"Alam kong yung isang barkada ko ang gusto mo, ginawa mo ang lahat, pero siya ang bumitiw sa relasyon niyo, pinapatext nga pala ni Reymond na sa Nueva Ecija na siya magaaral ng college, at sana pabayaan mong ako, ang sasalo sayo, sa pinakita mong pagmamahal sa kanya, parang nahulog ang loob ko sayo noon pa, hindi ko lang maipahayag sayo dahil nahihiya ako pero sa pagkakataong ito sana maging boyfriend mo din ako"
Nabigla ako sa text ng kaibigan niyang si Jeremy, alam ko namang sa umpisa palang ay di magwowork yung relationship namin, dahil nga sa SJA siya nagaaral at ako naman sa SMU malayo kumbaga, pero nagkikita naman kami paminsan minsan, puppy love kumbaga. First text boyfriend ko siya.
Sa sama ng loob ko noong gabing yun, nakapag GM ako ng
"Yehey wala na kami ng boyfriend ko, goodmornight sleepy heads!"
Matutulog na sana ako dahil ala una na ng umaga at tapos na din kami sa pagmumovie marathon ng pinsan ko.
