Chloe's POV
Ang bilis ng araw. Parang kahapon lang ay first day of fourth year-first sem. Ngayon, friday na agad. Dahil wala akong klase bukas, matutuloy ko na ang ginagawa kong masterpiece entry para sa isang sikat na Art Museum sa Canada. Pag nangyari yun, matutupad ko na ang pangarap kong makapag masteral doon at magiging sikat na pintor na ako at magkakaroon ako ng sarili kong Art Gallery. Ang saya mangarap no? Libre lang naman eh, edi taas taasan na natin para rak! Hihihi...
"Hey Chloe. Uwi ka na?" kinalabit ako ni Andre. Tumango lang ako at naglakad na palayo. Samantalang nauna na si Trinity dahil may pupuntahan daw sila ng mama niya.
Si Brat? Pakialam ko dun! Ay! Oo nga pala! Friday ngayon! May tutor sessions nga pala kami. I forgot! Hmm. Bahala na. Puntahan nalang niya ako sa dorm kung interesado pa siya.
Pagdating ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto. Sinet up ko na ang pinaka stand ng illustration board ko at inilabas ko na ang painting materials ko. Nakita kong paubos na ang mga pintura ko. Tsk.. tsk.. Mahal pa naman ang mga acrylic paint ngayon. Konti nalang ang ipon ko.
My painting is about aiming high. Syempre inspiration ko ang naging buhay namin ni Kuya Carson na kahit anong mangyari kami pa rin ang magkasangga sa lahat ng hamon ng buhay. Bongga diba.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Si Mai lang pala. Pinapasok ko siya. Nakabihis pa siya ng uniporme niya sa trabaho at mukhang kararating lang niya.
"Astig niyan, tol ah. Mukhang karir na karir mo na ang canada mo ah. Iiwanan mo na ba kami?" sabi niya. Agad ko naman siyang inakbayan. Nagdadrama nanaman ang kaibigan ko.
"Tol, hindi pa nga sigurado kung maaapprove to eh. Chillax lang tayo. Sana nga lang matuloy para matupad ko na ang mga pangarap ko." sabi ko.
"Think positive lang. Ang ganda ganda ng painting mo oh. Sigurado ako pag nakita nila yan, ipapatawag ka nila agad." sabi niya. Yan ang gusto ko sa mga kaibigan ko. Pinapalakas nila ang loob ko. Kahit hindi man ako mayaman sa pera at luho, mayaman naman ako sa mga taong nakakaalala at sumusuporta sa akin.
"Salamat tol. Basta hindi ko kayo makakalimutan kapag nakaalis na ako papuntang Canada." sagot ko.
"Oo naman. Siya nga pala, kaya ako napadpad dito sa kwarto mo kasi sasabihin ko lang na may naghahanap ng sketch artist yung kaibigan ko. Doon sa may tabing ilog ang venue. Raket lang ito tol, pang dagdag na rin sa panggastos mo. Eto ang detalye at calltime. Sige, punta na ako sa kwarto ko ah." iniabot niya sa akin ang isang note bago siya lumabas ng kwarto ko. Binasa ko ang nakasulat sa note. Mukhang interesting naman. Whaaaaat?! Bukas ng umaga agad agad? Kakayanin ba ito ng schedule ko bukas? May tutor session pa kami ni Korean boy. Ano ba yan?! Ako na si Chloe, ang babaeng daig pa ang artista sa hectic na schedule.
Sayang naman ito. May bayad din ito at tama si Mai. Pwede ko ito idagdag sa aking allowance. Maiintindihan naman siguro ni Andre yun kapag sinabi ko sa kanya ang tungk dito. Teka, mabuti pa itext ko na siya ngayon para alam na niya.
[Hey Andre, its me Chloe. Wala tayong tutor sesh bukas ha. Sa Monday nalang ulit. Sorry.]
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Nagreply na siya.
[Why? May gawa ba ako kasalanan sayo?]
Sabi niya. Nakakalerki talaga itong koreanong ito. Ipinaliwanag ko sa kanya ang dahilan. Hinintay ko ang reply niya pero hindi na siya sumagot pa. Kaya itinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ko. Ipinagpatuloy ko nalang ang tinatapos kong painting. Medyo matatagalan pa ito dahil paubos na ang acrylic paints ko.
Kinabukasan ay maaga ako nagising para puntahan ang raket na sinasabi ni Mai. Hindi na niya ako masamahan dahil may trabaho din siya.
"You must be Chloe, dorm mate ni Mai? I'm Stella. Organizer ng event for a cause na ito. We sketch, paint for a cause and at the same time, may income naman yung mga artist pero hindi ganun ka laki ha." paliwanag niya. Tumango lang ako then pinapwesto na niya kami sa pwesto ng mga artists. Nakakaenjoy talaga ang isang gawain kung gusto mo ang ginagawa mo. Agree ba kayo?
Makalipas ang isang oras ay binigyan kami ng thirty minutes na break.
Naisip kong maglakad lakad muna sa paligid ligid. Sa may gilid ay napansin kong may nagkukumpulan doon ang ibang mga kasama kong pintor. Nilapitan ko sila para malaman kung anong pinagkakaguluhan nila.
"Ano pong meron?" tanong ko.
"Nagbebenta ng packed lunch si Ate. Ang bango eh. Mukhang masarap." sabi ng babaeng nakausap ko. Oo nga. Naamoy ko ang mga ulam na binebenta niya. Hinintay ko munang makaalis ang ibang tao bago ako bumili. Nang kumonti na ang mga bumibili ay saka ako lumapit sa mismong nagbebenta.
"Hello miss. Bibili ka?" nakangiting tanong sa akin ng babae. Ma edad na rin ang tindera pero bakas pa rin ang magandang mukha niya noong bata pa siya. Ngumiti naman ako at kinuha ang isang packed lunch. Hmmm... Adobo. Ang bango lang talaga. Inabot ko ang bayad ko sa babae.
"Saan ka uupo para kumain? Gusto mo tabi na tayo dito?" sabi ng tindera. Oo nga, lumingon lingon ako sa paligid ko, wala na ngang pwesto na pwede kainan. Umupo ako sa tabi niya.
"Salamat po ate." sabi ko.
"Aling Elena nalang. Ang gandang bata mo naman. Ilang taon ka na?" tanong niya. Wow naman. Hindi marunong magsinungaling itong si Aling Elena ha. Napangiti ako sa sinabi niya.
"19 po. Ako nga po pala si Chloe." sagot ko.
"Ikinagagalak kitang makilala. Halos kaedad mo lang pala ang panganay ko." sabi niya. Pero napansin kong naging malungkot ang mukha nya nung mabanggit niya ang tungkol sa panganay niya. Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako diba.
"Okay lang po ba kung tanungin ko kung nasaan na ang panganay nyo ngayon? Nasa...... andun na po ba?" sabi ko sabay turo sa kalangitan. Nanlaki ang mata ni Aling Elena. "Dyusmiyo, wala pa naman siguro. Dinala kasi siya ng tatay niya sa ibang bansa. Naku mahabang istorya, hija." sabi niya.
"Eh alam nyo po ba kung nasaan siya ngayon? Sinubukan nyo po bang hanapin siya sa ibang bansa?" tanong ko.
"Hindi na niya siguro ako kailangan ngayon. Ang ganda na ng buhay niya eh. At malamang galit siya sa akin ngayon." sabi niya. Nakakaawa naman itong si Aling Elena. Ewan ko kung bakit pero bigla ko nanaman naalala si Brat. May pagkakahawig din kasi ang buhay nila eh. Pwede pala yung ganun. Magkaibigang tao pero halos pareho ang storya.
"Ano nga po pala pangalan ng Anak nyo?" tanong ko.
"Ez—" hindi na natapos ni Aling Elena ang sasabihin niya dahil tinawag na ako para bumalik sa lugar namin.
"Nako, Aling Elena. Pasensya na po at kailangan ko ng umalis. Sana po magbenta kayo nito sa HAU." sabi ko. Para naman hindi na ako kailangang magluto pa ng baon ko.
"Ahh.. yung unibersidad ba? Doon ka ba nag aaral? Oo sige. O siya, mauna na rin ako at maglalako pa ako." sabi niya. Ako naman ay bumalik na sa pwesto namin.
END OF CHAPTER 30
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...