Third Person
Third week of June na. Para sa mga students ng HAU, preparations na for Student Council Elections. Naglalabasan na ang mga campaign posters, trashtalks, at kung ano-ano pang propaganda. Dalawa lang naman ang political parties sa HAU kaya hindi nakakalito sa pagboto para sa mga estudyante.
At dahil pasikatan lang din naman ang pinaka unang tinitignan ng mga estudyante sa pagboto, naisip ng bawat partido na kunin ang dalawa sa pinaka bukambibig ng mga estudyante, sina Chloe at Zeke. Si Chloe kasi ang consistent outstanding student at ang kaisa isang academic scholar ng HAU. Walang hindi nakakakilala sa kanya. Si Zeke naman ay—alam nyo na yun. Isang famous international rockstar lang naman.
"Student Council? Bilang President Candidate? Seryoso ba kayo?" nanlaki ang mga mata ni Chloe nang kausapin siya ni Sydney, ang kapatid ni Seth at ang Campaign Manager ng Angelicumers Leading to Excellence or ALE.
"We picked you, because of your academic records at sa personality mo. Syempre we need someone na pwedeng tapatan ang pambato ng kabilang partido." Sydney said. Napakunot ang noo ni Chloe.
"Sino naman ang pambato ng ASA?" tanong niya kay Syd.
"Si Zeke Anderson lang naman." sagot nito. Napa cover of mouth naman si Chloe sa sinabi ni Syd.
"Si Zeke? Grabe, talo na tayo niyan Syd. Ang lakas ng hatak nun eh. Teka, pumayag na daw ba si Zeke?" tanong niya. Umiling lang si Sydney. Ibig sabihin ay hindi pa nakukumbinse ng kabilang partido si Zeke. Pag iisipan muna ni Chloe ang susunod niyang hakbang tungkol dito.
Samantalang si Zeke naman ay naguguluhan pa rin sa magiging desisyon niya. Nabalitaan niya rin kasi na posible niyang makalaban si Chloe.
"Dude. Mahirap yata yun. Ang dami ng achievements ni Chloe dito. And besides, matalino na ang botante ngayon. They know if you can achieve something." katwiran ni Zeke kay Greyson, ang Campaign Manager ng Angat Student's Alliance or ASA.
"Then show them what you've got. Na hindi ka lang puro perform on stage pwede ka rin sa public service. Come on dude, we need you on our team. Can i have your decision by tommorow?" sabi ni Grey. Zeke just nod and immediately leave his office para sa kanyang first class.
Nagmamadaling umakyat sina Zeke at Chloe papunta sa kanilang classroom. Sa kabilang hagdanan si Chloe at sa kabila naman ang isa. Nagkasubong sila sa gitna ng hallway. Pareho silang napahinto at tinignan ang isat isa.
"Hmmm... Bakit kaya ganyan makatingin ang lalaking ito? Akala mo kung sino." bulong ni Chloe sa sarili niya.
"What is she staring at? Siguro i look extra pogi today kaya napahinto siya nung makita ako." bulong naman ni Zeke sa isip niya.
Maya-maya ay nagbell na. Hudyat na ng pag uumpisa ng klase. Nagkaunahan sila sa pagpasok sa masikip ng pinto ng Classroom. Nagkagitgitan pa sila na naging dahilan ng kanilang iringan.
"What the?! Akala mo ang payat mo eh no?!" Zeke yelled at her. Tumaas naman ang kilay ng isa.
"Oo bakit?! Hindi ako mataba no! Bakit ikaw! Puro fats kasi yang braso mo!" sagot niya sa binata. Hanggang sa eto na ang pinagsimulan ng sagutan nila. Habang sina Andre, Trinity at ang mga kaklase nila ay nakatingin lang sa kanila.
"Hey! Hey! Are you two fighting?" biglang dumating ang prof nila para umawat. Sabay silang umiling at nagpunta na para sa kanilang assigned seats.
"Frend saan ka ba nanggaling? Bakit late kayo ni Zeke?" tanong ni Trinity kay Chloe.
"Kung iniisip mong magkasama kami, hindi. Galing ako sa opisina ng ALE. Kinukuha nila ako para tumakbo for Student Council President." sabi ni Chloe. Nanlaki naman ang mga mata ni Trinity at hindi nito napigilan ang pagtaas ng boses niya.
"ANO???!!!" bigla namang tinakpan ni Chloe ang bibig ng kaibigan niya. Napatingin ang buong klase sa lugar nila Chloe.
"May problema ba jan, Miss Chan and Miss Mariano?" pagsita sa kanila ng prof.
Umiling silang dalawa kaya naman nagpatuloy na sa pagsusulat ang kanilang prof.
Nang sumapit ang lunch time ay ikinuwento na ni Chloe ang nangyari.
"So, you're going to run for preshident?" sagot ni Andre. Lagi na itong sumasama sa kanilang dalawa tuwing lunch kaya naman lagi silang pinagtitinginan ng ibang mga estudyante.
"Hindi ko pa alam. Hindi pa ako nakakapagdecide eh." sabi ni Chloe.
"Alam mo frend, magandang record ito kapag nanalo ka. Mas makakatulong ito sa pagpasa mo ng application sa Wellington Academy of Fine Arts sa Canada. Diba pangarap mo yun?" Trinity said. Napaisip ng malalim si Chloe sa sinabi ng kaibigan. May punto nga naman ito. Medyo nakukumbinse na siya na tumakbo.
Maya-maya ay lumapit sa kanila si Zeke at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Trinity. Lalo tuloy pinagtinginan ang kanilang grupo.
Marami ang naiinggit at nangangarap sa pwesto nina Trinity at Chloe.
"Anong eksena mo, Brat?" sabi ni Chloe kay Zeke sabay irap sa binata.
"Masama ba makiupo? So, may decision ka na? Well, i have mine now." sagot niya.
"Tatakbo ka rin ba, Zeke? Sa ALE din?" tanong ni Trinity sa binata.
"Yes. Pero hindi sa ALE. Sa ASA." he smirked.
"You mean, you and Chloe can be competitors??" tanong ni Andre kay Zeke. Tumango lang ito sa kanya.
"And i'm going to make sure that you will not win against me." banta niya sa dalaga. Napatayo naman si Chloe sa sobrang inis. Tinitigan niya muna si Zeke bago siya nagsalita.
"Oh talaga lang ha. Well, let the battle begins. Kaya maghanda ka na Spoiled Brat." kinuha niya ang bag niya at naglakad palayo. Agad namang sumunod sa kanya sina Trinity at Andre. Napaisip bigla si Chloe sa binitawan niyang salita. Kakayanin nga niya kayang manalo sa pagka student council president laban sa isang Zeke Anderson?
END OF CHAPTER 32
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...