Chapter 47: Plan

1.7K 44 0
                                    

"So what's your idea?"

She asked me habang tinatanggal niya high heels niya. Ang awkward ng ambience para sa akin. Were in a closed door room na kaming dalawa lang ang tao. If i'm not mistaken, this is her room. Obvious naman sa pink na kama, walk in closet at mga gamit ng babae sa dressing table.

"Honestly, i really dont know. Paano ba sinabi sayo?" tanong ko sa kanya.

"I guess, the same way lang kung paano sinabi ni Tito Howard sayo." sabi niya. This time, ang make up naman niya ang tinatanggal niya. Medyo may pagka weird din ang babaeng ito. Pwede namang magbihis at mag ayos pagkatapos naming mag usap diba. Tss. Weirdo.

"So, ganun din ka-hard? With matching pagbabanta pa?" sabi ko. Napahinto siya sa ginagawa niya at tinignan ako. She raise her left eyebrows which reminds me of Chloe's habit. I miss her so much.

"Pagbabanta? Agad-agad? Ang OA lang ha! My parents wouldnt do such things." sabi niya. I sighed. Well, i guess my Dad is really different.

"Well, meet the other side of Mr. Howard Anderson. What if we talk to them nang sabay? You know, we both convince them na itigil na ang kahibangang ito." i suggested. She just shrugged and begins to unzip her dress, infront of me. I stand up to stop her. Nasobrahan naman ata sa pagkakomportable ang babaeng ito. Kagaya ng sinabi ko dati, hindi ako katulad ng ibang lalaki dito sa America.

"Would you mind? Hindi ko na abot eh." What the? She really want me to unzip her clothes? What is this? A trick? Well, it wont work.

"Are you tricking me? Well i'm sorry, its not gonna happen. I gotta go. My recording pa ako." i turned around and walked out the room. Ano akala niya? Papatulan ko ang gimik niya? Nah-uh. Not going to happen. Yes, i know. She's beautiful, sexy at mukhang mabait naman pero she's not the type of girl that i want to be with.

Third Person

Naiwang tulala si Candice sa kanyang kwarto. Napaupo sya sa kanyang kama at humugot ng isang malalim na buntong hininga.

"I guess he is different. Hindi man lang siya bumigay. I think i found my kind of guy." sabi niya sa sarili.

Samantala, nagmamadaling umalis si Zeke ng bahay ni Candice. Pinaharurot niya ang sasakyan pauwi sa mansyon nila. Dumeretso siya sa kanyang kwarto na doble ang laki kesa sa isang ordinaryong kwarto. May mga collections siya ng mga small action figures ng sikat na movie characters. Bawat isa nun ay nagkakahalaga lamang ng $5,000 or ₱215,000. Grabe lang. Lahat ng iyon ay galing sa pinagtrabahuhan niya. Sa endorsements, concerts, guestings, albums, recordings at kung ano-ano pa.

Wala naman talaga siyang recording ngayong araw, sinabi lang niya iyon para hayaan siya ni Candice na umalis. Desidido talaga siya pigilan ang kasal lalo na ngayong nakita niya ang ugali ni Candice. Lingid sa kaalaman niya, sinusubukan lang siya ng dalaga kung ano ang magiging reaksyon niya sa ganung sitwasyon.

Maya-maya ay nag ring ang telepono ni Zeke sa kanyang kwarto. It was their maid who called. Pinapatawag siya ng kanyang ama sa opisina nito.

"Ano nanaman kaya ang kailangan nya? Tsk." nagmadali siyang bumaba papunta sa opisina nito. Mahinahon siyang kumatok at pinapasok naman siya.

"Have a seat, son." sabi nito.

"Did i do something wrong?" he asked in a polite manner.

"Candice called. Just now. And i want you to know that—"

"Walang nangyari sa amin! I mean, nothing happened Dad! I came to her place just to.. uhm.. just to talk to her. She's the one who—"

"Hey Zeke! Calm down. I just want you to know that i'm proud of you, Son. Candice called, she said that your nice and such a gentleman. And she cant wait to be your wife. Thanks for doing this, son." napanganga nalang si Zeke sa sinabi ng tatay niya. Hindi niya alam kung ikatutuwa niya ba ang nangyayari ngayon. Good shot nga siya sa daddy niya ngayon, nagbago naman ang plano ni Candice na tumulong sa pag kansela ng kasal.

Nang makalabas siya ng opisina ng tatay niya ay napasapo nalang siya sa noo niya. Naguguluhan na siya sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya. Minsan ay sumasagi na rin sa isip niya ang pag alis siya showbiz pagka graduate niya pero tiyak na hindi papayag ang tatay niya sa binabalak niya. Dahil ang pagiging sikat niya ay isa sa mga alas ng daddy niya sa kumpanya. Dumadami ang investors nila dahil sa kanya. But he didnt like the fact that his father is using his name to gather more investors. Pero wala siyang magawa dahil wala siyang laban sa tatay nya.

END OF CHAPTER 47

--

Sorry for this "bitin" chapter.

Bawi tayo sa susunod na chapter :)

<3

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon