"come Lord Jesus send your spirit renew the face of the earth, come Lord Jesus send you spirit-"
"aa-amen,aa-amen,aaaaa-amen"
narito ako sa music room ng school namin, nakikinig sa mga nag o-audition para sa taunang pagpipili ng mga sasali sa choir ng school at choir sa Saint Dominic's Parish.
ako kasi ang isa sa mga pipili ng mga papasok sa "dominican voice" dahil junior member ako. drums o gitara ang hawak ko. at minsan sumasali ako bilang Sakristan.
hindi madaling pumili dahil lahat sila magaganda, sexy at ehem- bago.
biro! lahat sila magagaling kumanta.
"Perez, kantahin mo ang Lupang Hinirang" utos ko sa dating myembro ng dominican voice na si Lorraine. kaklase ko siya dati pero lumipat sa kabilang section dahil naroon ang kanyang boyfriend na si Dexter Ramos.
Habang kinakanta niya ay nagsusulat na ako ng komento, medyo mababa ang kanyang boses, hindi din clear at parang namamaos pa. I gave him 3 stars meaning neutral, pwede siyang maeliminate sa second round. Ganito ang pagsala sa mga nag o-audition.
Di ko na siya pinatapos dahil pumiyok siya sa kalagitnaan ng kanta. Oo may sorethroat siya, binulong niya saakin.
Tinawag ko ang pang huling nag audition
"Jugar, kantahin mo nga ang bahay kubo" utos ko sa babaeng di ko kilala. nasa freshmen palang siguro ito at mukhang ang bata bata.
"bahay kubo kahit munti-" di pa niya natuloy ay pumalakpak na ako at sinabing "very good!" mahusay! mataas ang tono ng boses nya at pwedeng ilagay bilang soprano.
pumalakpak din ang mga kasama kong hurado.
"pwede mo bang kantahin sa akin ang isa sa pinakagusto mong kanta?" bilang isang 'judge kuno' dapat mo silang ipressure para hindi sila mahihiya at dapat mahal nila ang ginagawa nila dahil doon mo makikita ang lakas ng loob.
ganyan kasi ang ginawa nila saakin non, kaya pasa pasa lang haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/16810502-288-k60218.jpg)