Third Person
Nakapagdesisyon si Chloe na umatras sa pagtakbo bilang Student Council president.
Since naunang nag backout si Zeke dahil sa biglaan niyang pag alis, wala ng ibang kandidato kundi si Andre. Kaya naman napagdesisyonan ng HAU election commitees na i-proklama na si Andre bilang bagong SC president ng schoolyear na ito. Marami ang nanghinayang kay Chloe dahil malakas din ang hatak nito at may pag asang manalo.
"Well, congrats Mister President." inextend ni Chloe ang kamay niya kay Andre. Agad naman itong inabot ng binata.
"You're welcome, my first lady." nagulat siya sa sinabi nito. Pero dinaan nalang niya sa tawa ang pagkabigla niya.
"Ikaw talaga! Palabiro ka talagang koreano ka." sabi niya. Pero seryoso ang mukha nito kaya natahimik din siya.
"I'm not joking Chloe. I still want to court you. Ngayong tapos na ang election, baka pwedeng ako naman ang mangampanya sa puso mo." hawak pa rin nito ang kanyang kamay. Pero unti unting tinanggal ni Chloe ang kamay niya sa pagkakahawak ni Andre.
"I'm sorry Andre. Pero, hindi pa ito ang tamang panahon eh." sabi niya na labis namang ikinadismaya ng binata.
"You're waiting for Zeke, right?" nakangiting sabi nito. Alam din niya na may gusto ang dalaga kay Zeke kahit wala itong sinasabi.
Napayuko lang si Chloe. Nahihiya siya kay Andre dahil napakabait nito sa kanya.
"Sorry talaga, Andre." iniwasan niyang sagutin ang tanong nito at naglakad na siya palayo.
Pauwi na si Chloe nang madaanan niya ang isang tindahan ng mga appliances. Nakadisplay kasi ang mga binebentang TV doon na nakabukas sa isang local channel.
Napahinto siya at napatitig sa screen ng TV. Nasa newsflash kasi si Zeke. Mukhang bumalik na ito sa pag peperform sa America.
"Zeke Anderson is releasing a new single." yan ang sabi sa headlines. Napangiti si Chloe. Naisip niyang kaya naman pala hindi na nakakapag email sakanya ang binata dahil busy na ulit ito sa kanyang career. More than three weeks na din ang nakalipas simula nung umalis si Zeke ng pilipinas. Ngunit mag iisang linggo na niya itong hindi nakakausap through skype. Wala na rin itong email or PM sa facebook. Ngayon ay alam na niya kung bakit. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ngayon ni Zeke. Isa itong international celebrity at sino ba naman siya para mag demand. Nagpatuloy na si Chloe sa paglalakad. Hindi niya maitanggi sa sarili niya na namimiss na niya ang binata. Pero nag iiwan siya ng email dito pero wala namang sagot. May times din na naka online ito sa skype pero hindi naman siya nito tinatawagan. At ang matindi sa lahat, seenzoned siya nito sa facebook. Minsan ay nagtataka na rin si Chloe sa inaasal ni Zeke pero likas talaga sa kanya ang pagiging optimistic at positive thinker kaya never siyang nag isip ng kung ano-ano.
"Baka naman iba na yan, Chloe. Seenzoned ka na kamo? Ay nako, bulag ka na ba? o sadyang nagpapaka engot ka nalang jan kay Tisoy?" bulyaw sa kanya ni Mai. Nagpout lang si Chloe habang tinatalakan siya ng kaibigan.
"Engot agad? Ang hard ah! Hindi ba pwedeng positive thinker lang talaga ako." sagot niya. Nag shrug lang si Mai sa sinabi ni Chloe.
Napaisip tuloy siya sa sinabi ng kaibigan. Paano nga kaya kung talagang kinalimutan na siya ni Zeke.
Chloe's PoV
Ang gulo gulo na ng utak ko sa kakaisip. Hay naku Chloe, magfocus ka muna sa pag aaral mo. Malapit na mag prelims kailangan kong magfocus sa pag aaral. Kaya pwede ba Mister Zeke Anderson, umalis alis ka muna sa utak ko. Ano ba yan! I'm actually talking to a poster na nakadikit sa wall ko. Tss. This is so not me.
Binuklat ko ang libro ko para magreview. Exams week na kaya focus focus din pag may time. Sa kalagitnaan ng pag aaral ko ay biglang nag ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Ang magaling kong bestfriend lang pala. Ano nanaman kaya ang chismis nito?
"Oh frend napatawag ka?" sabi ko.
[Frend! Like OMG talaga! Buksan mo yung TV nyo jan dali!] nagpapanic talaga siya, literally. Kaagad naman akong lumabas ng kwarto at ginawa ko ang sinabi ni Trinity. Nagpauto nanaman ako sa kaibigan kong ito. Pag bukas ko ng TV ay bumungad sa akin ang news flash.
"Half Pinoy International Rockstar na si Zeke Anderson, ENGAGED na sa anak ng isang pinoy businessman."
BOOM! its like a time bomb na sumabog nalang bigla sa harap ko. Ang sakit. Sa sobrang sakit ay nabitawan ko ang cellphone na hawak hawak ko. Parang biglang namanhid ang buong katawan ko. Ganito pala ang feeling ng heartbreak na sinasabi nila.
"Hala? For real? Yan na nga ba ang sinasab—" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Mai. Agad akong nagtungo sa kwarto ko. Ayokong makita ako ng ibang tao sa weakest times ko.
Nang mahimasmasan na ako ay lumabas ako ng kwarto. Agad akong niyakap ni Mai. Inabot din niya ang cellphone ko na nalaglag ko kanina. Sa ngayon, ayoko ng pag usapan ang tungkol doon. Malinaw na sa akin ang lahat ngayon. Ikakasal na si Zeke and that is why hindi na siya nagpaparamdam pa. Its crystal clear na.
"Chloe, okay lang yan. Hindi talaga siguro kayo ang para sa isat isa." sabi ni Mai. Isang malaking ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Ayokong sirain ang buhay ko sa kakaisip kung bakit nagawa ni Zeke na paasahin ako. Marami pang naghihintay sa akin. Sana nga lang ay sumagot na ang Wellington sa application ko para makamove on na rin ako. Oh diba? Welcoming my self to the brokenhearted's club.
END OF CHAPTER 45
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...