you ready, friend?" tanong ni Trinity sa akin.
"Actually, kahapon pa. Lets go!" hinila kong ang kamay niya papunta sa kotse nila na sasakyan namin. Ihahatid kami ng driver nila. Pero bago kami pinaalis ng mommy niya ay katakot takot ang bilin nito sa amin.
"oh remember girls, dont talk to strangers ha. Tapos, after the concert itext nyo ang driver para masundo kayo. Then, walang tatakas ha. Diretso uwi. Clear? Okay, have fun."

Pero hindi pa jan natatapos ang mga habilin. Paalis na kami nang biglang humirit pa ito. At naloka talaga ako sa hinirit niya.
"On second thought, huwag na kaya kayong tumuloy? Kakausapin ko nalang ang mga connections ko para bilhin nalang ang isang araw ng Zeke na yan, at least hindi na kayo makikipagsiksikan pa. Makakabonding nyo siya dito sa bahay. What do you think?"

Nagkatinginan nalang kami ni Trinity nun. Ofcourse hindi kami pumayag. Kaya nga andito na kami sa kotse ngayon, and we are on our way.
"Ibang level si Tita Angie, frend. Hindi ko kinaya ang huling sinabi niya." sabi ko. Tumawa lang si Trinity. Mukhang sanay na rin siya sa mommy niya. Overprotective kasi ang parents niya sa kanya. Unica Hija lang kasi siya. Minsan ay nakakainggit ang mga katulad niya na may kumpletong magulang. Pero mababait naman ang mga magulang ni Trinity at parang anak na rin ang turing sa akin ng mga ito. Maswerte talaga ako sa bestfriend kong ito. Maya-maya ay nasa concert venue na kami. Ang daming tao sa labas ng arena. 7 pm palang kasi at 8pm pa ang start ng concert. Pumila na kami sa may entrance. Luminga linga kami sa paligid para tignan kung gaano na karami ang tao. Grabe, hindi ko na kinakaya ang sitwasyon ngayon. Ang ingay ng paligid. Sa kabilang banda ay may mga grupo ng fangirls. Pareho silang lahat ng suot na Tshirt na may mukha ni Zeke at may mga banners silang dala. Maya-maya ay pinapasok na ang mga tao. Pinauna ang mga VIP, at kami lang naman yun. Maayos kaming nakapasok sa venue. Mabuti naman at fully airconditioned ang arena kaya komportable ang mga audience. I checked my wristwatch, 7:45 pm na. Nakakamangha lang. Puno na ang buong concert arena. Iba talaga ang impact ni Zeke Anderson sa pilipinas.
"Frend, nakita mo ba sa paligid si Bruhildang Shari?" bulong sa akin ni Trinity. Oo nga pala! That backstabbing witch! Sabi niya pupunta siya ah. Luminga linga ako sa paligid ng VIP corner at hindi ko siya nakita. Konti lang naman ang seats ng VIP kaya imposibleng hindi ko siya makita. Confirmed! Wala ang bruhilda! Puro salita lang pala ang witch na yun. Dibale, mas okay na yung wala siya. At least, masaya ang gabi namin ni Trinity.

This is it. Nawala na ang background music at nag dim na ang lights. Kumakabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba.
"Ladies and Gentlemen, Lets Welcome on Stage, International Rockstar Hottie, ZEKE ANDERSOOOON!" sabi ng male voice over na gwapo rin ang boses. At yun na nga! Naghiyawan na ang mga tao sa buong concert arena. Papatalo ba kami ng bespren ko?

"I Love you, Zeke!" sabay naming sigaw ni Trinity.

Nang lumabas na siya ay lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan.

Ang gwapo niya sa kanyang hairstyle at ang kanyang outfit, wow. just wow. Tapos may nakasabit pang gitara sa kanyang katawan. Haay. Kung ako lang sana ang haharanahin nya.
"Are you ready guys! Lets do this!" sigaw niya then nag umpisa na siya tumugtog sa kanyang electric guitar. Alternative Rock ang genre niya. Lahat ng songs niya ay nag na number one sa top 100 chart. Haaay.... Kahit rock ang kanta ay para akong hinehele ng boses niya.

Nang matapos ang opening number niya ay nag spiel siya. Ang ganda talaga ng boses niya.
"First of all, i want to thank you all for coming here tonight. You know what guys, Philippines is so close to my heart. You know why? Because my mom's a filipina."

halatang marami ang na shock. You can hear the bulung bulungan of the audiences. Maging kami ni Trinity ay nagulat sa announcement niya. Ang alam namin ay manager lang niya ang filipino. So that's why filipino ang kinuha niyang manager. I get it now.
"Pero she left us when i was four. We used to live here dito sa pilipinas. But when she left us, my dad decided na sa New York nalang kami tumira." patuloy niya. Lumingon ako sa may gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong umiiyak si Trinity. Ang babaw lang ha. Tinapik ko siya.
"Sorry frend. Nadala lang ako sa kwento ni Zeke." sabi niya habang nagpupunas ng luha. Ako naman kasi ay hindi masyadong palaiyak. Sa sobrang dami na ng pinagdaanan ko sa buhay ay natuto akong maging matapang at matatag. Matapos ang heartwarming scenes ni Zeke ay kumanta siya ng lovesong.

Sumabay kami habang kumakanta siya. Ofcourse we know the song. Sa pagkakaalam ko ay siya ang gumagawa ng mga kanta niya. Napakatalented talaga. I considered him as the greatest poet since shakespear.

END OF CHAPTER 3

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon