Chapter 1: The Big News

5.7K 115 0
                                    

Chloe's Point Of View

(One week before....)

"Kyaaaaaaaaaaaaaaah!"

Alam kong nabulabog ko ang tulog ng mga kapitbahay ko at ng mga kasama ko dito sa dorm pero sobra lang talaga akong nagulantang sa post na nabasa ko sa facebook fanpage ni Zeke Anderson.

"Will be at Manila, Philippines next week for the last stop of my world tour. Get ready, Manila. Mahal ko kayo!"

Oh diba? Last 5 minutes ago lang ang post pero nakaka 50,423 likes na ito at 5,453 comments. Aba, matinde! Kaagad akong nag check kung may binebenta ng tickets.

Nanlaki ang mata ko sa nakita kong ticket prices. VIP ay ₱15,000. Samantalang ang Gen. Admission tickets na parang wala lang dahil hindi mo na halos makita ang pinanonood mo, ay ₱3,500 naman. Mabigat pa rin. Hindi naman kami mayaman. Pang bayad nga lang dito sa dorm ko ay hirap pa kaming makahanap. Eh yun pa kayang 15k na concert ticket lang. Tsk. Bakit ba kasi ako pinanganak na di masyado mayaman. Nakakalungkot naman. Haay... Ni-logout ko na ang facebook account ko para maligo na. May pasok pa ako kaya kailangan ng kumilos. Konting lakad lang ay nasa Holy Angelicum University na ako kung saan ako ay isang 3rd year Fine Arts student. Yes, i love to paint and draw. May talent naman daw ako sa pag guhit kaya naisipan ko na eto nalang ang kunin kong kurso. Kasalukuyan akong may scholarship. I maintained my grades na matataas para hindi mag alanganin ang scholarship ko. Wala naman kasi kaming pera pang pa aral kaya naman sobra ang pasasalamat ko ng mabigyan ako ng scholarship ng university. Meron akong nakatatandang kapatid. Si Kuya Carson. Nagtatrabaho na siya ngayon sa isang TV Station bilang photographer. Nakagraduate din si Kuya dahil sa scholarship. Well, siya ang inspirasyon ko. Gusto ko siyang gayahin at maging successful tulad niya. Malamang ay nagtataka kayo sa mga pangalan namin kasi pang mayaman at sosyal ang peg.

Chloe at Carson Mariano.

Si Papa ang nagpangalan sa amin. Para kahit daw hindi kami mayaman, at least sa mga pangalan namin ay maging tunog mayaman man lang. Nakakalungkot lang kasi wala na si Papa. Huwag kayo mag alala, hindi pa siya patay. May ibang asawa lang siya. Ganun din si Mama. In short, kami nalang ni Kuya ang magkasama ngayon. Siya ang nagbabayad ng dorm fee ko habang nag aaral palang ako. Pagkagraduate ko ay napagkasunduan namin na sa condo unit na niya ako titira.

"Oy Chloe, dadating dito next week ang prince charming mo ha! Anong plano mo?" tanong ng isa sa mga ka dorm ko. Napasimangot ako. Naalala ko na wala na akong pag asa para makita si Zeke. haay.

"Wala. I already check the ticket prices. Nganga! Ang mahal. Cant afford." sabi ko. Kumibit balikat nalang sila at nagpatuloy kami sa pagkain ng almusal.

Maya-maya ay isa isa na silang nag alisan para pumasok sa school at ang iba ay sa trabaho nila. Pagkatapos ko kumain ay umalis na rin ako.

Habang nasa jeep, narinig ko ang dalawang babae na nagkukuwentuhan sa harap ko.

"Nakapagpareserve na ako ng ticket. Sa VIP ako. Ikaw?"

"Bukas na ako. Excited na ako makita si Zeke my love."

Nakakapanginig lang. Tinawag niyang 'my love' si Zeke ko. Sabagay wala ako magagawa, Zeke is a public figure. He's every girls's boyfriend. Ang dami kong karibal, inshort. Nang makita kong malapit na ako sa school ay bumaba na ako. Monday nga pala ngayon kaya ang haba ng pila sa entrance. Pati ba naman dito sa school yun pa rin ang topic? Lalo lang akong naiinggit. Hanggang makarating ako sa first class ko ay yun pa rin ang topic. As usual, bunganga nanaman ni Shari ang naririnig ko, ang mortal enemy ko. Ewan ko ba kung bakit galit na galit sa akin ang bruhildang ito. Wala naman ako ginagawa sa kanya. Kaya naman kinakasahan ko rin siya. Hindi ako papayag na mag pa api sa kahit kanino. Pagkaupo ko palang ay agad niya akong nilapitan.

"Oh look who's here. Ang aking beloved bestfriend. So, nakapagpareserve ka na?" tinaasan niya ako ng kilay. Magpapatalo ba ako? Edi tinaas ko rin ang akin. Pataasan ba? Sorry, hindi lang kilay ang mataas sa akin, pati height at grades ko. Kawawa naman ang batang ito, kilay lang ang kayang itaas. HaHaHa!

"Reserve what?" tanong ko.

"My god, Chloe! Hindi ka ba nagbabasa ng internet articles or nanonood ng TV? Zeke Anderson is coming to Manila. And i already have a ticket. How about you?" nagcross arms pa siya. Okay. Nanalo siya this time. Kahit anong gawin ko hindi naman talaga ako makakapanood ng concert ni Zeke.

Nag pout ako at nanahimik.

"Oh my, ibig sabihin ba niyan ay hindi ka makakanood? ooohhh.... Gusto mo kwentuhan nalang kita next week? Pero wag nalang pala, narealize ko na may mga mas importanteng bagay pa ang need kong gawin kesa makipagkwentuhan sayo." konti nalang talaga ay papatulan ko na ang bruhildang ito. Pero hindi, kailangan maging kalmado ako. Ayokong magkarecord ako dito sa university. That will affect my scholarship. Hindi isang bruhilda lang ang makakasira ng kinubakasan ko! Oh ha! Pang teleserye ba ang mga banat ko? Nakuha ko lang yan sa mga pinapanood ng mga dorm-mates ko.

"Tapos ka na? Magrereview pa kasi ako eh. Nakakaistorbo ka na." sabi ko.

"Yan nalang ang gawin mo sa araw ng concert. Just stick to your books. Have fun." inirapan niya ako bago siya umalis sa harap ko. Hindi naman kasi ako palaaway at mataray na tipo ng tao. Pero kapag nagigipit na ako, lalaban naman ako. Napabuntong hininga nalang ako.

Maya-maya ay dumating na ang aming professor at nagsimula na ang klase.

Nang sumapit ang dismissal ay naisipan kong dumaan ng library para magpalipas ng oras. 3 pm palang kasi. Masyado pang maaga para umuwi. Wala pa namang tao sa dorm kaya boring din. Pagpasok ko ng library ay may tumawag sa akin. Mahina ang boses pero narinig ko naman.

"Pst. Chloe, halika dito."

Si Trinity lang pala, ang aking bestfriend. Napangiti ako at agad na umupo sa tabi niya.

"Bakit hindi ka pumasok ngayong araw? Anong pumasok naman jan sa utak mo ah?" sabi ko sakanya. Ngayon lang naman ng cutting class si Trinity. Hindi naman niya ito gawain kaya nagtataka ako.

"Huwag ka maingay kina Mommy ha. Pumila ako sa bilihan ng ticket kanina. Finally, i've got the ticket na. Eto oh, VIP to baby, Hello Zeke next week!" excited niyang sabi sabay pakita sa akin ng isang ticket. Nakaramdam nanaman ako ng lungkot. Mukhang ako nalang ang walang ticket sa buong university ah. Sabagay, mayayaman ang mga estudyante dito sa HAU. Andito lang naman ako dahil sa scholarship kaya wag na akong magtaka.

"Friend, sorry ha. 20k lang kasi ang allowance na binigay ni Daddy ngayong buwan eh. Ililibre sana kita, alam ko naman kasing patay na patay ka kay Fafa Zeke." ang bait talaga ng bespren ko. Kaya mahal na mahal ko ito eh.

"No worries, friend. Okay lang ako. May livestream naman siguro sa internet. Doon nalang ako manonood." sabi ko. Pero deep inside talaga ay naiinggit ako sa kanilang lahat na meron ng ticket sa concert ni Zeke Anderson next week. Haaaay. Pahinge ngang lubid jan. Bigti nalang ako. Joke!

END OF CHAPTER 1

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon