Masaya din pala kasama ang kumag na ito. Nagiging familiar na siya sa mga pagkain sa turo-turo. After namin kumain, naisipan niyang maglakad lakad since nasa may Manila Bay naman kami.
"Thank you for accepting my invitation." sabi niya. Tumango tango lang ako. Ewan ko ba pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Parang nakalimutan ko na ang ganitong pakiramdam simula nung—ah basta!
"You know what, kakaiba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Youre just simple, totoo sa sarili, walang arte sa katawan. And i like that." sabi niya. Bakit ganun? Parang bigla akong kinilig sa sinabi niya? Ano ba Mai! Hindi kayo talo niyan!
"Alam mo kasi, hindi tayo talo eh. Tignan mo ako, hindi ba obvious na tom—"
"Sshh.." tinakip niya ang kamay niya sa bibig ko pero tinanggal din niya agad. "Huwag mong sabihin yan. Kasi hindi yan ang nakikita ko. You know what, i think may nangyari lang sayo kaya naisipan mong baguhin ang sarili mo. Pero the truth is, hindi talaga yan ang gusto mo." patuloy niya. Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Totoo kasi eh. Simula nung niloko ako nung kaisa isang lalaking minahal ko, masasabi kong naging Man-Hater na ako. Hindi ko naman nilalahat ang mga lalaki pero ayoko na magmahal ng lalaki.
"P-Paano mo naman nasabi yan?" i asked him.
"In just one look. You see, hindi pare-pareho ang mga lalaki, Jamaica. Maganda ka at marami pang lalaki ang pwedeng mag mahal sayo. Kahit ako rin naman eh, niloko na rin ako ng babae, nagbakla ba ako? Diba hindi? Kasi hindi naman yun ang gusto ko." sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya. May point siya. Then, tinanggal niya ang bonnet ko. Lumantad sa kanya ang hanggang armpit kong buhok. Sinuklay suklay niya ito ng kamay niya hanggang sa umayos. Pagkatapos ay tinitigan niya ako at ngumiti siya. Hindi ko alam pero habang sinusuklay niya ang buhok ko, para akong naninigas sa kinatatayuan ko.
"See? Mas maganda ka kapag nakaayos ang buhok mo." naglabas siya ng maliit na salamin sa bulsa niya at iniharap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nanibago ako sa hitsura ko. Ilang taon na rin kasi akong hindi naglulugay ng buhok. Laging nakapusod at nakabonnet.
Maya-maya din ay inihatid na niya ako sa dorm. May kotse siyang dala kaya mabilis ang biyahe namin.
"Aba! Dalaga na si Mai ah!" tukso ni Chloe sa akin.
"Sira! Wala yun. Customer lang yun sa cafe. Nagmagandang loob lang." sabi ko. Para hindi na sila makahirit pa ay dumeretso na agad ako sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng pambahay. Nakita ko ang panali ko ng buhok sa kama ko. Naaalala ko lagi ang sinabi niya na "Mas maganda ka kapag nakaayos ang buhok mo"
Honestly, nakakamiss din yung may kumo-compliment sayo.
Teka! Masyado na akong nasasarapan sa pag alala sa impaktong yun.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Maaga kasi ang duty ko ngayon. Mag dadalawang taon na rin ako sa trabaho ko at masaya naman ako.
Pagdating ko pa lang sa cafe ay bumungad na sa akin ang kotse ni kumag. Tumingin ako sa aking wristwatch. Nanlaki ang mga mata ko kasi ang aga pa para tumambay dito sa cafe. 7:45 am palang ng umaga. Hindi pa nga bukas ang cafe eh. Tsk tsk.
"Mai, halika! Dali!" hinila ako sa loob ng isa sa mga katrabaho ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Good morning!" nakangiting bati sa akin ni kumag habang nag ma-mop ng sahig.
"Anong ginagawa mo dito?!!" sabi ko sa kanya. Pumamewang pa ako para lalo siyang maaligaga pero cool na cool lang siya. Papogi ampotek.
"Cant you see? I'm helping your workmates. Tutal wala naman akong gagawin after ko mag gym kaya naman dumeretso na ako dito." ngumiti lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Novela JuvenilPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...