Zeke's POV
Tony and i decided to go back to the hotel. Pinili niyang samahan nalang ako dito sa philippines. Ang mga P.A ko nalang ang pinapabalik ko ng america para ayusin ang mga documents ko for this coming school year. Meron pa akong almost 2 months to prepare for the enrollment.
I'm planning to go back to that dorm, kaso bigla kong naalala ang nangyari noong isang araw. Alam na ng mga fans and reporters ang dorm na iyon. Baka pag bumalik ako doon, manggulo nanaman sila. Kaya mas mabuti nang dito nalang ako sa Hotel. Medyo boring nga lang pero at least safe naman.
Habang nanonood ng TV si Tony, i'm checking my private facebook account. As usual, laging 1000+ ang notifications ko. And almost 2000+ friend request. I dont accept friend requests ng mga hindi ko kilala. Speaking of friend request, tinignan ko kung inaccept na ako ni Grossy girl. Geez! Pending pa rin? Hindi ba siya nagbubukas ng facebook account niya? So, i check her profile.
"What a productive day! #Work – at Telerama Broadcasting Network"
Say what? She's now working? Kailan pa? Where's this Telerama Broadcasting Network?
So i ask Tony. Ahh... This is the network of the lame and corny noontime show. Yes, i've been there. Malapit lang ito dito sa hotel.
"Why did you ask?" Tony said.
"Wala naman. Uhm, wala ba silang invitation for guesting? or Live interview?" i asked. Its just my alibi para makapunta sa station na iyon. I want to see kung ano ang trabaho ni Grossy girl doon.
"Actually, marami silang offer. But wait, i thought you said na ayaw mo ng bumalik sa tv station na yun? What made you change your mind?" he asked.
"Wala naman. Eh since wala pa naman akong gagawin, i guess kailangan ko ng publicity diba." mukhang convincing naman ang dahilan ko kay Tony. Pinatay niya ang TV at kinuha ang cellphone niya.
"Okay, medyo okay naman yung idea mo, sige. I'll call the producer ng afternoon talkshow na nag ooffer na i guest ka." he said. Yes! i did it! Why am i so happy and excited? Damn! Calm down, Zeke. She's not that important para pag aksayahan mo ng oras mo. You're going back to that station para magtrabaho, not because of her.
"Okay, Man. Bukas daw ang taping ng talkshow. 1 pm ang calltime natin kaya mabuti pa, magpahinga na tayo para maaga tayo magising bukas." he said. I signed out my facebook account and shut down my laptop. Kailangan ko nang matulog para hindi ako mukhang zombie bukas. Goodnight, Philippines.
Chloe's POV
Sa guestroom ang magiging kwarto ko dito sa condo unit ni Kuya. Malapit ito sa TBN at pwede ako sumabay kay Kuya sa pag pasok kaya hindi hassle. Tahimik ang ambience dito unlike sa dorm na sobrang ingay at masaya. Haay. Parang nasa library ako sa sobrang katahimikan. Hindi naman kasi madaldal si Kuya Carson. Hindi rin siya pala kwento kaya naman nakakaboring. Hindi ko nga alam kung paano siya nanligaw kay Shari eh. Oh... speaking of Shari.
"Kamusta na kayo ni Shari?" tanong ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya.
"Bakit?" balik-tanong niya. Yung totoo? Magtatanungan nalang kami? Haay!
"Umalis na ba siya?" Yes. Makulit talaga ako. Oh ano? Nagpatira ka ng paparazzi dito sa condo mo! HAHA!
"Oo." matipid niyang sagot.
"Nagkabalikan ba kayo?" i asked.
"No. But, were now friends. So, okay na?" he said. Buti naman kung ganun. Ang sungit naman nito. Palibhasa kasi hindi inspired eh kaya bitter sa buhay. Haha!
Since bakasyon naman, tinangka kong hiramin ang laptop niya para makapag check ng facebook account ko. Himala lang dahil pumayag si Kuya. Yeahbah!
Geez! 25 friend requests? I check it. Hindi ko kilala ang mga ito, at karamihan ay fans ni Zeke. I decline all of them. Yes, mas mabuti nang sabihan nila akong snob kesa naman mabiktima nanaman ako ng cyber bullying. So, i deleted their request. Naiwan ang request ni Zeke. Haaay... ano bang gagawin ko dito? Should i accept him? Hindi pa rin ako makapagdecide hanggang ngayon. Hmm... sige, pending muna 'to. I check my notifications. Say what? Nanlaki ang mga mata ko sa unang nabasa ko.
[Ezekiel Romero Anderson likes your status]
He liked my last status? And because of that, maraming friends ko ang nag comment sa status na yun.
[Mai Diaz: Hanep tol! Ikaw na! - just now]
[Trinity Chan: Nice one frend! Ang haba ng hair mo ha! Isang Zeke Anderson ang nag like ng status mo ha! - 10 minutes ago]
[Shari Jimenez: Wow. Nice Move Chloe. Miss you already. Sayang we didnt get the chance to bond man lang bago ako nakaalis. I'm sorry again. - 25 minutes ago]
Maraming comments pa yan, pero tinamad na akong basahin ang iba. Yung iba masabi lang na nag comment. Lagpas singkwenta na ata at patuloy pang dumadami. Nakakatawa naman ang mga reaksyon ng mga ito.
Maya maya ay nag log out na rin ako. Kailangan ko ng matulog ng maaga. May pasok pa ako bukas at hindi ako pwedeng ma-late.
Kinabukasan, sabay kami pumasok ni Kuya. Inihatid niya muna ako sa department ko bago siya dumeretso sa opisina nila.
"Kamusta si Rapunzel Mariano? Haha!" tukso sa akin ni Trinity. Ano ba yan! Umagang umaga nambibwisit naman ito.
"Rapunzel ka jan! Kailan pa naging ganyan ang pangalan ko aber?! Ikaw talaga." i said then sinabayan ko ng cross arms para may taray look.
"Hay naku bespren. Sa haba ng hair mo, natatapakan ko na mula kanina sa tapat ng gate namin. Biro lang! Siya nga pala, narinig mo na ba ang bali-balita?" sabi niya. Balita? Ano nanaman kaya ang nasagap na chismis ng gossip girl kong bestfriend. Pero in fairness, bigla ako na curious sa sinasabi niyang balita ha.
"Zeke didnt leave the philippines. In fact, he's staying here in Manila for good. Narinig ko lang yan sa may lobby kanina nung papasok ako. At darating siya dito mamaya! Frend! Puntahan natin siya ha!" she insists. Fangirl talaga itong bestfriend ko kahit kailan. Napapailing nalang ako. Wait?! Did she said na pupunta siya dito sa TBN? What for? Guesting? Bibisitahin ako? My gosh Chloe! Huwag ka ngang ilusyonada! Bakit ka naman bibisitahin ng spoiled brat na yun?! Dapat magtago ako mamaya. Hindi dapat kami magkita.
Maya-maya ay sumapit ang lunch time. Papunta na kami ni Trinity sa canteen nang bigla ako ipatawag ni Ma'am Joya sa opisina niya. Bakit kaya? May ginawa ba akong mali? Wala naman siguro. Pinauna ko nalang si Trinity.
"Hi. Come in, Chloe. Maupo ka." she smiled. Mukhang hindi naman siya galit kaya medyo nawala ang kaba ko.
"Ma'am, pinatawag nyo daw po ako?" i asked her in a polite manner. Naks!
"Yes, Yes. Medyo kulang kasi sa staff ngayon ang The Boy Aquino Show. You know Seth Morales? Yung head writer ng show? Look for him at Studio 12. Then tell him na ikaw yung pinadala kong staff." kyaaaaaaaaaaaaaaa! Honestly, kung maririnig nyo ang sigaw ko sa loob ng isip ko ngayon, baka mabingi kayo. Kung suswertehin ka nga naman.
Kaagad kong ikinuwento kay Trinity ang sinabi ni Ma'am Joya.
"Studio 12 ba kamo frend? The Boy Aquino Show? Doon ang taping ni Zeke ngayon. By next week ata ipapalabas yung guesting niya. Tadhana na talaga ito frend! Ang haba na talaga ng hair mo ha. Biruin mo, nasa iisang studio kayo ni Zeke at Seth Morales. Frend, hands down na ako sayo. Grabe." sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Of all the show ba naman, doon pa kung saan naroon si Seth? Ano ba naman yan! Akala ko makakaiwas na ako. I guess kailangan ko maging professional this time.
END OF CHAPTER 17
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Ficção AdolescentePara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...