"alam mo bang 50 50 ung isa kanina tapos ung dalawa patay na, ngaun lang ako naka encounter ng ganito" aniya, halatadong nginig ang kanyang boses.
napapatango nalang din ako dahil napapatulala ako sa mga pangyayari.
"aj kumusta ung finirst aidan mo?" aniya ni mayor, kayat nagulat ako
"ahm mayor nasa e.r po!" turo ko
"pwede mo ba siyang samahan muna? ikaw na muna ang bahala"
tumango lng ako at pumunta na sa emergency room
unconscious pa din ung lalaking tinulungan ko habang kinakabitan ng swero, at madami pang mga apparato ang ikinakabit sakanyang katawan.
"miss diba ikaw nagdala sa pasyente?"
"opo"
"pwede ko bang makuha pangalan m-"
biglang tumigil ung naka chelekong asul sa pagdating ni mayor.
"mamaya na yan, please lang!" may awtoridad niyang pagkasabi.
napayuko nalang yung reporter at humingi ng paumanhin kay mayor, dumeretso naman siya sa emergency room.
taranta lahat ng tao, ako nakatayo sa isang sulok naghihintay ng balita sa s
tinulungan kong lalaki.
"CLEAAAR!"
"clear!"
napasilip ako at tila ba hinahabol nila ang tibok ng puso ng lalaking tinulungan ko.
napasapok ako sa ulo ko dahil, bigla akong nakaramdam ng kaba at takot sa mga nakikita ko.
alam ko kasing naibalita na makikipaglaban nanaman ang mga hapon sa pilipinas.
digmaan nanaman ba?
may mga dumarating na sugatan, dahil natamaan di umano ng mga ibang parte ng eroplano.
duguan ang ulo, kamay, paa.
nakitulong na din ako sa pag first aid sa mga ito.
taranta lahat ng tao kaya naman mabilis kumilos ang mga nars at doctor.
tatlong batang lalaki ang nabigyan ko nang paunang lunas.
kailangan na ding tahiin ang ulo nang isa sa mga batang lalaki, dahil ungap na ang kanyang bunbunan, itinakbo ko siya sa mga doctor at agad naman nilang ipinuta sa kabilang kwarto.
"unconscious padin yung lalaki kaya ililipat na ng room,sasamahan mo padin ba?" sabi ni brent habang naka gloves, nagulat ako sakanya dahil sa hitsura niyang napaka dumi ng tignan dahil sa mga dugong nagkalat.
"oo daw eh"
"suot moto,sensitibo ung balat nun butit nirespondehan mo agad kundi nasa 2nd degree burn ang kanyang natamo"
tumango ako at sinundan ang nars na maghahatid sa kanyang magiging kwarto.
"pumunta kayo sa blood bank kailangan ng type AB na dugo dalian!"