Chapter 42: Mama

1.8K 46 2
                                    

Ikinuwento ni Aling Elena kay Chloe ang nangyari sa nakaraan at ang dahilan ng pagkakahiwalay nilang mag anak.

"Bumili lang ako ng iced coffee na gusto niya. Kasama naman nya ang yaya niya noon kaya panatag ako. Nasa CR naman si Howard habang nag hihintay kami sa flight namin papunta ng America." paliwanag niya kay Chloe.

"Eh ano pong nangyari nung bumalik kayo galing ng coffee shop?" tanong ni Chloe.

"Ang haba kasi ng pila sa coffee shop nung mga oras na iyon. Dahil gusto ng anak ko ang iced coffee, pumila ako. Pag balik ko sa passenger's lounge, wala na sila. Hinanap ko sila pero ang sabi, nakaalis na raw ang eroplanong sasakyan namin. Nang makaipon ako, sinubukan ko silang hanapin sa America pero hindi ko alam kung saan sila dun nakatira." sagot ni Aling Elena. Hinagod hagod nalang ni Chloe ang likuran nito. Sinabi din niya sa ina ni Zeke na hindi siya dapat mag alala dahil lumaki si Zeke na walang hinanakit sa kanya. Labis naman iyong ikinatuwa ni Aling Elena lalo na nung nalaman niyang pinapahanap din pala siya ng kanyang anak.

"Hindi nyo po ba alam na sikat na singer ang anak nyo?" tanong ulit ni Chloe. Umiling naman ito.

"Wala kasi akong TV sa inuupahan ko, hija. Kaya ko lang nakita ang anak ko dahil sa TV ng kapitbahay kong may tindahan. Kaya dali dali akong pumunta sa airport para habulin siya. Kaso, nabigo ako." sabi nito. Bilang nakasama ni Chloe si Zeke ng ilang buwan, ikinuwento niya sa ina nito ang kanilang pinagsamahan at kung ano ang mga pinagkakaabalahan nito sa buhay. Kitang kita sa mukha ni Aling Elena na proud siya sa achievements ng kanyang anak.

Chloe's PoV

May kalayuan din pala ang bahay ni Aling Elena. Pero masaya ako dahil nahanap na siya. Maaring hindi sila nagkita ngayon ni Zeke, at least malaki na ang pag asa na magkikita na sila.

Pagkatapos ko siyang ihatid sa kanila ay tumuloy na rin ako sa pag uwi. Good thing is may jeep dito na dadaan malapit sa dorm. Ang nice diba? Hehe!

Naaalala ko lang si Zeke ngayon. Ano na kaya ang ginagawa niya? Naboboring ba siya ngayon? Sana okay lang siya. Naalala ko rin yung ginawa ko kanina sa kanya sa airport. Arrgh! Nakakahiya lang. Never ko pang ginawa sa buong buhay ko ang manghalik ng lalaki. Ewan ko ba, i guess talagang in love ako sakanya. Naku! Tama na nga ang drama. Its been a long day for me.

Pagkauwi ko sa dorm ay dumeretso na ako sa kwarto ko. I open my facebook account. Ang daming friend request! Anyare? Ni isa sa mga ito ay wala akong kakilala. More than 100 na friend request? Celebrity lang ang peg? Since, i dont know any of them, isa isa ko silang ni-decline. Ayoko kasi mag accept ng friend request ng mga taong hindi ko kilala ng personal. Mabuti na yung nag iingat diba?

Nang makaramdam na ako ng antok ay nahiga na ako sa kama at hindi ko namalayang nakakatulog na pala ako.

Kinabukasan, tumung ang alarm clock ko. Its 6 am in the morning. Nanlaki yung mga mata ko. Ang haba pala ng tulog ko. Hindi na nga ako nakakain ng dinner. Sunday naman ngayon kaya pinatay ko ang alarm clock ko at bumalik sa pagtulog.

Nagising nalang ulit ako dahil sa malakas na ringtone ng cellphone ko. Urgh! Sino ba itong tumatawag? Pag tingin ko sa screen, dyusme! Si Mai? Pwede naman niya akong katukin sa pinto ah! Ni-decline ko ang tawag niya at bumangon ako sa pagkakahiga. 9:00am na pala. Oras na nga para bumangon. Tiniklop ko muna ang kumot ko bago lumabas ng kwarto para mag CR. Pagkalabas ko ng CR ay hinanap ko si Mai.

"Nasa kusina siya, kasama ang Mama mo." sabi ng isang ka dorm ko. Ahh nasa kus—what?! Kasama daw ang Mama ko? Si Mama nandito? Kaagad akong nagtungo sa kusina para tignan. Nakita ko lang dun ang dalawang babae na abala sa pag luluto.

"Oh Chloe, gising ka na pala. Kanina pa kita kinakatok pero masarap ata tulog mo eh. Malapit na kasi matapos itong niluluto ni Tita Lyn kaya tinawagan na kita." sabi ni Mai. Ewan ko pero speechless lang ako sa mga oras na ito. Lumingon sa akin si Mama at ngumiti. Bakit sya nandito? Bakit niya ginagawa ito? Yan ang mga tanong na tumatumbling tumbling sa isip ko ngayon.

"Anak, nagluto ako ng paborito mong adobo. Sinamahan ako ni Mai na mamalengke kanina." sabi ni Mama.

"Ibig sabihin, kanina pa po kayo nandito?" tanong ko sakanya. Tumango lang siya at ngumiti.  "May kailangan po ba kayo?" patuloy ko. Napahinto siya sa ginagawa niya. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang sinabi kong iyon. Ngayon nalang kasi siya nagpakita sa akin eh. Hindi ko rin naman maiwasang hindi tanungin yun.

"Mai, pwede bang iwanan mo muna kami saglit ng anak ko?" sabi niya kay Mai. Agad naman itong sumunod sa pakiusap ni Mama. Lalong naging awkward ang buong kusina. Bakit ganun? Maski ako ay hindi ko rin gusto ang ganitong pakiramdam, pero hindi ko maiwasang maramdam ito. Hay! Chloe naman! "Anak, galit ka ba sa akin? Sa amin ng papa mo?" madamdaming tanong niya. Umiling ako. Hindi naman kasi talaga. Naiintindihan ko naman na hindi talaga sila magkasundo noon pa. Pinaliwanag na sa akin ni Kuya Carson noon.

"Hindi naman po, Mama. Nagulat lang po kasi ako na nandito kayo sa dorm ko, tapos pinagluto nyo pa ako." sabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko si Mama ng mahigpit. At ganun din naman siya sa akin. Nararamdaman kong namimiss din niya ako at ganun din ako. Hindi na namin napigilan ang sarili namin na maluha sa eksena namin ngayon. Nakakamiss din ang may magulang na nag-aasikaso sayo. Kaya sana kung may magulang pa kayo ngayon, alagaan at mahalin nyo na sila. Huwag niyo ng hintayin na mawala pa sila bago nyo pagsisihan ang lahat. Natatawa ako sa sarili ko ngayon. Madrama din pala ang buhay ko. Pero sa kabila ng drama, mas lamang pa rin ang masaya. Syempre, maraming nagmamahal sa akin eh!

END OF CHAPTER 42

--

AUTHORS NOTE:

Touching ba? Hehe! Well, always remember wattpaders, EVERYDAY is Parent's Day!

I LOVE YOU MAMA AND PAPA! AYEE! :D

Next Chap: Kilalanin naman natin si Mai. Bilang one of the supporting characters natin siya, may sidestory din siya. Ano nga ba talaga ang dahilan ng pagiging Man-hater niya? Yun oh.

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon