Third Person
Two months passed.
Summer is officially over.Maraming nangyari sa loob ng two months. Pagkauwi ni Chloe ng Manila ay nagfocus siya sa kanyang summer job sa TBN. Nagpalit din siya ng kanyang cellphone number. She even deactivated her facebook account. Wala na siyang any connection sa kanyang social media accounts. Matapos ang kanyang summer job ay bumalik na siya sa dorm niya dahil malapit na ang pasukan.
Samantalang si Zeke naman ay panandaliang bumalik ng America para personal na asikasuhin ang papers niya doon. Hindi pabor ang kanyang ama sa paghahanap niya sa kanyang ina pero walang makakapigil sa kanya, kahit ang sariling ama niya pa. Kaagad din siyang bumalik para humabol sa enrollment.
First Day of 1st Semester...
"Chloe! Alas otso na!" sunod sunod na kinatok ni Mai si Chloe sa kwarto nito.
"Ano ba! Ang ingay!" sigaw niya. Tinignan nya ang oras sa kanyang cellphone, 8:03 am na. Nanlaki ang mga mata niya at nagkumahog sa pagkuha ng kanyang tuwalya para maligo.Umiling iling lang si Mai habang pinagmamasdan siya.
Pagkatapos niya maligo ay agad siyang nagbihis. Kinuha na niya ang bag niya at saka nagpaalam sa mga kasamahang nandoon.
"Bye! Ingat sila sayo!" sigaw ni Mai mula sa bintana.Sumakay na ng jeep si Chloe para mabilis. 8:30 kasi ang flag ceremony kaya kailangan niyang magmadali. Pagdating niya sa gate ay ang haba pa ng pila.
"Hay! Kapag minamalas ka nga naman o!" bulong niya sa sarili.
"Prend!" sigaw ni Trinity na nasa dulo ng pila. Kinawayan niya ito at sinenyasan na hihintayin nalang niya ito sa loob.Nang makapasok na sila ay nagmadali silang nagpunta sa may soccer field ng school kung saan naroon ang flagpole.
Maya-maya ay may dumating na grupo ng babae. Hindi masyadong makita ni Chloe ang mga mukha nila dahil nagkumpulan na ang mga estudyante sa area kung saan nakatayo ang mga babae. Hindi naman masyadong interesado si Chloe sa kanila kaya naman hindi niya ito pinag aksayahan ng oras.
Nang matapos ang flag ceremony ay dumeretso na sina Chloe at Trinity sa first class nila, Filipino subject.
Umupo siya sa may bandang unahan at sa kaliwa naman niya si Trinity.
"Prend, ang daming new faces. Konti lang ang classmates natin last year." bulong ni Trinity kay Chloe. Lumingon siya sa likod at sumang ayon sa kaibigan.Maya-maya ay may dumating na isang lalaki. Narinig ni Chloe ang bulungan ng ibang babae na nakaupo sa likod. Tinignan niya ang kanyang bestfriend. Tila napako din ang mga mata nito sa lalaking dumating. Tinignan niya ang kabuuan nito. Matangkad at maputi ang lalaki. Chinito ito at ang kinis ng mukha. Ang gwapo nitong tignan. Napaisip si Chloe kung artista ba ito. Pero hindi niya ito kilala kaya malamang ay hindi.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang nakatingin sa kanya ang lalaki at papunta sa pwesto niya.
"Frend. Papunta siya dito." bulong ni Trinity sa kanya. Kilig na kilig ito.Nang malapit na ito sa kanya ay tumayo ito sa harap niya. Tinignan lang niya ito na parang wala lang. Ngumiti ito sa kanya.
"Me..Meyon bang nak..nek neke upow ditow?" sabi nito.Sandaling natahimik si Chloe bago ito humagalpak sa kakatawa. Siya lang ang natawa sa buong klase. Maya-maya ay huminto na siya sa pagtawa.
"Sorry, nadala lang ako. Ang kulit mo kasi magtagalog eh. Exchange student?" tanong niya. Parang nagtaka naman ang lalaki sa tanong niya. Umiling lang ito.
"Ahhh.... Transferee from Taiwan?" tanong niya ulit. Umiling ulit ang lalaki.
"From Japan?" ulit niya pero umiling ulit ang lalaki. Natahimik na si Chloe at nag isip ng malalim. Hindi na natiis ni Trinity at tumayo na siya sa harapan nilang dalawa.
"Prend naman! Hindi ka ba nagbabasa ng dyaryo? O kaya nagbabasa ng internet articles?" bulyaw ni Trinity sa kanya.
"Ha? Anong connect naman ng sinasabi mo sa paghula ko kung saan siya galing? Ano ba frend! Quiet ka nga lang. Para mahulaan ko." sabi niya sa kaibigan.
"Uhm excuse me, you really dont know me? My name? status? anything about me?" sabi ng lalaki sa kanya. Umiling lang si Chloe. Nagulat siya ng tumayo ang lalaki at niyakap siya. Napa 'woah' naman lahat ng kaklase nila.
"Youre the first person who said that. Can we be friends?" nakangiting sabi nito. Lalo nang naguluhan si Chloe.
"Wait.. wait! Okay, can you understand tagalog?" tanong niya sa lalaki.
"konti lang." matipid na sagot nito.
"Frend. Ako na ang magpapaliwanag. Sure ka talaga na hindi mo siya kilala?" sabat ni Trinity. Umiling lang si Chloe.
"Okay. Siya si Andre Han. Han Sung Min ang korean name niya. 20 years old. Ang pamilya niya ang pinakamayaman sa South Korea and he's here in the philippines to study. Am i right, Mr. Han?" paliwanag ni Trinity sa kaibigan. Napanganga lang si Chloe sa nalaman niya about sa lalaking nasa tabi niya. Dahil hindi na siya masyadong updated sa current events ay hindi nya alam na may dumating na anak ng Korean Multi-billionare sa pilipinas. Naalala niya si Zeke. Kamusta na kaya ito. Ang huli nya kasing balita ay bumalik na ito sa america. Maya-maya ay may pumasok na tatlong babae sa classroom nila. Nanlaki ang mga mata ni Chloe nang makita ang tatlong babae.
"Frend. Diba si Kay yun? Yung presidente ng Fans club ni Zeke? Sila pala yung mga babae kanina sa field." bulong ni Trinity sa kaibigan. Agad na humarap sa white board si Chloe.Maya-maya ay dumating na ang prof nila. Bago daw nito simulan ang orientation niya ay may announcement lang daw ito. Nagbulungan ang mga estudyante sa loob ng klase.
"Okay, as you can see, May new faces tayo dito sa campus. Three ladies sa likod, stand here infront of everyone and magpakilala kayo sa classmates nyo." sabi ng prof bago siya tumayo sa gilid.
"Hi. I guess you guys, already know our names. That would be all." pabalik na sana ang tatlo sa pwesto nila nang biglang magsalita si Chloe.
"Well, ako, hindi pa." sabi niya. Napahinto ang tatlo at tumingin sa direksyon niya. Naningkit ang mga mata nito sa inis.
"Well, look who's here girls, Chloe Mariano. Hi.
Hindi mo na ba kami maalala? i'm Kay. And this is May and Fay. Okay na?" sabi nito habang nakatitig sakanya. Napansin ng prof na nagkakainitan na ang dalawang panig kaya inawat niya ito at pinatayo na si Andre. Naghiyawan ang buong klase at nagtilian ang mga babae.
"Hi. I'm Andre Han. I hope we can all be friends." tapos ay nag bow siya. Napangiti naman si Chloe dahil hanga siya sa pagkahumble nito.
"Okay class. This next student is familiar to all of you. I'm sure kilalang kilala nyo siya." sabi ng prof. Naglingunan ang buong klase sa bawat sulok ng room. Sa pagkakaalam nila ay apat lang ang transferees sa block nila.
"Pink gosh! Meron pa? Eh nasaan?" bulong ni Trinity kay Chloe. Maya maya ay pinapasok na rin ng prof ang transferee na kanina pa nakatayo sa labas.Nang pumasok na ang transferee ay naghiyawan ang lahat. Mas malakas na hiyawan kesa kay Andre.
Sino ba naman ang hindi mapapahiyaw kung ang magiging kaklase mo ay ang isang sikat na international rockstar.
Nanlaki ang mga mata ni Chloe sa nakita niya. Hindi niya expected na magkikita pa sila ulit at ngayon magiging magkaklase pa sila.
END OF CHAPTER 27
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Mr. Famous
Teen FictionPara kay Chloe, Zeke Anderson is the greatest poet since Shakespeare. Iba ang dating sa kanya ng iniidolong international star. Nang minsang bumisita ito dito sa pilipinas para sa last stop ng kanyang world tour ay nagkagulo ang mga kababaihan. Pero...