Mystery Heirs .......

15 5 1
                                    

"bat moko kilala?" at imbes na sagutin ko siya yaan ang nasabi ko.

"edukado ako alam ko magbasa" aba mataray. masungit pala. naka lagay nga pala itong name tag ko kaya niya ako kilala.

"una, sinalba kita sa nasusunog na eroplano, pangalawa magpahinga at magpagaling ka para kung lumakas lakas ka ay ihahatid ka na namin sa pamilya mo"

ang sabi ni mayor, wala pa daw pumupuntang kamag anak ng lalaking ito, nakuha na ang mga labi ng namatay pero inilibing daw kaagad sa  himlayan ng mga bayani sa kampo santo. mga militar daw ang mga ito at nadamay lang sa trahedya.

napatitig siya saakin at ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa paghahanda ng kanyang makakain.

"gusto mo nabang kumain? saluhan mo ako" lumapit ako sa kama niya at sinubuan ng pira pirasng mansanas para manguya niya agad yun. mabait naman pala siya, at sumusunod sa utos ko. nagpasalamat siya at nakatulog din pagkatapos ko binigyan ng kanyang mga gamot.

wala nanaman akong magawa kaya, tumitig nalang ako sa bintana at naalala ko ang nangyari sa labas ng bahay, bakit kaya bumagsak yung eroplanong yun? at saan sila galing? at yung maleta. kailangan kong mabuksan para malaman kung ano ang laman. naka titig lang ako sa kawalan at nagulat ng tinawag ako nung lalaki. dinadaing niya ang kanyang sugat. nagalaw kasi niya at bahagyang dumugo ang ibang parte. agad kong nilinisan at nilagyan ng betadine.

"ano bang nangyari saakin? bakit ako meron ito? saan ako? saan si arturo?" napasapok ako sa ulo dahil hindi ko alam ang ipinagsasabi netong lalaking eto. arturo? siguro kaibigan o kamag anak niya ito.

napatitig lang ako sa mga sugat niya at siguro nga mahapdi o masakit. kaso wala na akong magagawa, kundi linisan ang mga sugat niya.

"hindi ko po alam" yaan lang ang nasagot ko sa mga tanong niya.

bumubulong siya sa hangin, di ko maintindihan, minsan umiiyak siya, siguro sa hapdi at kirot ng kanyang sugat.

DRAFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon