Chapter 2: Lucky Indeed

3.9K 96 3
                                    

This is the day kung kailan siya dadating dito.

2 days before the big event. Ngayon ang dating ni Zeke Anderson dito sa pilipinas. Ang mga die hard fans niya ay nag aabang na sa airport. Napanood ko sa TV na halos mapuno na ang loob ng airport sa dami ng naka tambay na fans ni Zeke doon. Malamang siguro ay nagtataka kayo kung bakit wala ako doon. Hindi naman po kasi ako die hard fan ni Zeke. I'm just a normal fan. At mas importante sa akin ang pag aaral ko kaysa ang makigulo sa airport para salubungin ang aming idolo.

May exams ako ngayon kaya hindi ko na masyado nasubaybayan ang pagdating ni Zeke. Nakatutok lang talaga ako sa mga libro at notes ko. I cant fail the exam. Ayokong mawala ang scholarship ko. Kaya kailangan kong maging consistent sa pag aaral. Sunugan na ng kilay to!

Nasa classroom na ako nang biglang nagtext si Kuya. Susunduin daw niya ako mamaya. I check the date today. Kaya naman pala, sahod niya ngayon. Libre day! Nakagawian na iyon ni Kuya na pag sahod niya ay sa labas kami mag di-dinner. Ang bait ng kapatid ko no? Mainggit kayo... Bleh! Just kidding.

So i replied to him.

"Ok kuya."

Nang mag dismissal na ay agad akong nagpaalam kay Trinity at sa ibang mga blockmates namin. Umupo ako sa may waiting shed para maghintay kay Kuya.

May dalawang teenagers na umupo sa may gilid ko. As usual, pinag uusapan nila ang tungkol sa pagdating ni Zeke Anderson sa pilipinas. Grabe, iba talaga ang impact ni Zeke sa mga teenagers at kahit mga kolehiyala dito sa pilipinas. Ibang level lang. Ayan, nakikita ko na ang kotse ni Kuya kaya naman tumayo na ako at lumapit sa harap para makita niya ako. Bumusina siya at huminto kaya sumakay na ako sa tabi ng driver's seat.

"Oh, kamusta ang araw ng kapatid ko? Bakit parang salubong ang mga kilay natin? Inaway ka nanaman ba ng mortal enemy mo?" tanong ni Kuya sa akin.

"Hindi kuya. Nakakadismaya lang. Puro tungkol kay Zeke Anderson ang naririnig ko." hinaing ko sakanya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntung hininga. Sana ay masapul siya at maisipan niya akong ilibre. Wahaha!

"Ahh yung mestisong bangus na dumating kanina? Actually, nag cover ako kanina sa airport. Ilalagay kasi sa website ng network. Ang daming tao. Akala ko nga andun ka eh. Diba isa ka rin sa mga FANGIRLS nun? Aminin!" pang aasar niya. Buti pa si kuya. Nakita niya ng malapitan si Zeke my labs. Bakit sila sinusuwerte? Samantalang ako, eto nganga pa rin. 2 days nalang concert na. TskTskTsk...

"Mamaya may bibigay ako sayo ah. Basta pangako mo na huwag ka sisigaw ah." sabi niya. Nacurious ako dun ah. Ano kaya ang ibibigay niya na pwede akong mapasigaw? hmmm.. i smell something fishyness.

Nang marating namin ang resto na kakainan namin umupo kami sa may bandang gilid. Pagkatapos namin umorder ay may inilabas si kuya sa bag niya. Isang maliit na brown envelope. Yung parang ampao ang size. Iniabot niya sa akin. Laking gulat ko nung binuksan ko ang sobre. Napacover ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Muntik na ako mapatili sa sobrang tuwa.

"Oh ayan. Alam kong gusto mo yan, kaya para sayo na yan. Advance gift ko na sayo yan para sa final exams mo, alam ko naman na maipapasa mo yun. Kaw pa!" tumayo ako at lumapit kay kuya para yakapin siya. Biruin nyo, 15k na halaga ng ticket ay binili niya para sa akin? Nakakatouch lang talaga.

"Thanks Kuya. Hindi mo naman kailangang gumastos. Alam kong mahal yung ticket na ito. Hayaan mo, babayaran kita pag nagkatrabaho ako." ang drama ko lang diba.

"Assuming lang? Hindi ako bibili ng ganyan ka mahal na ticket no. Ano ka? Sinuswerte? Nag punta kanina sa network yung Zeke. Nag guest siya sa noontime show doon. And nandun ako para i document ang program. Namigay siya ng mga ticket sa staff and crew ng show. Nabigyan ako. Kaya ayan, binibigay ko sayo." paliwanag ni kuya. Okay lang sa akin kahit hindi niya binili. Its the thought that counts naman eh. Haay, wish granted din sa wakas. Naalala ko tuloy ang mga pinagsasasabi sa akin ni bruhildang Shari. Ngayong may hawak na akong VIP ticket, parang gusto ko siyang puntahan sa kanila para isampal sakanya ang ticket na ito. Nakakainis lang kasi.

Zeke Anderson's POV

"I Love You, Zeke!"

"Be Mine, Zeke!"

Blah..Blah..Blah!

My ears are so tired and so does my hands. I've been signing for autographs since i arrived here in Manila. After this lame and corny noontime show guesting, i went straight to my hotel room to rest. I'm with my filipino Manager, Tony. Well, my dad couldnt come here. He's too busy on his business. And he had too many painful memories here with my mom. Yes, my mom's a filipina. My dad told me that my mom just disappear when i was four. I still remember her face. She's beautiful. Dad said that i got my brown eyes from my mom. And yeah, i can speak tagalog. Kinakausap ako ni Tony sa tagalog para daw masanay ako since i have a filipino blood. He says that it will be a big help para maka gain ako ng fans dito sa Manila.

"Okay Zeke. Ito ang sked mo for today, after nung noontime show, then at 5 pm, press con naman dito mamaya sa function hall ng hotel. So you still have, 1 hour para magpahinga." tony said. Yeah! Sa wakas, i heard the word pahinga. I nod at him. Then, lumabas na siya ng room. I turn on the TV. This is my first time dito sa philippines kaya i want to see kung ano ang ibang palabas sa mga TV networks nila.

Geez! Wala bang ibang palabas kundi ang mga lame noontime shows? I already miss my hometown at New York. Kaya, i turned off the TV nalang. Then, i set my alarm clock at 4:30 pm. I fell asleep.

Kriiiiiiiiiiiing!

Ugh! What was that sound? I look at my alarm clock. Geez! 4:30 pm na agad? Parang hindi pa nga malalim ang tulog ko. Oh well, i have no choice but to get my ass up and prepare my self for the press conference.

"Mabuti naman at gising ka na, Ezekiel. Ito ang isuot mo. This is a custom made. A famous filipino designer ang nagdesign niyan. Dont forget to mention his name mamaya ha." Tony said. Iniabot niya sa akin ang nakahanger na suit and tie. Maganda ang fabric and the color is perfect. I like it. And what? What did he call me? I already said to him na ayoko na tinatawag ako sa aking full name. it's just... hindi lang bagay sa akin. Dad said that my name was given by my mom.

When i'm done, lumabas na kami ng room. As usual, i'm with Tony and friends. Yeah, his bodyguard friends. Kailangan ko daw yun for my protection. Yeah, i kinda got that part. I remember when i was at Japan, someone pinch me. At this is the worst part, someone cut the back part of my hair. I swear to God, hindi na ako babalik sa Japan.

Okay. This is it. Nasa tapat na kami ng function room. Nang binuksan ni Tony ang door. Everyone stood up, especially the press people. Sinalubong ako ng palakpakan. Okay. I need to smile. Kahit na pagod ako, i need to show them that i'm always ready for anything. That's the saddest thing on being a celebrity, kahit na malungkot ka or you're tired, you cant show it to the public or else you're done.

END OF CHAPTER 2

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon