Chapter 29: Badgirl

2.4K 57 1
                                    

"SERYOSO KA FREND??!!"

Sabi ni Trinity sa kinukwento ko na napag usapan namin ni Brat kanina sa room. Samantalang si Korean Boy naman ay patuloy lang sa pagkain ng sandwich niya. Ewan ko ba pero buntot ng buntot sa akin ang koreanong hilaw na ito. Nagiging center of attraction tuloy kami dito sa canteen. Ano bang meron sa mga famous na ito at dikit ng dikit sa akin? Actually, mas gusto ko ang dating buhay ko dito sa campus. Yung tinitignan ako dahil kilala ako as the number one outstanding student ng HAU, hindi dahil may kasama akong mga famous freaks. Aminado akong dati akong fangirl, pero nung makilala ko si Brat. I'd rather be called a nerd or baduy kesa naman maging isa sa mga fans niya. Urgh!

"Wala ka bang sasabihin jan, Korean boy?" baling ko sa kanya.

"Nothing. I just love this sanwichu. Youre talking about Dyeke Andershon? You know him befow?" sabi niya. I guess, kailangan ko ng sanayin ang tenga ko sa pananalita niya.

"Yes! They even lived toget—" daldal talaga ng bestfriend ko grabe! Kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Nang masiguro kong hindi na siya magsasalita ay tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya. May naalala lang ako bigla sa ginawa ko. Ganitong ganito din ang ginawa ni Zeke noong gabi ng concert niya. Teka! Ano ba! Bakit ko ba siya naiisip?! Naka move on na ako. At ibang Chloe na ngayon ang kaharap niya no. Kumbaga sa pelikula ni Sarah at John Lloyd na It Takes A Man And A Woman, I am now Chloe Mariano Version 2.0.

"Ano ba yan frend! Amoy bagoong yung kamay mo! So Gross!" sabi ni Trinity. Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Parang nag eecho sa isip ko ang boses ni Brat when he is calling me Grossy Girl. Chloe, Tama na. Erase! Erase!

"Okay ka lang frend?!" tanong ni Trinity. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng lunch.

Nang mag dismissal ay maaga akong nagpaalam kay Trinity para umuwi ng maaga. May tinatapos kasi akong masterpiece na i sa submit ko sa isang sikat na Art Museum sa Canada. Pagnagkataong matanggap ang painting ko, pwede akong makapunta ng Canada at pwede akong magbenta ng paintings ko doon. Kaya ayoko sanang mag tutor ngayon. Kaso, lagi namang nakasunod si Korean boy sa akin.

Sinama ko nalang siya sa dorm para doon siya turuan.

Pagdating namin sa dorm, nasa gate palang kami ay may nakaparadang kotse sa labas. At dinig na ang hiyawan at usapan nila sa taas? May bisita ba? Ganun lang naman sila kapag may bisita eh. Pag kami kami lang, tahimik lang sila.

"Anong meron?" nakita kong nagkukumpulan sila. Nang makapasok na ako sa loob ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Bakit ang tagal mo? At bakit kasama mo ang koreanong yan?" sabi ni Brat. Aba! Makapagtanong to!

"Excuse me! May deal tayo diba? Kaya wag kang umasta na ikaw pa rin ang master sa ating dalawa, slave!" sabi ko habang naka cross arms. Natahimik lang siya at umupo. Pinaupo ko si Andre sa tabi niya. Nag punta lang muna ako sa kwarto para magbihis.

Zeke's POV

This korean guy is getting on my nerves. Bakit ba buntot ng buntot ito kay Grossy girl? Kailangang bantayan ko ang kilos ng lalaking ito.

"Teka! Kilala kita ah. Parang nakita na kita sa TV eh. Ano nga pala ang name mo?" Mai asked him.

"My name ish Andre Han. Nice to meetu you." he said. I cant help pero natatawa ako. Hindi ko napigilan. The way he talk makes me laugh.

Tinignan niya lang ako. Nilang lahat, actually.

"Whats with the stare guys?" sabi ko.

Then, lumabas na si Grossy girl ng kwarto. I stared at her for a moment. Its been two months palang pero ang laki na ng pinagbago niya. Lalo siyang gumanda. And the way she carries herself right now, iba na. Kahit naka pambahay lang siya ngayon, iba pa rin ang dating.

"What?! May dumi ba ako sa mukha?" she said. Bigla ko inalis ang tingin ko sa kanya. Its been two month, damn it! Move on, Zeke!

Later on, she starts the tutoring session.

"Zeke, can you get us a glass of water. Alam mo naman ang way sa kusina diba? Thank you." she said. What?! Ako ang uutusan niya na kumuha ng tubig? Yes, i know i'm her slave now pero siya lang ang pagsisilbihan ko hindi kasama ang korean guy na ito.

"Gusto mo ako nalang? Upo ka nalang jan." Mai said. Buti pa siya.

"Kaya na nya yan Mai. Diba, Zeke?" she said. Wala na rin akong nagawa kundi sundin ang aking master. Now i know what it feels like a slave. I remember the days when i turned her to be my slave. I felt guilty now.

"Here." i placed the two glasses of water infront of them.

"Nasaan yung biscuit? Ano yan, panulak lang? Walang pambara?" she said. I know, she's giving me a hard time just like i did to her before. Sweet revenge eh? Sige lang. Sabagay, I deserve this.

Hanggang sa natapos ang aming tutoring session ay hindi nya pa rin ako masyado kinakausap. I dont what is her problem with me. Is it about what happened two months ago? Damn its been two months already. At saka bakit naman niya didibdibin yun? Unless she's—No.. hindi naman siguro.

"Hindi ka pa ba aalis, Brat?" she asked me.

"Bakit ako lang ang tinatanong mo? Bakit itong koreanong ito hindi mo tinatanong? Pinapaalis mo na ba ako? I thought, ako ang slave mo?" i answered her.

"Kashi, tutuwuan niya pa ako sa painting." sabat naman ng koreanong bulol na ito.

"I'm not talking to you, freak." sagot ko naman. Sumimangot lang siya.

"You heard him, brat. Siguro naman alam mong fine arts ang course namin. Kaya, go ka na. Tsupi!" she said. I really cant believe whats happening right now. Siyempre wala akong nagawa kundi ang sundin ang Master ko. Until now, i still cant believe that someone like me, i mean an international celebrity became a slave of an ordinary fangirl. Hindi ako ito. Hindi ganito ang dating Zeke Anderson na namuhay sa states ng more than a decade.

END OF CHAPTER 29

I'm In Love With Mr. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon