Chapter 50: Unexpected

1.9K 48 0
                                    

Chloe's PoV

Hawak ko ngayon ang isang envelope na pinadala ngayong umaga lang. Nanginginig talaga ako ngayon. Tirik na tirik ang araw pero parang ginaw na ginaw ako.

Wellington Academy of Fine Arts.

May logo pa nila. Inamoy ko pa ang envelope at amoy imported, amoy Canada! Kidding!

"Ano? Tititigan nalang ba natin yan? Ako na nga magbubukas!" biglang hinablot ni Mai ang sobre kaya nabalik ako sa ulirat ko. Nag agawan kami sa sobre pero binalik naman niya ito kaagad. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang envelope. May letter sa loob ng sobre na unti unti kong binuksan at binasa.

Miss Chloe Mariano,

We would like to inform you that you PASSED the qualifications as a scholar in our Masteral Degree in Fine Arts. Congratulations and See you soon!

Halos maiyak ako sa sobrang saya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sobrang saya. Kaagad akong nagpunta ng TBN para puntahan si Kuya at ipakita sa kaya ang sulat ng Wellington. Nanlaki ang mata niya at niyakap ako. Nakuha pa nga niyang magsisisigaw sa loob ng tahimik na Media room. Nagpalakpakan naman ang mga katrabaho nya at binati ako. Maging si Seth ay niyakap din ako. Nakakaflattered talaga. Proud na proud ang mga malalapit sa akin.

"I'm so proud of you Chloe." sabi ni Seth.

"Kapatid ko yan! Wooh! Wellington? Grabe! Ikaw na!" sabi naman ni Kuya. Nakakatawa talaga si Kuya Carson. Parang bigla siyang nagtransform from silent type to wakarang na palengkero kung magsisisigaw sa loob ng media room. Nakakahiya pero mababait naman ang mga katrabaho niya doon kaya okay na rin.

"Stay here. Pa out naman na kami ni Seth. We will celebrate this." sabi ni Kuya. Ngumiti lang ako at umupo sa isang sulok doon.

Maya-maya ay lumabas na rin sila kuya dala ang mga gamit nila. Hindi ko pa nga pala nababanggit sainyo. Na promote na si Kuya bilang news editor kaya naman nasa media room na siya nakaassign ngayon. Papa God, salamat po sa blessings nyo sa amin ni Kuya. Promise po namin sainyo na pagbubutihin namin ni Kuya. Fighting lang!

"Saan mo gusto kumain?" tanong ni Kuya.

"Kahit saan. Hindi naman ako choosy eh. Alam nyo yan." sabi ko.

"Ay! May alam akong masarap na fastfood sa tabi ng TBN. Magbubukas daw ngayon yun. Balita ko masarap daw ang burger nila dun." sabi naman ni Seth. Umagree naman kami ni Kuya sa suggestion niya kaya doon na kami kumain. Katabi lang naman ng building na ito kaya naglakad nalang kami.

Napansin namin na maraming tao sa labas nung sinasabing fastfood ni Seth. Napakunot ang noo ko. Ganito ba talaga kasarap ang burger nila kaya dinudumog sila ng tao?

"Bilisan mo! Baka hindi natin siya maabutan!" kilig na kilig na sabi nung babae sa kasama niya nung dumaan sila sa gilid namin. Abutan? Siya? Yung burger ba yung tinutukoy nila? Haha! Tumatakbo ba ang burger dito? Natawa ako.

Lumapit kami sa fastfood para makiusyoso. Parang familiar ang ambience ng fastfood. Tinignan ko ang mga poster na nakadikit sa salamin ng buong kainan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. That's why familiar ang fastfood na ito. Ito ang fastfood chain na ineendorso ni Zeke. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang bigla akong kinabahan. Ewan ko ba.

Hinawakan ko ang wrist ni Kuya.

"Sa iba nalang tayo." sabi ko pero tinawanan lang niya ako.

"Ano? Nagpaintimidate ka naman sa dami ng tao? Challenge yan no! Tara!" hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa entrance. Nagkakagulo ang mga tao sa loob. Palagay ko ay hindi napansin ni Kuya ang mga naglalakihang posters sa salamin dahil tuloy tuloy lang siya sa pag pasok sa loob.

Meron silang pinagkakaguluhan sa counter. Siguro naman hindi na burger yun. Ang O.A naman masyado kung nakikipagsiksikan sila para sa burger lang. Naisipan kong tanungin ang babae sa harapan namin kung ano ba talaga ang meron sa unahan.

"Sure ka hindi mo alam?" sabi niya. Tinaasan ko nga ng kilay. Aba loko ito ah! Kaya nga ako nagtatanong eh.

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Paki explain nga?" sabi ko. Gutom pa naman ako ngayon. Lakas makaloko ng tanong niya eh.

"Si Zeke Anderson lang naman ang nagbebenta sa counter." sabi ng babae bago tumalikod sa amin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lumingon ako kina kuya at Seth na busy sa pagtingin sa menu. Alam kaya nila? Kailangang makaalis ako dito bago pa niya ako makita.

"Kuya, Seth, sa iba nalang tayo kumain. Gutom na ako, ang haba pa ng pila oh." hinila ko sila palabas pero hindi sila sumunod at nagtaka pa sila sa kinikilos ko. Wala na ako panahon para magpaliwanag sa kanila. Kaagad akong tumakbo palabas ng fastfood.

"AHHH!" nagkamali siguro ako ng tapak sa pababang bahagi ng pinto ng fastfood. Nahulog at nadapa lang naman ako sa harap ng maraming tao. Nakita kong nahinto ang lahat sa ginagawa nila. Pati ang mga nagkakagulong customers ay natahimik at nakatitig sa akin. Pero parang nagblurd ang paligid nung makita ko si Zeke. Biglang bumilis nanaman ang tibok ng puso ko nung makita kong papalapit siya sa akin. Tinignan ko si Kuya. Papalapit din siya sa akin pero pinigilan siya ni Seth.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. All i see is Zeke Anderson, standing infront of me. Nakakahiya lang. Kung alam ko lang na mangyayari ito edi sana hindi na ako pumunta ng TBN. Tsk.

Dahan-dahan siya umupo ng paluhod. Nginitian niya ako. Napayuko lang ako. Pero hinawakan niya ako sa baba at inangat ang mukha ko.

"Ang magandang katulad mo ay hindi dapat nakayuko. You're just wasting your beautiful face. Chin up." hindi na namin maiwasan ang tignan ang isat isa. Lalo siyang pumogi sa clean cut hairstyle niya ngayon. At naging fresh siyang tignan ngayon. Dahil siguro, nagupitan ang ala rockers niyang buhok. Yun siguro ang utos ng magiging asawa niya sa kanya kaya siya nagpagupit at nagbago ng style. Hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan niya akong makatayo.

"Thanks." matipid kong sagot sa kanya. Lumipat ulit ang tingin ko kina Kuya at Seth. As usual, umuusok nanaman ang ilong ni Kuya. Eh botong boto siya kay Andre at allergic naman siya kay Zeke. Si Seth naman ay nakangiti lang sa amin. Palibhasa kasi ay alam ni Seth kung sino talaga ang tinitibok ng puso ko noon pa man. Naks! Haha!

"Anong gusto nyong kainin?" sabi niya. Hindi ako makasagot sa kanya. Hindi ko kasi talaga ineexpect ang pagkikita naming ito. Oo nga pala? Bakit andito ang mokong na ito? Akala ko ba ikakasal na siya? Posible kayang hindi natuloy ang kasal?

"Sige. Upo na kayo. Ako na maghahatid ng pagkain nyo at ako na bahala sainyo." sabi niya bago bumalik sa counter.

Ano naman kaya ang balak ng lalaking ito. Nagtungo ako kila kuya na nakaupo na sa bandang sulok ng fastfood.

END OF CHAPTER 50

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon